Hello! I'm back and happy that you are still reading my Christian journey. I'm glad to know you are continuing with this journey.
Today, medyo I don't feel good kasi medyo mainit-init ako dahil siguro sa sobrang pagod at abuso sa katawan. Ang thinking ko kasi ay hanggang kaya pa tuloy lang HAHAHAHA. Ang nakakalungkot nga lang dahil nasagad ako I was not able to completely enjoy my day. But still, I was able to make my day with a purpose. How? I woke up early, around 6am and then I start praying to God by thanking Him for waking me up this morning. Magpasalamat tayo lagi sa Diyos kapag tayo ay nagigising tuwing umaga dahil isa yung biyaya, laging sinasabi "It is your decision to sleep at night, but it is God's decision to wake you up in the morning". Walang assurance na tuwing umaga gising ka pa, kaya lagi kang magpasalamat sa Diyos. Okay? Sabihin mo lang "Thank you Lord kasi binuhay mo pa ako ngayong umaga". Syempre after kong manalangin ay nagbasa ako ng Bible para busog ako. Tulad lang yan sa kape at tinapay, every morning I practice talaga na magdasal at magbasa ng Bible. Ang nais ko kasi ay laging simulan ang aking umaga na laging inuuna si Lord. Put God first muna bago opening your cellphone or doing any house works. Iba rin kasi yung pakiramdam kapag lagi mong inuuna si Lord eh. Basta masaya sa pakiramdam, itry mo lagi every morning ang unang-una mong gagawin ay magdasal at magbasa ng Bible.
Syempre after non ay babangon na ako, ililigpit ang pinaghigaan
*syempre responsableng anak tayo HAHAHA
Baka mapagalitan pa ni mother kapag nakita iyon eh. Saka syempre ayaw ko ren naman makita higaan ko na magulo at makalat kaya I make my room clean and organize. Syempre pagkabangon ko sakto kakain na kaya kain agad HAHAHAHAHA. Syempre bago kumain nagdasal muna ako, and sabi ko kay Lord "Lord, salamat po sa pagkain na kakainin ko ngayon. Salamat po dahil may kakainin na naman ako, at salamat po dahil hindi nyo po kami pinagkukulang at patuloy na binibigyan ng biyaya. Magbigay kalakasan at kabusugan lamang po ito sa aking katawan, sa pangalan ng ating Panginoong Jesus. Amen.
Tapos kain na tayo, and then gawa na ng house works. Btw inutusan ako ni Mama maghugas ng plato kasi may ginagawa sya that time, pero bago ko ginawa yun ay nagbasa muna akong book. I really love spending time reading books kasi marami akong nagagain na knowledge, mas nashasharpen mind ko at nagiging creative pa ako. Basta ang daming benefits ng pagbabasa ng books. Itry mo magbasa ng books, believe me ang dami nitong benefits sa iyo. Ang binabasa ko pala is mga theology books kasi I love to know God more. After nun naghugas na akong plato, kaso nga lang nabasag yung isang baso hehehehe. Hindi nakita ni Mama kaya tinapon ko na lang, pero pinalitan ko naman iyon.
Nagpapahinga na ako nun at malapit ng maligo dahil 1pm may orientation na kami, btw start pa lang halos ng 2nd semester kaya wala pang gaanong ginagawa sa school. Imagine mo papasok ka sa school na isa lang subject mo tapos masama pa pakiramdam ko kaya pagod agad. Pero syempre dahil masipag na bata tayo, ayun pumasok tayo. Nung nasa orientation na kami, si Ma'am ay napakabait magsalita at halos pure tagalog talaga magsalita. Mukha namang mabait at napakaprofessional nya talaga as in. Organize sya and talagang alam na alam nya na sasabihin nya. Tapos basal na basal pinagawan agad kame ng activity, parang dance entertainment daw na yung VMGO(Vision, Mission, Goal, at Objectives) ng school ay kakabisaduhin at irerecite namin per group. Kasama na doon yung magpapakilala kami isa-isa. Sabi ko kaaga namang kahihiyan neto HAHAHAHA. Gusto ko ng magevaporate sa upuan?. Pero keri naman dahil groupings naman eh kaya hindi lang ako nag-iisa. After non, uwian na! Sana ganon lagi noh?. Pero syempre orientation lang kaya ganon. Tapos miryenda after ng orientation bumili akong kwek-kwek tapos nilagyan ko ng suka at hot sauce, grabe nakakapaglaway kapag spicy talaga noh. Tapos nun uwi na pero dumaan muna kami sa Divimart para bumili ng Bondpaper, Stick- O para sa mga children na tinuturuan ko. Bumili na rin akong clear book para sa paglalagyan ng mga songs , tapos bumili akong baso na mumurahin HAHAHAHA. Bumili ako sa divimart ng baso, P9 each kaya binili ko 5pcs na para saktong P45 na. Pagkauwi ko sa bahay sinabi ko kay Mama na nabasag yung isang baso kaya pinalitan ko. Atlis diba may pampalubag loob HAHAHA, ayun di nagalit si Mother.
After non, pumunta sa kwarto nagpalit ng suot at nagpahinga. Nagwork out after magrest tapos nakikain sa kapitbahay dahil birthday ng Tatay ng kabarkada ko.
Note: Konti lang po ang kinain ko.
Btw, nagdeliver rin pala ako ng face mask. Business minded ang ferson, need kasi ng extra income para may panggastos sa school saka ipon ren kase balak kong bumili ng cellphone. Minsan dahil sa sobrang lag ng cellphone ko ay nakikigamit ako kay Mama HAHAHAHAHA.
Ang sarap nga pala ng foods sa birthday dahil ang handa ay lumpiang sariwa, menudo, kaldereta saka pansit. Pero konti lang kinain ko kasi need ng discipline sa pagkain.
Ngayon....
Good Evening dahil gabi na now eh, it's already 6:57pm. Nakakain na kami sa Birthday kaya nakatipid at busog pa. Ang gagawin ko lang today ay magrerest dahil medyo di okay tapos magbabasa at magcecellphone lang. Ikaw ba anong madalas mong gawin tuwing gabi?
Wala pa kaming school works kaya marami pang time pero malapit na rin ako mastress HAHAHAHAHA. Pero yakang-yaka naman dahil si Lord ang tutulong sa akin.
I will end this part here, but I want to leave a message for you.
Everyday, always put God first. Unahin mo lagi si Lord dahil mahal mo sya?.
Enjoy life, hindi tayo sure kung mabubuhay pa tayo tomorrow, kaya enjoy mo lang ang life mo na kasama si Lord.
Maging masipag ka sa pag-aaral mo kahit nakakastress ang pag-aaral. Why? Dahil alam kong may plano ka o dream sa life. Magpakasipag tayo dahil gusto natin magkaroon ng magandang buhay at tulungan ang pamilya natin, right? Tapos magandang buhay para sa future family.
Last, thank God through prayer bago ka matulog for keeping you safe.
Goodbye and God bless you!?❤