EPILOGUE TATLONG BUWAN ang mabilis na lumipas, naging maayos naman ang pagsasama nina Zyra at Casey. Naging abala rin sila sa kompanya nilang tuluyan nag-merge at sa tulong ng daddy ay hindi sila nahirapan na dalawa. Ngayon, ang tanging problema lang ni Casey ay kung ano ang maibibigay na regalo para kay Zyra para sa darating nitong birthday. Kanina pa siya nag-sesearch sa harapan ng laptop niya ngunit wala siyang makita na pwedeng ibigay dito. Halos lahat ay nandito na. Wala na siyang naisulat sa maghapon dahil panay lang siya search. Birthday na ni Zyra sa susunod na araw at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagagayak na regalo. Napanguso siya. Gusto niya kasing surpresahin ito ngunit hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Dinampot niya ang cellphone sa tabi ng computer
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


