Chapter 7 | Passenger Princess

1083 Words
Gabby's POV “Sumakay ka na,” alok n’ya habang nakasakay sa kulay itim n’yang motorsiklo. Napalunok ako nang makita ang payat na itsura nito. Mukhang luma pa naman at umuubo na lang ng usok. Kaya ba ako n’yan? “Hu… Huwag na lang siguro, Sergio. Maglalakad na lang siguro ako,” nagkakamot ng ulong tanggi ko. Kumunot ang noo n’ya sa sinabi ko. Agad namang nabura ang ngiti sa mga labi ko. Paano ba naman kasi ako sasakay sa gan’yang klase ng sasakyan? Last time na sumakay ako ng motorsiklo ay sumabog iyong gulong. Hindi ako nagbibiro. Literal na pumutok talaga na parang lobo. Galit na galit pa nga sa’kin ang Tito ko eh. Pupunta kasi sana kami sa dagat noon. Iyong mga pinsan ko ay sakay na ng kotse. Ayaw ko namang maiwan kaya tinanong ko si Tito kung ayos lang sumabay sa kanya. Halata naman na sa mukha n’ya na ayaw n’ya akong isabay una pa lang pero napahiya siguro kay Mama kaya inangkas na rin ako. Malay ko bang hindi pala kaya ng motorsiklo n’ya ang bigat ko. Ayun… sumabog iyong gulong. Bagong ayos pa naman daw. Sobrang pinag-usapan iyon ng mga relatives ko. Hanggang ngayon nga ay topic pa rin iyon every time na may gathering kami. Every time na may makikita silang motorsiklo ay hindi p’wedeng hindi nila ko aasarin. Bigla ko tuloy naalala na may gathering nga pala kami ulit next week. Kamatayan kasi ng great great grandmother ko. Lahat talaga kami ay required pumunta. Iyon kasi ang last dying wish ni Lola kaya naman wala akong choice kundi harapin na naman ang mga bully kong relatives. “Napapangitan ka ba sa motor ko?” nakabusangot na tanong n’ya. Mabilis na nanlaki ang mata. “Huh?! Hindi, ah! Ano ka ba. Hindi sa gano’n. Ano kasi…” Nahihiya kong tinuro ang gulong ng motor n’ya. “Ayaw ko lang maflat iyong gulong mo. Isa pa ay malapit na lang din naman ako sa subdivision namin.” Hindi s’ya sumagot. Mukhang iniisip pa rin n’ya na dahil sa estado ng motor n’ya kaya ayaw kong sumakay. S'yempre naman at ayaw kong sumama ang loob ng taong nagligtas sa’kin kaya wala akong ibang nagawa kundi umangkas sa likuran n’ya para matapos na lang. “Wait…” aniya. Nagtaka ako nang bumaba s’ya ng motorsiklo. Kinuha n’ya ang isang itim na helmet sa top box at isinuot sa ulo ko. Uminit ang magkabilang pisngi ko habang maingat n’yang inaayos ang helmet. Pagkatapos n’on ay parang wala lang s’yang sumakay pabalik sa harapan. “Kumapit ka.” Namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi n’ya. “Di… Dito ba?” nahihiyang tanong ko habang unti-unting niyayakap ang baywang n’ya. Gusto kong itago ang kilig ko pero hindi ko magawa. Mabuti na lang at hindi n’ya ako kita dahil nakatalikod s’ya sa’kin. Kahit nakakaintimidate ang kapal ng salamin ng SSC President namin ay hindi mo pa rin maade-deny na cute s’ya. Ang alam ko nga ay palaging may love letter sa loob ng locker n’ya. Hindi n’ya lang pinapansin kasi focus s’ya sa pag-aaral. Bilang Presidente kasi ng Student Council ay para na rin s’yang Principal sa sobrang busy n’ya. Palagi s’yang may ganap. Katuwang ng mga teachers sa lahat ng bagay. Isa na rin s’ya sa mga inaasahan ng guidance sa pagpapanatili ng peace and order sa eskwelahan. Kaya gano’n na lang siguro ang concern n’ya sa akin every time na napagdidiskitahan ako nina Czarina. Pero kasali pa ba sa obligasyon n’ya bilang SSC President ang ihatid ako pauwi? Hehehe. Napakislot naman s’ya nang dumampi ang mga kamay ko sa may bandang tiyan n’ya. “Ahmm…” Tumikhim s’ya. “May grab bars sa gilid pero sige okay lang. Kumapit ka na lang nang mahigpit.” Agad namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Doon ko lang napansin ang mga nakausling metal handles sa magkabilang gilid ng motorsiklo n’ya. Nahihiya kong inalis ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Jusko! Ano ba’ng iniisip mo, Gabby?! “Ah… Hahaha. Oo nga. Hindi ko napansin. Sorry.” Bahagya kong nilayo ang sarili sa pagkakadikit sa katawan n’ya pero kahit ano’ng gawin ko ay talagang sumasayad ang bilbil ko sa likuran n’ya. Hindi naman n’ya siguro iisipin na dibdib ko iyon, ‘no? ‘Di nagtagal ay pinaandar na rin naman n’ya ang motor. Mahigpit akong napakapit sa grab bars dahil sa tulin ng takbo n’ya. Dinaig pa n’ya iyong mga racer sa pagtulin n’ya sa tahimik na kalsada. Hindi ko alam kung dahil ba iyon wala mas’yadong sasakyan sa daan pero isa lang ang sigurado ako—gusto kong umuwi ng buhay! “Sergio!” birit ko nang bigla s’yang lumiko, dahilan para gumewang iyong motorsiklo n’ya. Literal na bumaba kami sa kalsada. Akala ko nga ay sasayad na kami sa lupa pero agad din naman n’yang nabangon kaagad. Halos maduling ang mga mata ko nang makarating na kami finally sa subdivision. Gusto pa nga n’ya sana ako ideretso sa bahay pero nahihiya na ako kaya bumaba na lang ako sa may main gate. “Are you sure na dito ka na lang?” tanong n’ya. Nakangiti akong tumango habang inaayos ang buhok kong lumipad kung saan-saan dahil sa tulin nang pagpapatakbo n’ya. Jusme! Wala talaga sa itsura n’ya na gano’n s’ya magmaneho. “Oo, Pres,” sagot ko habang kinukuway ang kamay ko. “D’yan lang naman ako sa may kanto. Salamat, ah?” Tumuro pa ako kahit na hindi naman talaga iyon ang daan papunta sa bahay namin. Ang totoo kasi n’yan ay sa may bandang dulo pa kami. Ewan ko nga kung ano’ng lugar ba iyong tinuturo ko eh. Mukhang naniwala naman s’ya kaya napalagay na ako. Aalis na sana ako nang tawagin n’ya ako ulit. “Gabby?” Nagtataka akong lumingon. He was just staring at me kaya medyo namula na naman ako. There’s something about the way he stares na talagang magpapapula sa iyo. Ang pungay kasi ng mga mata ng isang Sergio Martinez. Siguro dahil sa Mexican roots n’ya? “Iyong helmet ko.” Napaawang ang bibig ko. Shit. Oo nga pala. Agad kong tinanggal ang helmet n’ya pero parang nastuck ‘ata sa ulo ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan n’ya bago lumapit para tulungan akong hubarin iyon. “Thank you,” bulong ko. He nodded. “Sige. Babye na ulit.” Aalis na sana ako ulit nang sunod n’yang hawakan ang kamay ko. “I’ll see you next semester.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD