Until The World To An End (chapter 4- love can hurts)

2089 Words
Until the world to an end Chapter 4 Sa pwesto na nanatili si Mike, dun narin Siya nag palipas ng Gabi. Mag Kasama kami buong Gabi at magkatabi, pero diko alam ano nararamdaman ko. Kung Galit ba, kung inis ba o kung Sakit ba. Kinaumagahan, umalis din kagad si Mike, may aasikasuhin daw eto, para magka trabaho na daw kagad. Pinayagan ko naman etong umalis kahit na nag dadalawang isip ako na baka may Mali Siyang gagawin. Oo nanghihinala parin ako, Nung nagka-usap kaming dalawa, sa bawat sinasabi Niya sumasang ayon nalang ako, parang ang nagka ayos kami kagabi, Pero kahit na nag kaayos na kami, di parin mawala sa aking isipan ang mag Duda, Ang Mang hinala sa bawat kilos o gagawin niya, sa bawat pupuntahan niya nag dududa ako. Katulad na nga ngayon, umalis Siya at Sabi niyang may pupuntahan siya na may aasikasuhin siya, pero nag dududa ako. Simula ng umalis siya sa pwesto, kabado na ako, Hindi na ako mapakali, at kung ano ano na ang iniisip ko. Ewan ko, pero katulad din eto kagabi na ang lakas ng kabog ng puso ko. Hapon na pala, pero lutang parin ako, si Hazel na ang nag asikaso sa lahat. Hindi kasi ako makapag fucos ng maigi. Nag paalam din si Mike na bukas na lang daw Siya dadalaw dito sa pwesto, at nag ttxt din Siya sa bawat ginagawa niya, pero "ok" lang ang tanging isinasagot ko sa bawat txt niya. Sa totoo lang, Wala akong gana sa lahat. Hanggang sa may nag txt ulit sakin unknown number na mag papadurog lalo sa puso ko. -balita ko andiyan na yong boyfriend mong magaling. Alam mo ba na Kasama niya ang babae niya bumyahe pauwi diyan sa probinsya.- Laman ng txt message. Agad ko Naman eto nereplyan. -sino tinutukoy mo na babae niya? si Rose ba?- reply ko. -Oo Rose nga, Rose name ng babae niya. Teka! so alam mo na? alam mo na nagsasabi ako Sayo ng totoo.- reply din niya. -Oo. Alam ko na Ang lahat.- Sagot ko. -lahat? so alam mo din na nag ce-celebrate Sila ng first monthsary nila ngayon?. Tapos pinayagan mo? bulag kaba o Ang manhid lang, diko alam ano itatawag ko sayo ngayon dahil pinayagan mo siya mag celebrate Kasama Ang babae niya.- mahabang txt Niya. Nang mabasa ko Ang txt Niya, mas Lalo ako ng hina, muling pumatak ang luha ko na akala ko ay wala na. -diko alam na nag ce-celebrate sila. Diko alam na andito yong babae at magkasama sila. Mag Kasama kami ni Mike kahapon hanggang Gabi, at umalis Siya kaninang umaga at Ang Sabi Niya ay may aasikasuhin siya para Maka trabaho na agad.- Mahabang reply ko - Napaka Ga** Naman Niya, bat ka Niya ginaganyan?- Reply Niya. -Nakita ko lang sa social media, Nag post yong friend Nung babae ni Mike, At sa post apat Sila na mag kakasama, si Mike yong Rose at kaibigan ni Rose at si Henry.- txt pa Niya. Henry? yong mas naging una Kong nakilala bago Kay Mike, Si Henry na kaibigan ko. Bakit?? -alam ko kilala mo si Henry, yong Henry na kaibigan mo na kaibigan din ni Mike.- Sabi pa Niya sa txt. Hindi ko na alam ano erereply, humahagulhol na ako sa kakaiyak. Ang Sakit! sobrang Sakit! Bakit? bakit? Kaya Pala, kaya Pala nag mamadali siyang umalis, Tama nga Siya, may aasikasuhin siya, aasikasuhin niya Ang babae Niya. Nagawa pa niyang mag saya, habang ako andito at nag momokmok at hirap na hirap. Nag sasaya Siya habang ako umiiyak at durog na durog Ang puso. -salamat, salamat sa malasakit. Salamat sa mga sinabi mo.- yan nalamang Ang tanging nasagot ko sa txt Niya. Gabi na, andito na din kami sa tinutuluyan namin ni Hazel, at nakahiga na kami, pero ako heto, Hindi makatulog at Panay iyak parin, diko mapigilan ang pag patak ng luha ko, humihikbi narin ako. Diko Kasi maintindhan kung Ano ba Ang nagawa ko at ginaganito ako ni Mike. Nag pagsyahan ko din na hindi ko muna rereplyan ang bawat txt sakin ni Mike, diko din sinasagot Ang tawag Neto, bahala Siya. Hindi ako magpaparamdam sakanya, pag nagpunta Siya dito sa pwesto Saka ko nalang Siya kakausapin. Sa ngayon gusto ko Muna makapag pahinga. . . . . . - - - - - - - - - - "ano bang problema?" pag tatanong ni Mike sakin. Oo makalipas Ang dalawang araw simula nung malaman ko Ang lahat lahat, at simula ng hindi ko pagpaparamdam kay Mike, ngayon lang siya nag punta sa pwesto. Patunay na, hinintay niyang Maka alis o makabalik ng Maynila ang babae niya, patunay na mas mahal at mas mahalaga Ang babae Niya kesa sakin, samin ng anak Niya. "Akala ko ba okey na Tayo? diba nagka usap na Tayo?" Sabi pa Niya ulit, pero diko Siya iniimik. Sisirain ko Ang ayos ng mga paninda namin at aayosin ko eto, oh! diba, para lang akong sira. Rasun ko lang Naman Yun para makita ni Mike na busy ako. "Ano ba Maureen, kausapin mo Naman ako. Hindi ka nag rereply sa txt ko, kahit sa tawag ko dika sumasagot. Ano bang nangyayari?" Saad ulit ni Mike. Hinarap ko na eto, tinigil ko Ang pang kukunwari Kong nag aayos ako. "Naka alis naba si Rose kaya ka andito?" Malamig na Sabi ko. Hindi eto sumagot kaya, pinag patuloy ko Ang pagsasalita ko. "Hindi kita nerereplyan, baka Kasi nakaka istorbo ako sainyo ng Rose mo. Hindi ko din sinasagot tawag mo dahil baka kausap mo at Kasama mo ang Rose mo, nakakahiya kasi." tuloy Kong sabi. "Anong pinag sasabi mo?" Takang Sabi Niya pero alam ko na mag mamaang maangan eto. "Alam ko na Yan Ang isasagot mo sakin, kaya pinag handaan ko nayan." Sabi ko sa malamig na boses. "belated happy monthsary sainyo ng babae mo!" Sabi ko pa na may halong Galit na Ang pananalita ko. "Ano? pinag sasabi mo?" maang maangan na Sabi ni Mike. "Sasabihin mo ba Ang lahat lahat sakin ngayon o ako Ang mag sasabi Sayo ng lahat ." Sabi ko. Nanahimik Siya, at sa pananahimik Niya, Hindi ko na kaya pigilin Ang patak ng luha ko. Kasabay ng pananahimik Niya Ang siyang pag buhos ng mga luha ko. "ayaw mo magsalita?!" Sabi ko na umiiyak na. Bakit ba napaka iyakin ko. "sege ako Ang mag sasalita, ako Ang magsasabi Sayo ng lahat lahat." Sabi ko ulit. Akmang mag sasalita ulit ako, nagsalita na si Mike. "Oo ginanap namin Ang monthsary namin ni Rose sa Isang beach resort. Apat kami, Ako si Rose, Yung kaibigan ni Rose at si Henry. Bago mo pa nalaman Ang relasyon namin ni Rose naka plano na Yun kaya ako umuwi dito, dahil gusto Niya na sa beach kami mag celebrate. Bayad na Yun kaya tinuloy ko parin sayang naman Kasi, Nakipag Hiwalay ako Kay Rose kanina lang ng bumalik na Siya sa Maynila. Nakipag ayos ako sakanya at humingi na din ng tawad sakanya Bago man lang Siya bumalik sa Maynila ay gusto ko na maayos Ang pag hihiwalay namin. Sinabi ko na din sakanya, na magkaka anak na Tayo. na Ikaw Ang pipiliin ko." mahabang sabi niya. Nanikip Ang dibdib ko Lalo dahil sa mga narinig ko. Kahit kelan dikami nag celebrate ng monthsary ni Mike, dirin Siya gumagastos ng mga bagay bagay para sakin. Pero para Kay Rose nagawa Niya Ang mga Yun na gustong gusto kong Gawin din Niya sakin. Ayaw ko mag sabi kay Mike kung ano Ang gagawin at gustong kong gawin niya, para sakin, dahil para ko Siyang inuutusan pag ganun, kaya hinayahaan kinsiya sa nais niya. Gusto ko, pag may gagawin siyang bagay para sakin, Gawin Niya dahil sa gusto Niya at Hindi sa gusto ko. Ano nga bang meron si Rose na wala ako. Ano pa bang diko naibibigay Kay Mike na naibigay ni Rose. Ano??! Diko tuloy maiwasang Hindi ikumpara Ang sarili ko kay Rose, at Hindi ko din maiwasang isipin Ang mga bagay na nagawa ko at nabili ko para sakanya. Diko din maiwasang Hindi isipin na wala ba akong halaga Kay Mike. "yong Kay Henry? totoo ba Ang lahat ng mga sinasabi Niya? totoo ba yon?" Tanong ko. Wala Kasi ako maisagot sa mga sinabi Niya kanina, durog na durog Ang puso ko. Sa ngayon gusto ko lang malaman ang lahat, gusto ko lang i confirm kung totoo Ang mga nalaman ko. Pati narin Ang nalaman