Kabanata 7

1328 Words
March 12, 1996 "Good morning Ms. Abby." magalang na bati ni Lara sa manager isang umaga pagpasok nya. Nakangiti naman itong bumati rin sa kanya habang nasa cashier. Agad dumiretso sa locker para magpalit ng uniform si Lara. Ilang buwan na syang pumapasok sa tindahang iyon na nagbebenta ng mga antigong kagamitan. Hindi man sya kakilala ay binigyan sya ng pagkakataon ng manager mismo na makapagtrabaho kahit part time lamang. Papasok sya ng alas-otso ng umaga, mag-out ng alas-dos ng hapon upang dumiretso naman sa paaralan. Evening shift ang schedule nya kaya hindi sya gaanong nahirapan. Kumukuha sya ng kursong Veterinary Medicine. Bukod kasi sa mapagmahal sya sa mga hayop, pangarap rin ni Lara magkaroon ng sariling animal shelter at clinic. Bagaman may kalakihan ang tuition fee sa napiling kurso, nakatulong naman ng malaki ang Scholarship nya. Minsan ay napapagod din si Lara lalo na pag-uwi ng bahay galing trabaho-school ay nakakarinig pa sya ng sermon. Tutol parin si Amanda sa pagkokolehiyo nya kahit pa working student sya. Palagi rin nitong sinasabi na pagyayabang lamang ang dahilan kaya pinipilit nyang mag-aral. Hindi lang sya palasagot kaya hindi lumalaki ang gulo. May mga pagkakataong natutulala na lamang sya at napapaluha sa kakaisip kung bakit ganun ang trato ng ina sa kanya. Kung bakit hindi nito maintindihan ang mga pangarap nya. Kapag tinatanong naman nya ang tiyahin, sinasabi nito na may pinagdadaanan lamang si Amanda. Unawain na lamang daw at matatauhan din ito balang araw. "Nakatulala ka na naman dyan." siko ni Jasmine na ikinagulat nya. Ito ang nag-iisang katrabaho nya bukod kay Ms. Abby na manager. Naging malapit na sa kanya si Jasmine kahit pa matanda ito ng malayo ay hindi ito mahirap pakisamahan. Lara: "May iniisip lang ako. Kanina ka pa ba dumating?" Jasmine: "Hindi naman. Halos kaka-in ko lang din. May pasok ka ba mamaya? Sama ka samin ng pinsan ko." Lara: "Saan ang punta nyo?" Jasmine: "Gigimick beh! Walang pasok bukas. Tsaka, matagal din kaming hindi nagkita. Eh laking Manila yun kaya ganun ang hilig. Marami daw magagandang bar sa kanila." Umiling si Lara at sinabing hindi naman kasi sya umiinom ng alak. "Hindi din ako mag- i enjoy kahit sumama ako. Next time nalang." dagdag pa nya. Hindi na sya pinilit ni Jasmine. Naiintindihan din sya nitong mayroon syang boyfriend na maaaring magalit kapag sumama sya sa ganuong lugar. Nang matapos ang shift nya, nag-gayak na si Lara para pumasok sa school. Jasmine: "Ang sipag mo talaga. Pag ako sa kalagayan mo, naku hindi ko kakayanin sabay ang trabaho at pag-aaral." "Kailangan ko magtiis. Kapos ang family ko sa financial eh." paliwanag ni Lara habang inaayos ang laman ng bag. "Teka....sino tong pogi na to? Ito ba boyfriend mo? Ayyy ang gwapo pala!" tili ni Jasmine habang hawak ang nahulog na picture. Natatawang binawi ito ni Lara sa kaibigan. "Male-late na ako. Akina yan baka maiwan ko pa yang pampaswerte ko!" biro nya sabay tawa. "Ang sarap agawin ng bf mo beh! Hahhaha. Bye ingat ka!" makulit na pahabol ni Jasmine. .......... Tuesday Afternoon. Nakangiti pa si Cave habang binabasa ang sweet na message ni Lara bago ito mag-out sa trabaho. Plano nya sanang dalawin ito at i-surprise. Pababa na sya ng hagdan ng magulat sa babaeng biglang kumawit sa braso nya. Pulang-pula ang labi at amoy naligo sa mamahaling pabango. Napalis ang ngiti ni Cave at tinabig ang kamay ni Sione. "Wala ka na naman sa mood. Sabayan na kita mag-lunch, libre ko." paglalambing nito sa kanya sabay kunyapit. "Stop Sione!" kagyat na kumulo ang dugo ni Cave at muntik pang maitulak ito. "Wala namang makakakita ah. Bakit ba ang sungit mo sakin." simangot ni Sione na huminto sa paghakbang. Cave: "Ano bang inaasahan mo. Makikipag-flirt ako sayo just because Lara is not around?" Sione: "Ayaw mo? Maraming boys sa paligid ang naghahabol sakin Cave. Tapos ikaw na nilalalpitan ko, tumatanggi ka?" Pagak na tawa ang isinagot ni Cave. "Wala akong pakialam kahit sino pa maghabol sayo. My girlfriend ako at alam mong hindi ko sya ipagpapalit kahit pa sa iyo." diretsahang wika ni Cave. Sione: "Hahhaha! Really? Tell me hindi boring kasama si Lara. Hmm? Baka nga ni hindi ka pa nakakahalik sa kanya eh. Old school and killjoy ang pinagmamalaki mong gf!" Cave: "May galit ka ba sa kanya? That's true. Killjoy nga sya. Pero kagalang-galang kumpara sayo. I'll go ahead. And Sione, please lang, tantanan mo na ako." Halos malukot ang mukha ni Sione sa mga narinig. Naiinis sya isiping masaya sina Cave at Lara habang sya naman ay walang maayos na love life. Kahit pa sa loob ng ilang buwan lang ay nagkaroon sya ng apat na boyfriend, hindi parin sya masaya. Tingin nya rin, mas deserved sya ni Cave maging nobya kesa kay Lara. "Puro Lara! Let's see kung hanggang saan tatagal pagpapakipot mo sakin!" bulong ni Sione pagbaba ni Cave. ........ "Babe, andito na ako labas." Pagkabasa ni Lara sa text ni Cave, sumilip sya sa glass door ng tindahan at nakita nya itong nakasandal sa sasakyan. "Beh, mag-out na ako ha. Andyan na sa labas sundo ko." paalam nya kay Jasmine. "Wait pasilip muna." mabilis na nakalapit ito sa glass door at tinanaw ang lalaki sa sasakyan. "Omg! Beh like na like ko Papa mo! Sheet may kapatid ba sya? Mas pogi sya sa personal!" kinikilig na namang sabi ni Jasmine. "Baliw ka talaga! Marinig ka ni Ms. Abby." kinurot nya ng manipis sa tagiliran ang kasama at napatili ito. Panay ang tawa ni Lara bago lumabas ng tindahan. Isang matamis at halik sa pisngi ang iginawad ni Cave sa nobya paglapit nito. "Mainit ka...nilalagnat ka babe." nag-aalang inakay sya nito papasok sa kotse. Lara: "Naambunan kasi ako kagabi. Pero ayos lang ako. Uminom na rin ako ng gamot kanina." "Sabi ko sayo wag kang magpapaulan di ba. Uminom ka ng tubig." iniabot nito ang tumbler na may lamang tubig. Lara: "Nakalimutan ko kasi yung payong sa school. Pagpasok ko kahapon wala na pala roon. Sakto naman umulan kagabi." Cave: "Hindi ka ba nahihilo. Are you sure okay ka lang?" Tumango si Lara kahit pa medyo nangangatog sa lamig ng aircon. Nagbago ang isip ni Cave na idate ang nobya. Bagkus ay tinahak nila ang daan pauwi para makapagpahinga na ito. Nang mapadaan sa isang botika, bumili ng mga gamot, vitamins at ilang energy drinks ang binata. Lara: "Ang dami naman nito. Salamat Cave." Tumingin ito at pinisil ang bibig nya ng marahan. "Babe! Hmm? I love you." "Hindi ako sanay." ngiming sagot ni Lara. "Salamat palagi kang nandyan para sa akin." Cave: "Yun ang pangako natin di ba. Dadamayan ang isa't-isa. Tutuparin natin yun hanggang sa pagtanda natin." "Pangako." taas-kamay na pahayag din ni Lara. Sa kalagitnaan ng byahe, inungkat nya ang tungkol kay Sione. Mula kasi ng gradution ay hindi na talaga ito kumukontak o sumagot manlang sa mga pangungumusta nya. Hinayaan lang sya ni Cave magsalita at hindi ito umiimik. "Tingin ko, nagtampo sya sakin kasi hindi ako sa St. Caroline nag-aral. Tuloy mag-isa lang sya duon. Sana magkita kami ulit para makapagpaliwanag ako noh." patuloy ni Lara. Napabuntung-hininga si Cave at manaka-nakang sinusulyapan si Lara. Masyado itong maalalahanin kahit pa sa gaya ni Sione na alam naman nilang walang pakialam sa mundo. Pano ba nya sasabihin kay Lara na hindi naman sa St. Caroline ng-aaral si Sione. Inihatid nga ni Cave si Lara hanggang sa kwarto nito. Hinubad ang sapatos at medyas, inayos na rin ang higaan habang nagbibihis sa banyo si Lara. Tinabihan ni Cave ang nobya sa higaan at niyakap hanggang sa makatulog ito. Mataas pa din ang temperatura ni Lara kaya agad nakaidlip dala ng mabigat na katawan. Hinayaan lang sila ni Tiyang Vina tutal wala namang magagalit. Hindi pa kasi umuuwi si Amanda mula ng magbakasyon sa Baguio. Hindi rin ito nagtatanong tungkol sa anak. Ang sweetness at care ni Cave para kay Lara nuon ay hindi nagbago. Kaya mas tumibay pa ang kanilang relasyon paglipas ng mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD