Imoge POV
Gamit ang sasakyan ni reika, nag drive ako papuntang bahay namin....at syempre...naririndi ako kay reika na animo'y pwet ng manok na purtak ng putak sa passenger seat.
"Gosh, Imo! i can't believe na inistorbo mo pa ang beauty rest ko para lang sa mga pugong 'yon?" Sabi nya na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse nya....
"Sus. kala mo naman hindi ka nag enjoy sa pag tusta sa mga lalaking yun? kulang na ngalang tuhugin mo at gawin mong marshmallow ehh." sabi ko sabay irap. panaka naka akong tumitingin sa eabab na natutulog ngayon sa back seat....gosh....kung hindi lang ako nag dadrive? mas gugustuhin kong titigan nalang sya all the time. kaysa makipag talo dito kay reika....
well don't get me wrong ahhh...i'm thankful na tinulungan nya ako pero duhhh! kung ganto ba naman na para syang pwet ng manok ayyy nako!
"Imogen Blythe Henderson De Luna....Eyes on the f*****g road, dude! mababangga tayo sa ginagawa mo eh....." Napapikit nalang ako dahil sinabi ni reika....
Fine. Aaminin ko na....
GUSTO KO NA SYANG SIPAIN PALABAS NG KOTSE!!!!
Tumahimik nalang ako at nag focus sa pag mamaneho. at kahit anong putak ng katabi ko ay di ko nalang pinapansin dahil baka mamaya mag init lalo ang ulo ko at umuwi syang nag lalakad.
'Bad....She helps us get our mate. and FYI, imogen....it's her car, not yours'
isa pa itomg asong to. kanina pa din to ehh....
'Parang masarap yung adobong aso?' i said that make rolf shut.
Pinilit ko nalang maging payapa ang byahe papuntang bahay at aftet a minutes...finally....
wala pa din kami sa bahay.
langyang traffic to. pati ba naman dito sa loob ng subdivision may traffic padin? and isa pa, madaling araw na! imbes na mag horn ako ay mas pinili kong lumabas ng kotse at tumingin sa unahan namin. and yeah....reckless drivers.....may banggaan pala...so i decided na buhatin nalang si ate ghurl.
"Sumunod ka nalang sa bahay....it was just a few blocks away. mind link mo nalang ako kapag makakausad ka na. this woman need a treat immediately." I said. tumango si reika and sinabihan akong mag ingay. i nod too and i use my speed to go home agad agad.
luminga muna ako bago ko talunin yung gate namin. nakalock sya sa loob so di ko sya mabubuksan since wala namang butas sa gate para makalusot yung kamay ko...and one more thing...walang mag bubukas kasi nga buhat ko ng two hands si ate ghurl. unlike kanina....hinsi na sya nakahawak sa akin...mukhang nahimasmasan na sya kaya nakatulog ng maayos. isa pa malamig sa kotse ni reika....
nang makarating ako sa main door ay sinubukan kong imind link si sky or si cloud and asks them to open the door....minuto lang naman ang nakalipas ng bumukas ang pinto at their eyes widened...
"ate? sino yan?" sky said habang binubuksan ng maayos yung door.
"oo nga ate. and....amoy aso sya..." sabi ni cloud. sinamaan ko sya ng tingin bago lagpasam. sila kuya rhys,vey and duke naman ay agad na lumabas ng kwarto.
"Sky, Cloud. ayusin nyo yung spare room. bilis." i said. tumalima naman silang dalawa agad. si kuya duke ay inayos yung sofa para maibaba ko saglit si ate ghurl.
"sino yan, vampy? at anong nangyare sa kanya?" tumingin ako kay kuya duke. "Mate ko...."
nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko. "What? nahanap mo na? anong nangyare sa kanya?" Kuya rhys said. pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat. nakikinig lang sila nang dumating si sky and cloud. ayos na daw yung spare room. tumango ako at binuhat ulit si ate ghurl at dinala sa spare room. inihiga ko sya sa bed and madali naman akong kumuha ng clothes ko na pwedeng isuot sa kanya....
"Boys....labas muna...sky, cloud tulungan nyo ako...." i said. agad namang lumabas sila kuya. si cloud pumunta sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at ng bimpo...nilinisan namin sya at ginamot ang mga sugat nya pati mga pasa....Ginupit ko naman yung suot nyang damit at pinunasan ng basang bimpo ang katawan nya para maging kumportable sya....after namin syang malinisan ay binihisan ko din naman agad...natatawa nga sa akin yung kambal pano nung pinupunasan ko daw si ate ghurl ay nakapikit ako....
ano naman??? i respect my mate kaya.
Nag pasalamat ako kala sky at cloud after namin matapos....kinumutan ko si ate ghurl and medyo nilakasan yung aircon. i kiss her forehead bago ako lumabas ng kwarot nya at hinayaan na syang makatulog ng mahimbing. nang makalabas ako ay nakita ko sila sa sala....naka ulot sila doon kasama si reika na umiinom ng water.
"Vampy...Malakas ang kutob ko na di din tao yang mate mo..." Sabi ni kuya rhys. sinang ayunan naman sya ng kapatid ko pa and even reika....
"Wala namang masama ahh...di din naman ako tao." I said. umupo din ako sa pang isahan na upuan. tumitig sa kawalan....
"Pero bakit parang di ka aware? kasi talagang malakas yung amoy nya na...you know? aso...pero..." Sabi ni reika...pinutol ko na sya bago nya pa matuloy yung sasabihin nya...
"I don't care. she's my mate. tao man sya o hindi...tatanggapin ko yun.....nag tataka lang ako....bakit pumalya yung feeling ko nung unang beses ko syang makita?" i said. napatingin naman sa akin sila kuya at napatanong.
"You mean....hindi ito yung unang pag kikita nyo?" kuya vey said. i nod.
"Yeah. nung first day ng school....kasama ko si Van and si Yanna....nag kabanggaan kami...pero wala....walang feelings...pero isa lang ang nangyare....yun ay ang hindi ko na sya nakalimutan....pero ngayon...kanina....malakas na ang feeling ko na sya ang mate ko.....even rolf...nag wawala si rolf..." i said...pero nang mapagtanto ko na sinabi ko yung pangalan ni rolf.....napatigil ako.
nag tatanong ang mga tingin na pinukol ng mga kapatid ko sa akin...tanging mga kaibigan ko lang naman ang nakakaalam na may wolf side ako...
Tumayo si kuya rhys at tumingin sa akin ng masinsinan...napatingin nalang ako sa sahig. shit....
paano ko ngayon sasabihin sa kanial?....
tanga mo naman imo!!!!
i can see rolf smirking at me....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Imo...who is rolf?"
PAKTAY.....