SHOOT ME NOW!
"Kumusta na po ang kalagayan ng anak ko..."rinig kong pakikipagusap ni mama sa doctor.Bumuntong-hininga muna ito 'saka ay bumaling sa'kin,nakapikit ako at nagpapanggap na natutulog para marinig ko narin ang paguusap nilang dalawa.
"She can't make it."tahimik lamang akong nakikinig sa kanila.Narinig kong piping tumangis si mama.Pinakalma naman siya ng doctor at sinabing baka magising ako.
"may taning na ang buhay niya.Hindi ako mangangako pero sisiguraduhin kong gagawin namin ang lahat para sa kaniya."narinig ko ang yabag ng doctor palabas ng aking silid.Lumapit sa'kin si mama at hinaplos ang aking mukha.
Sorry,ma.
Breaking news:
Mahigit isang daang tao na ang may kaso ng CWD o Chronic Wasting Disease sa bansang China.Patuloy pang inoobserbahan ng mga eksperto ang dahilan ng pagkalat ng sakit na ito.Kung ikaw ay nakakaramdam ng pagsakit ng ulo,malubhang sipon at pagubo agad na kumonsulta sa eksperto para sa agarang lunas.Hanggang sa muli,kabayan!
Nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap kaya pinatay ko muna ang
telebisyon.Umuwi muna si mama para kumuha ng damit ko sa bahay dahil sabi ng doctor magtatagal pa ako dito ng mga dalawang linggo para matutukan ang kalagayan ko.
Napabuntong-hininga ako.
"Ugh!"
"Masarap ba?"
"f**k you!"
"Happy birthday b***h!"humagalpak ito ng tawa bago ay ipinutok ang baril.
"Miss,gising!"dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko.
Isang lalaking madaming bahid na dugo.
Napaatras ako at natabig ang kamay niya.
"Sino ka?"nagtatanong akong tumingin sa kaniya.Umiling siya at sinabing kumalma ako.Tumingin ako sa paligid at mas lalo akong kinabahan.
Nasa kalsada kami,madaming sasakyan ang nagbanggaan na nakakalat sa daan,may mga patuloy na bumubusina pa dito.Mga usok at nagkalat na apoy sa paligid.
"Nas-san t-tayo?.."nanginginig na tanong ko sa kaniya.Hinawakan niya ang kamay ko pero pilit akong lumalayo.
"Miss,kumalma ka.Tara na!"umiling ako at gusto ng mapaiyak.
"Si mama,si mama..Na'san siya?"hindi niya ako sinagot marahas niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako pero bigla akong sumigaw.
"DAMN IT,WHERE ARE WE!"sigaw ko dito bagay na mas nagpatigil sa kaniya sa pagtakbo.
Humarap ito sa'kin at may pagdisgutong tumingin sa mukha ko.
"I told you to calm down..."mahina pero may awtoridad sa mga sinasabi niya.Nakita ko ang panginginig ng mga labi niya."NOW RUN!"
Ang kaninang tahimik na paligid na tanging ang pagbusina ng mga nagbanggang sasakyan lang ang maririnig,ngayo'y biglang nagiba.Mga tumatakbong tao at papalapit lahat sa'min.
"RUN!"
'Di ko alam kong saan ako pupunta,gusto kong lumingon pero 'di ko magalaw ang ulo ko.Diretso lamang ako sa pagtakbo at mabilis na tinatahak ang daan.May mga nakakasulubong akong kakaibang tao pero 'di ko alam kung ba't iniiwasan ko sila.'Di ko na alam ang nangyayari basta umaayon ang katawan ko sa mga nangyayari sa paligid.
Sa kagsagan ng pagtakbo ko madami akong nakikitang nagkalat na tao.
Mga patay.
Agad naman nahagip ng mga mata ko ang isang batang hirap na hirap makaalis sa loob ng sasakyan.Mugto ang mga mata.Agad akong lumapit dito pero nagulat ako sa namataan ko.
Isang babae,kulay itim na ang ugat sa leeg nito at duguan ang mga mata.May hawak itong baril na pilit pinapahawak sa anak.
"Tulong!"
"Mommy!"
"Shoot me,baby!"
"No,tulong!"
Ewan ko kung bakit nakatayo lang ako ngayon at nanginginig na nakatingin sa kanilang mag-ina.
'Di ko magalaw ang mga paa ko,gusto kong humakbang at lumapit sa gawi nila pero ambigat.Sobra.
"Ate,help!"nakita ko ang batang nakatingin sa'kin at may pagsusumamo sa mga mata nito.
"Pleasee!"
Napaiyak ako.Tumango ako at kahit hirap lumapit ako sa gawi nila.
Ngumiti ang batang babae sa'kin.
"SHOOT ME NOW!"humarap ang batang babae sa kaniyang ina at umiling."Were now sa-"
Huli na ang lahat.
Naramdaman kong may humarang na kamay sa mga mata ko.
"I told you to run,don't you!"bulong niya."Close your eyes,miss."pumikit ako 'di ko na alam ang nangyayari basta nagpausad nalang ako kung saan niya ako hinihila.
"This will be long."narinig kong sabi niya habang patuloy kaming natakbo.Pero iba ang iniisip ko,para akong babangungutin sa mga nakita ko kanina.Hindi ko talaga alam kong anong nangyayari,mababaliw na ako kakaisip.
Nasa ospital ako kanina diba?
Natulog lang ako pero ba't paggising ko ganito na?
Anong nangyari?
Isang daang taon ba ako nakatulog at ngayon lang ako nagising kaya 'di ako masyado updated.
Hindi ko talaga alam.Ewan ko!
Yung bata,yung mama niya.Parang naging halimaw at basta-basta nalang kinagat sa leeg yung batang babae.
"Ate,help!"
'Di ko alam na kanina pa pala ako naiyak sa kakaisip kong anong nangyayari sa paligid ngayon.Naramdaman kong humigpit ang hawak sa kamay ko ng lalaki.
"It's not your fault."kalmado nitong sabi.
"But she asked for my help,i'm just there but i just watched her got be bitten by her mom!"kahit nakapikit ako patuloy parin lumalabas ang emosyon sa mga binibitawan kong salita.
"Your just shocked..."kalmado parin nitong tugon
"I am?I really don't know?Tell me what's happening?"dumilat ako at hinarap siya.
Tumigil siya sa pagtakbo at hinarap ako"They're infected."
Napansin ko ang mga taong nagkukumahog sa pagtakbo,mga taong humihingi ng tulong,mga taong nagiging makasarili at hangad lamang makaligtas,mga taong naiipit at pinipilit makaligtas,at mga taong naging isa narin sa kanila.
"Mama.."
"Wag kang mamamatay..."doon tumulo ang luha ko matapos niyang sabihin yun 'saka siya pinagpiyestahan ng mga halimaw na sabik sa kaniyang katawan.