ko mula kay Henry. Oo, kagabi naka txt ko si Henry at dun, dun ko nalaman Ang dapat ko malaman, at dun ko nahanap Ang kasagutan na matagal ko ng gustong malaman. Nag taka si Mike sa sinabi ko, seguro Hindi Niya alam kung Ano Ang gusto Kong sabihin, o ipahiwatig, kaya binigay ko Ang phone ko at pinabasa lahat ng txt conversation namin ni Henry. -sege na! sasagotin ko na lahat ng tanong mo Maureen. Sasabihin ko lahat ng alam ko. Pero please lang Maureen, wag mo na ako idamay sa pag aaway neyo ni Mike, wala ako kinalaman diyan, bilang kaibigan ko si Mike, hinayaan ko Siya sa gusto Niya Kasi ayaw ko nakikita na nahihirapan Siya. Sinuportahan ko nalang Siya sa nais Niya dahil gusto lang Niya mag enjoy.- -sabi Niya sakin, na Hindi Niya daw alam ano gagawin niya. Hindi pa daw Siya handa pasukin ang magkaroon ng sariling pamilya, Hindi daw Niya alam pano maging ama, Hindi pa daw Siya handa sa lahat, pero ayaw din Niya na lumaki Ang anak Niya na wala Siya sa tabi Niya, ayaw din Naman niyang isilang mo ang anak Niya na na wala siya. Ayaw niya lumaki Ang Bata na walang kinikilalang ama.- -yan lang sinabi Niya, Kaya gusto ko mag enjoy Muna Siya Bago lumabas at tuluyan na siyang maging ama, masama ba Yun?!- Yan Ang mga txt sakin ni Henry. Pagka basa ni Mike, ibinalik sakin ni Mike Ang phone ko. "ibig sabihin nun, napilitan ka nalang mag oo, napilitan ka nalang akuhin kahit dika pa handa, Hindi mo ginusto na panagutan ako dahil sa mahal mo ko? pananagutan mo ako dahil Yun Ang alam mo, pananagutan mo ako dahil sa Bata lang." Sabi ko. Ewan bakit sinabi ko Ang mga yan, base Kasi sa sinabi sakin ni Henry Yun Ang dating sakin, Yun Ang pang uunawa ko sa sinabi Niya. "Oo, Hindi pa ako handa. Hayaan mo nalang si Henry. Maureen." Sabi neto. "Nung una oo, Hindi pa ako handa. Nabigla ako sa lahat. Nabibigla ako sa mga nangyayari, pero ngayon. Ngayon Maureen. Ikaw at Ang baby natin Ang pinipili ko, Hindi sa Yun Ang Tama, pinipili ko kayo dahil mahalaga at mahal ko kayo, sa mga nagawa mo sakin sa mga pinakita mo sakin, at Nung panahon na wala ka, narealize ko na kilangan kita." Sabi pa Niya. "Pinipili mo ko dahil sa kailangan mo lang ako? Ganon ba Yun?" sagot ko. Para akong iniinsulto sa mga sinasabi niya. "Hindi Maureen. Pinipili kita Kasi mahal kita." sagot Niya Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga pinagsasabi Niya. Magulo Ang utak ko. magulo Ang isip ko. "Ayosin natin to Maureen. Please. Ayosin natin to, mag simula ulit Tayo. Maureen. Hindi ko na sasayangin Ang pag kakataon na ibibigay mo sakin. Please Maureen. Please. Ayosin natin to." Pag susumamo sakin ni Mike. Niyakap Niya ako ng mahigpit na mahigpit, at dun lalo ako nahihirapan, nahihirapan ako mag desisyon. Umiiyak ako, sobra akong nasasaktan. Pumikit ako, at huminga ng malalim. Kailangan ko muna huminga, kailangan ko muna makapag isip. "Mike, umalis ka muna, Saka nalang Muna natin pag usapan ng lahat. Sobra pa ako nagugulohan. Gusto ko Muna mag isip, gusto ko muna makapag isip. Gusto ko Muna huminga. Masyado akong nasaktan sa ginawa mo, masyadong masakit Ang ginawa mo sakin." "alam Kong labis kitang nasaktan, Sana Maureen pagkatiwalaan mo muli ako at mahalin. Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon Maka bawi Sayo. Sana magka ayos Tayo at mag simula ulit. Mahal kita Maureen." "Sege na Mike, umalis ka muna." Paki usap ko. Dahil lubos akong nasasaktan sa mga nangyayari at nalaman ko. "kung Yan Ang nais mo, sege aalis Muna ako, bibigyan Muna kita para makapag isip. Pero umaasa ako na magka ayos Tayo. Umaasa ako naag simula ulit Tayo at pagkatiwalaan mo muli ako." Sagot ni Mike at umalis nga eto. Sa pag alis ni Mike, naiwan akong durog na durog Ang damdamin. Wala akong ginawa kung di Ang umiyak ng umiyak sa mag sandaling iyon. . . . . . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD