"RAFFY, are you alright? May problem ba sa trabaho niyo? Hindi ka ata mapakali." puna ni Cesca sa nobyo. Napansin niya kasing kanina pa ito hindi mapakali. Panay din ang tingin nito sa cellphone nito. Pataob nitong binitawan ang cellphone sa mesa at nagsimulang kumain. Day off kasi nito samantalang bakasyon na nila sa school kaya nagyaya itong lumabas sila. "Ahm, wala naman love. Nag text lang yung isa sa mga co-engineers ko. Nanghihingi lang ng consultation about work." "Ganun ba? Saan pala tayo pupunta mamaya after nating kumain?" Bigla namang tumunog ang cellphone nito na agad naman nitong kinuha. "Ah, love. Sorry ha? pwede bang next time na lang tayo mamasyal? Nag request kasi yung co-engineer ko na magkita kami ngayon. Babawi na lang ako sayo next time." Walang nagawa si C

