Chapter 4

814 Words
"Aba. Tahimik mo ngayon vampy ah. Anong nangyari sayo? Tsaka 12 am na oh." Sabi ni kuya duke. "Hmmm wala lang. Nag papahangin lang." Simpleng sagot ko at di ko manlang sya tinapunan ng tingin. Narinig ko syang bumuntong hininga saka ako inakbayan. "Sus. Ang sabihin mo namimiss mo na sila mom. Kasi ngayon lang naman tayo malalayo sa kanila eh. Sure naman akong bibisitahin nila tayo dito. At hindi pwedeng hindi kasi hindi tayo tao, vampy. Sisiguraduhin nilang maayos lang tayo dito at safe." Inihilig ko yung ulo ko sa balikat nya saka malungkot na tumingin ulit sa kawalan. Tama si kuya. Kung tutuusin kahit anong oras pwede akong dumalaw kala mom sa bahay. Pero alam kong mapapagalitan nila ako dahil.... Ah basta. "Hays. Kung pwede lang talaga ang hindi na mag aral eh. Kaya lang alam naman natin na gusto parin nila na maranasan natin yung mamuhay ng katulad ng sa mga tao." tumango tango ito ulit saka bumuntong hininga. Mukhang may problema ang kuya ko ah. Tumingin ako kay kuya duke na malungkot din nakatingin sa mga bituin sa langit. " Kuya may problema ka ba?" Wag na kayong magtaka na nagtanong pa ako. Naka block ako sa isipan ng kuya ko. Walangya pag sila pwede pag ako bawal. "Wala. May naiisip lang ako." "ano naman yun kuya?" "Nakita ko na yung mate ko, vampy." Nanlaki ang mata ako at napatayo pa. Sympre! Sa tagal ng panahon na inantay ni kuya duke yung mate nya. At sa wakas ay nahanap nya na yung mate nya. "Talaga kuya? San mo sya nakita" This time sa harapan nya na ako umupo at di na sa tabi nya. Gusto kong makita yung itsura ni kuya while nag kukwento sya. "Sa mall. Nabangga ko sya. I mean nabangga nya ako. Ah basta nag kabanggaan kami." Natawa ako kasi hindi talaga mahilig mag kwemto si kuya duke. Siguro napipilitan lang sya mag kwento sa akin ngayon. "tapos, Nagalit sya sa akin kesyo di daw ako tumitingin sa dinadaanan ko. Buti nalang naka shades ako kasi pag wala makikita ng mga tao na nag bago ng kulay yung mata ko." mukha syang problemado at yun yung dahilan kung bakit ako natatawa. "Hahaha Edi paamuhin mo kuya. Tutal...Lahat naman ng gusto mo nakukuha mo eh. Para san pa at isa kang del Luna." Ngumisi sya sakin tsaka Kinuha yung phone nya. Kakabili nya lang ata nun siguro bumili sya nun kaya sya nasa mall kanina. "Yeah. Thanks sa phone kasi kung di dahil sakanya di ko mahahanap yung mate ko. Pero paano ko sya makikita at saan ko sya makikita?" "Aba malay ko sayo kuya. Problema mo na yan na hindi ko na gugustuhin pang problemahin din." Tumayo ako at aalis na sana pero pinigilan nya ko. "Tulungan mo ako At tutulungan kitang mahanap ang mate mo." "Hindi ko hinahanap ang mate ko, kuya. Hinahantay ko lang sya dumating ng kusa." yun lang yung sinabi ko saka ako nag lakad na at pumasok sa kwarto ko at saka humiga sa king size bed ko. "Haysss... Gabi nanaman. Mabobored nanaman ako. Kung pwede lang akong gumala ng gantong oras kaso saan naman ako pupunta? Hayys bahala na nga basta gusto kong mapagisa. " Tumayo ako ulit at pumasok sa walk in closet dito sa kwarto ko. Kumuha lang ako dun ng black hoodie tsaka nag palit na din ng black ripped jeans and nag suot ng black rubber shoes. Tapos tinignan ko na yung itsura ko sa salamin. Ayan! Mukha na akong makikipaglibing... "San lakad mo vampy?" Biglang sabi ni kuya rhys katabi si kuya vey. "Oo nga. Quarter to 1 na lalabas ka pa?" segunda ni kuya vey. Napairap nalang ako nang tumalikod ako sa kanila kasi baka pagalitan nila ako lalo na ngayon at nag aattitude nanaman ako. Daig ko pa may regla ngayon eh hahaba kahit di naman talaga kami nirereglang mga bampira wahahahaha. "May bibilhin lang ako." Yun lang tsaka lumabas na pero mabilis na humarang sa akin si kuya vey. "Hindi pwedeng ikaw lang mag isa. Isama mo si sky o kaya si cloud. Para kung sakali mang May panganib may kasama ka." umiling ako at tumanggi kay kuya vey. Duh gusto ko nga mapagisa eh. "Hindi na. May bibilhin lang naman ako." Dahilan ko saka Naglakad sa gilid nya. "Kung sakali mang may panganib... Sasabihan ko kayo. Wag nyo kasi akong iblock. Pilipitin mo mga leeg nyo eh." Pag labas ko ay nag mind link sa akin si kuya rhys. 'Mag ingat ka, vampy.' Napangisi ako saka sumagot. . . . . . . . . . . . . . . . . 'Sila ang mag ingat sa akin.' ------------------------------------------------- HMMM NAMISS KO MAG UPDATE DITO. Kaso nahirapan ako kasi nakalimutan ko na yung mga fact about sa vampires kaya nag search pa ko ng malala. Yan lang for todays update. LABLAB?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD