Nagsimulang magpahayag ng kakaibang damdamin si Sione. Nang oras na iyon inamin nyang gusto nya si Cave highschool pa lamang sila, at bago pa maging sila ni Jerico. Na hindi nya makalimutan ang halik na pinagsaluhan nila sa parking lot. Na gabi-gabi nya iyong iniisip. Sinubukang balewalain ni Cave ang mga narinig at tuloy lang sa pag-inom ng alak. "Mas lalo kang gumagwapo habang tumatagal. Plus---lumakas pa ang s*x appeal." dagdag nito. "You know what Sione, kulang ka lang sa beer. Kung saan-saan na nakarating topic mo." pakli ni Cave sabay abot dito ng isang canned beer. "I'm serious. Bakit ganyan ka lagi sakin napaka cold mo!" simangot nito sabi sabay bukas sa hawak na lata. Cave: "Hindi naman. I just want us to remain as friends. Nothing more. Ayaw ko yun masira." Sione: "Hindi

