Until the world to an end (chapter 18- the night)

1817 Words
Until The World To An End Chapter 18 Nagising ako ng may maramdaman Akong humahamplos sa ulo ko. Unti unti kung minulat Ang aking mata, at Nakita ko Ang Mukha ni Jeff. Naka ngiti to, diko alam pero Ang ganda ng awrang Meron siya. Ang gwapo Pala niya. "Good morning." bati sakin ni Jeff at hinalikan ako sa noo. Hindi ako umimik, umiwas ako ng tingen dahil naalala ako Ang nangyari sa Amin kagabi. At andoon pa Ang bakas ng ginawa namin, dahil Nakita ko ang Sarili ko na Hubod hubad, tanging kumot lang Ang naka takip sakin. Nakita ko Ang damit ko na nasa lamesa at maayos etong naka tupi, si Jeff Naman ay naka bihis eto pang ibaba. "Gutom ka ba? Gusto mo ba na mag order ako ng pagkain, kakain Muna Tayo Bago umalis dito." Saad ni Jeff. Tumango tango lang ako bilang pag tugon. Hindi ko alam kung Ano ba sasabihin ko sakanya, nahihiya ako dahil sa Katangahang ginawa ko. Napansin siguro ni Jeff ang pagiging balisa ko, oo balisa ako dahil Hindi ko alam paano ako mag bibihis ngayong naka harap eto sa akin. Kaya Hindi ko inaasahan Ang gagawin niya. Kumuha sya ng towel at binigay sakin, inabot din niya Ang mga damit ko, Saka eto tumalikod. "sige na, mag tungo kana sa banyo para Maka pag bihis kana rin, may mga gamit na din diyan sa loob ng banyo na kakailanganin mo." Saad ni Jeff. Dali dali ko namang kinuha ang tuwalya at itinakip sa katawan ko at nag tungo sa banyo. Pagdating ko sa banyo, agad agad kung binuksan ang shower, hinubad ko Ang tuwalya at isinabit eto, ipinuwesto ko din Ang mga damit ko sa Lugar na Hindi mababasa, Saka ako niligo. Habang dumadaloy Ang tubig sa aking katawan, pag pikit ko ng aking mata, ay Ang eksenang nangyari sa Amin ni Jeff Ang aking nakikita. ... hinalikan ako ni Jeff sa labi, hangang Ang kamay Neto ay naglakbay sa mga bahagi ng aking katawan, nag tungo Ang kamay Neto sa aking d*bd** hinimas neto ng hinimas, at Ang kanyang labi ay mapunta sa aking leeg, oo hinahalikan Niya Ang aking leeg, Hanggang namalayan ko na na Wala na akong damit pang itaas, Wala na din Ang aking bra, tanging naramdaman ko nalang Ang maiinit niyang kamay sa aking mga dibdib. Hanggang sa ang kanyang labi ay nag tungo sa aking dibdib. Hindi na ako tumanggi sa mga ginagawa niya sakin, hinayaan ko na eto at Pina ubaya Ang lahat sakanya. Hanggang sa ang pag halik sakanya kanina, ay Ngayon pareho na kaming walang saplot na damit sa katawan, at Ang tanging naririnig ko nlang Ang pag sambit ko sa pangalan Niya. ..... Bigla ko minulat ang aking mga mata, humarap sa alamin na naroon, at hinawakan ko Ang labi ko, Hindi ko alam pero may kiliti Akong nararamdaman sa aking Sarili, at napa ngiti ng maalala ko Ang pag halik sa akin ni Jeff. "Tama ba eto?" Tanong ko sa aking sarili. Tama nga ba? Tama nga ba na Pina ubaya at binigay ko Ang aking Sarili Kay Jeff, ngayong wala namang kami. Hindi ko alam kung Tama ba eto o Mali, pero may puwang sa isip ko na nagsasabi na Hindi Tama, dahil Mali! maling Mali, dahil may anak at asawa ako, pero bigla namang pumasok sa isip ko lahat ng ginawa sakin ni Mike, Ang pag babalewala Niya sa akin at di pag trato ng Tama. "Maureen, akala ko ba Hindi ka gagaya sa Asawa mo na Mang loloko." Sabi ko na naman sa aking sarili. Huminga ako ng malalim. At nag isip. Nang maka pag iisip ako, muli Akong naligo. Pagkatapos ko maligo at nag bihis, lumabas ako sa banyo, at Nakita ko na naka bihis na din nang pang itaas si Jeff, Nakita ko din na may nakahain na ng mga pagkain sa lamesa. "bakit di pinaranas sa akin ni Mike eto. Bakit Hindi ginawa ni Mike sa akin eto." Sabi ko sa aking isipan ng Makita ko na nakahanda na ang lahat. "Tara sabay na Tayong Kumain" Saad ni Jeff at ngumiti eto. "bakit ka ba ganyan ngumiti. Lalo mo ako pinapahirapan." biglang Sabi ko sakanya, na Hindi ko din alam sa sarili ko bakit ko iyon nasabi, pero totoo, pinapahirapan Niya ako mag desisyon. "Siya nga Pala Jeff, tungkol Pala sa nangyari -" Hindi ko na na ituloy Ang aking sasabihin dahil bigla etong nagsalita. "Maureen, pwede bang Maya nalang natin Yan pag usapan, pwede bang Kumain Muna Tayo." Sabi ni Jeff, at ngumiti ulit eto. Kaya tumango tango nalang ako bilang sagot. Pinag silbihan ako ni Jeff. Yung tipong Siya na din mag susubo ng pagkain sakin, ganun. Ganung pag sisilbi ginawa niya. Para Naman akong Bata nun pag hinayaan ko siya na Gawin Yun, pero sa isip isip ko masarap din bumalik sa pag kabata, Yung tipong Ang iniiyakan mo lang ay sugat mo sa tuhod dahil sa nadapa ka. Ngayon Kasi Wala ka namang sugat sa parte ng katawan mo, pero Yung sugat sa damdamin mo, sobrang Sakit, Yung tipong kahit Anong gamot ilagay mo at kahit Anong gamot gamitin mo Hindi Siya agad agad mawawala at mag hihilom agad. "salamat Pala sa pag dadala mo sakin dito, ahh!! I'm mean sa pag papasyal mo sakin sa lugar, nabawasan Ang lungkot at Sakit ng nararamdaman ko." Sabi ko Kay Jeff ng matapos kami Kumain. "bakit ka nga Pala andoon? umiiyak at mukhang Ang Sakit Sakit ng nangyari Sayo." pag tatanong ni Jeff. "pwede bang wag nalang natin Yan pag Usapan." mahina Kong Sabi. "okey, kung Yan Ang gusto mo. So ano Naman Ang gusto mong pag Usapan natin? may natitira pa Tayong oras." Saad Niya. "Ahh! Jeff about sa kung Anong nangyari satin." Sabi ko ng walang paligoy ligoy. Hinawakan ni Jeff Ang mag kabilang kamay ko at itinapat eto sa dibdib Niya. "Don't worry Maureen. Pananagutan ko Ang nangyari satin. Hayaan mo ko na ipakita sayo na seryoso Ako. Na kaya kitang ipag laban sa lahat. Hindi ako nag mamadali, wag mo ding madaliin Ang pag dedesisyon mo. Mahal kita Maureen. Handa ako sa lahat, alam ko na mas matanda ka ng limang taon sakin, I'm 23, at 28 kana. Alam kung Bata pa ako sa paningen mo, pero kaya ko Maureen, kaya kitang ipag laban." mahabang Sabi ni Jeff. "Hindi Tama to Jeff, Mali to. makaka hanap ka pa ng iba diyan, baka nabibigla ka lag dahil sa may nangyari satin, wag kang mag alala, Hindi Naman akong Mang hahabol." Sabi ko. Dahil Mali nga Kasi, maling Mali. May ka live in Ako at may anak, kaya maling Mali Kasi Hindi Niya alam Ang buong pagkatao ko. Ang alam lang Niya ay Ako si Maureen, 28 yrs. Old at single. "papatunayan ko na karapat dapat Ako." Muling Sabi ni Jeff. Binawa ko Ang kamay ko mula sa pag kakahawak Niya, at tumayo na Saka ako nag Aya na umuwi na. "nag pasasalamat ako dahil Andiyan ka lagi, nag pasasalamat ako dahil lagi mo ako pinapasaya, pero hangang doon lang Yun, Hindi Kasi Tayo pwede." tanging Sabi ko nalang at tuluyan na akong lumabas sa kwarto. Makalipas Ang ilang araw, walang nag Bago kay Jeff, ganun parin sya. Seryoso nga Siya sa sinabi Niya. Pina alam panga Niya sa lahat na ka work mate namin na nililigawan Niya ako. "hoy! ano yon? totoo?" pag tatakang tanong Sakin ni Clara. Andito kaming dalawa sa stock room, nag aayos ng mga bagong supply at i a arrange namin. "diko alam na seseryosohin Niya Ang sinasabi Niya sakin after ng may mangyari samin." Sabi ko at paliwanag ko Kay Clara. "whattt?!" tanging Sabi ni Clara at namilog Ang mata Neto sa gulat dahil sa narinig Niya. "nangyari? as in may nangyari sa inyo-" diko na pinatapos Ang sasabihin ni Clara dahil pa lakas ng palakas Ang boses Neto. Kaya tinakpan ko Ang bunganga Neto gamit Ang palad ko. "ano ba! wag Kang maingay." suway ko sakanya. Saka ko binitawan Ang kamay ko mula sa pag kaka takip sa bunganga Neto. "Ahhhhhhh!!" mahina na Sabi ni Clara, tapos biglang kinilig eto. "Hindi ka galit?!" pag tataka ko, dahil inaasahan ko na sesermonan ako Neto dahil sa ginawa ko pero mukhang natuwa eto. "Hindi! bakit Naman ako magagalit? No. 1 fans kaya ako ng JeffReen." Sabi Neto. "JeffReen?!" takang sagot ko. "oo, Jefferson and Maureen . ayyhhiie!!" Saad ni Clara na pumalakpak pa. So may codename na kami ni Jeff. "JeefReen" medyo napa ngiti ako ng maisip ko Ang codename namin. Nang bigla ako siniko ni Clara. "Uiy! nagustuhan mo din noh!!" pag tutukso ni Clara sakin. "ano ka ba! Hindi Yan Ang pino problema ko noh!" pag iiba ko, dahil alam kung tutuksohin pa Niya ako lalo. "oh? so? ano nga pino problema mo?." tanong ni Clara. "Yong sitwasyon ko. Alam mo Naman diba, my anak at asawa ako. Hindi pwede." Sabi ko. "correction. Live in partner, dipa kayo kasal dai! pero, problema nga Yan. Ano balak mo ngayon?" Saad ni Clara. "ewan ko, naguguluhan ako." tanging Sabi ko. "Isang tanong Isang sagot. mahal mo ba so Jeff?" tanong ni Clara. "satingen ko, mahal ko na siya." sagot ko. Titili sana si Clara sa pagka Sabi ko pero bigla niyang tinakpan Ang bibig Neto. "really? may gusto Ka na Sakanya." Saad ni Clara, at tumango tango lang ako. "pero Clara, impossible bang, sa Isang iglap mawala yong nararamdaman mo sa Isang taong minahal mo ng sobra?." pag tatanong ko Kay Clara. "Hindi naman. Hindi naman mawawala Ang nararamdaman mo sa isang taong sobra mong minahal, Hindi eto bigla nalang mawawala or Hindi eto mawawala sa Isang iglap lang. Unti-unti. Unti unting mawawala eto, mawawala eto dahil sa pag babalewala niya Sayo. Nung araw na unang beses na sinaktan niya Ang damdamin mo, Hindi pa nawala doon, nawala eto Nung Paulit ulit ka na niyang sinasaktan Hanggang sa nawalan ka na ng pake, kumakapit ka lang dahil sa tagal ng pag sasama neyo at sa sitwasyon mo may anak pa nga kayo. May Jefferson man na dumating or Wala, base sa kwento mo at hirap mo sa kung pano ka labis na nasaktan, may involved man o Wala Sayo, matagal ng nawala Yung pag mamahal mo kay Mike, kumakapit ka lang dahil sa tagal ng pag sasama neyo at sa may anak kayo." mahabang Sabi ni Clara. "Anong dapat kung Gawin kung ganon. Dahil Tama ka naman, kumakapit nalang talaga ako dahil sa tagal ng pag sasama namin at sa may anak kami." sagot ko. "Ang maigi mong gawin. Gawin mo Ang Tama. palayain Ang Isa, dahil Ang puso natin ay iisa lang Hindi dalawa. Bago ka pumasok sa Isang panibagong relasyon, seguradohin mo Muna na okey na Ang lahat. Yun lang." Saad ni Clara. Tama nga si Clara. Kailangan ko Muna pakawalan Ang nakaraan ko. Sana maging Tama Ang desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD