Miraflores City Pagbaba ng bus terminal, naghihintay na ang anak ni Aling Celia na si Ashley. Hindi ito personal na kilala ni Lara pero may numero naman ito ng cellphone kaya nagkita sila agad. Dinala sya ni Ashley sa tinitirhan nito at ipinakilala sa mga kapwa modelo. Dahil walang bakanteng higaan, sa tabi na lamang sya nito pansamantalang matutulog. "Pasensya kana Lara ha, inaayos kasi yung room sa kabila. Pansamantala lang naman to." turan nito habang inaayos ang kama. "Ako nga dapat humingi ng pasensya sa inyo eh. Bigla lang namin kayo dinisturbo ni Tiyang. Walang problema kahit maglatag nalang ako dito sa sahig." nahihiya naman nyang tugon. Ashley: "Ay hindi! Hindi pwde ibinilin ka sakin ng maayos ni Mama tapos patutulugin lang kita sa sahig! Dito ka sa tabi ko. Bukas na bukas d

