Chapter 3 | The Cruel Dare

1069 Words
Gabby's POV Tumaas ang magkabilang kilay ko sa nasaksihang another katangahan na naman ni Balyena Girl. Tulala pa rin s'yang nakatitig kay PJ na para bang bida s'ya sa isang romance movie. Ang feelingera talaga. Huwag n'ya sabihing iniisip n'yang may gusto sa kanya si PJ dahil lang mas pinili nalang s'ya nitong saluhin kaysa madaganan ng isang kagaya n'ya? Sarkastiko akong napatawa. Thinking about it... first time ko yatang makitang ganito kawala sa sarili si Balyena Girl. Literal na torete lang talaga s'ya at parang nananaginip nang gising. Nakakatawang isipin na mukha s'yang tanga sa harap ng maraming tao at hindi n'ya alam iyon. "Hold my pom poms." Basta ko hinagis sa mukha ni Vanessa at Trixie ang hawak ko para rumampa palapit kay Balyena Girl at sirain ang moment n'ya. Suot ko pa ang hapit kong cheerleader uniform na talagang yumayakap sa kurba ng katawan ko nang maarte kong takpan ang bibig ko at umaktong concern na concern. "Oh my gosh!" tili ko. Agad kong nakuha ang atensyon ng lahat ng tao sa gymnasium maging ang tulalang si Balyena Girl. "Okay ka lang ba, PJ? Baka mabalian ka n'yan. Bakit naman kasi pati balyenang nagda-dive ay sinasalo mo?" nakangising saad ko na lalong mas nagpalakas ng tawanan sa loob ng gym. Lalong lumawak ang ngisi ko nang makita ang pagkahiya sa mukha ni Balyena Girl. Agad n'yang tinulungan ang sarili tumayo at lumayo sa pagkakadikit kay PJ. Mabilis ko namang inilingkis ang mga braso ko sa binata. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang nakitang selos sa mukha ni Balyena Girl habang nakatingin sa mga kamay kong nakalingkis sa braso ni PJ. Ahh… So may gusto s'ya kay PJ? "Pa... Pasensya na," nabubulol na sabi n'ya habang nakatitig sa sahig. Ni hindi n'ya magawang tingnan sa mata si PJ kagaya nang kanina. Bakit? Nahihiya na ba s'ya? Naalala n'ya na ba ulit na isang hamak na baboy lang s'ya? Well... huwag s'ya mag-alala dahil nandito ako para palaging ipaalala iyon sa kanya. "Gan'yan ka na ba kadesperada, Balyena Girl? Tinutulak mo na lang ang sarili mo kay PJ. At talagang may nakasalpak pa ring pagkain sa bibig mo, ha? 'Di bale sana kung magaan ka. Paano kung na-injure si PJ dahil sa kabigatan mo?" Muling nagtawanan ang mga tao sa gym. Pulang-pula na ang mukha n'ya sa kahihiyan. Isang tagumpay na ngisi ang kumawala sa bibig ko nang tuluyan nang tumakbo palabas ng gymnasium si Balyena Girl. Napuno ng sigawan ang gym. Agad ko namang hinarap ang lalaking tahimik na nakatayo sa tabi ko. Sinusundan pa n'ya ng tingin si Balyena Girl na kinakunot ng noo ko. "Don't tell me na type mo s'ya?" nandidiring tanong ko. Mabilis na umiling si PJ. "What? No way! Did you see the size of that thing?" I chuckled. Mapang-akit kong pinadaan ang malandi kong kamay sa dibdib n'ya. "Party tonight?" Ngumisi s'ya. "Of course." Pagkatapos ng game ay dumiretso ang lahat sa mamahalin at malawak na mansyon ni PJ. Bilang isang Jimenez ay hindi na nakagugulat ang marangyang pamumuhay na meron sila. Four story mansion with 25 bedrooms, home theater, entertainment rooms, infinity pool, ball room, personal spa, and 56 luxury cars. Crazy, right? Noong una akong pumunta rito, ayaw ko na talaga umuwi. Sino ba naman kasing gugustuhin pang umalis sa lugar na punong-puno ng karangyaan? Mayaman din naman kami. Mas mayaman nga lang talaga sila. Bukod sa pagiging Mayor ng Dad n'ya ay hindi ko na alam kung saan pa galing ang ibang yaman nila. And who cares? Ang gagawin ko lang naman ay akitin si PJ at magpakasasa sa pera nila. But not too fast. Ayaw ni PJ ng easy to get. Mas lalong ayaw n'ya ng kagaya ni Balyena Girl na pangit at mataba na nga, patay na patay pa sa kanya. Akala n'ya ba ay hindi ko napapansin ang malagkit n'yang tingin kay PJ? Halos lahat ng estudyante na nanood ng laro sa gym kanina ang nagkalat ng balita tungkol sa "Balyena Girl Dive of the Year." Trending pa nga sa group chat ng batch namin. Syempre, courtesy of yours truly. Sinend ko 'yung short clip ng pagbagsak n'ya—complete with slow-mo at dramatic background music. Classic. Nasa labas ako ng balcony ngayon kasama si Vanessa at Trixie. Smoke break muna. Kanina pa kasi kami nagpa-party sa loob. "Grabe, Queen C," sabi ni Vanessa habang iniinom 'yong margarita n'ya. "Iyong video ni Balyena Girl, umabot na ng 4k views!" Tumawa ako. "Serves her right. Akala mo kung sino, e halatang desperada lang." "Pero girl," sabat ni Trixie, "napansin mo si PJ kanina? Parang bad trip no'ng umalis si Balyena Girl." Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "Ano ka ba, concern lang 'yon. Gentleman si PJ. Alam mo naman 'yon." Ngumisi si Trixie. "O baka naman may soft spot?" Tinapunan ko s'ya ng tingin. "Imposible. Hindi n'ya type ang gano'n. Alam mo kung ano'ng gusto ni PJ—sexy, confident, at sosyal." Kinindatan ko sila. "Which is... me." Hindi na sila sumabat matapos kong sabihin iyon. Subukan lang nila at malalaman nila kung gaano kasakit mahulog mula sa 4th floor. Pagpasok namin ulit sa loob ay sinalubong kami ng sigawan at katiyawan. "SHOT! SHOT! SHOT!" sigaw nila habang nagpa-party game sa sala. S'yempre, ako ang host. Sino pa ba? “Okay!” sigaw ko sa mic. “Since panalo tayo sa game, may Truth or Dare tayo tonight! Pero bawal ang boring ha—no truth, just DARE!” Sumigaw ang lahat. Isa-isa silang naglaro. May nag-push up habang may seksing babae sa likod, may nag confess ng crush sa teacher, may uminom ng s**t Drink which is basically alak na hinaluan ng lahat nang nakakadiring p'wedeng ihalo kagaya ng medyas at pubic hair—lahat kami ay tawa nang tawa. Pero syempre, iba ang plano ko. Wala nang mas nakakadiri pa sa dare ko kay PJ oras na tumama sa kanya ang bote. Nang si PJ na ang sumalang, gumuhit ang malawak na ngisi sa bibig ko. “Alright, PJ Jimenez... Dare ka, s'yempre.” Ngumisi siya pabalik sa'kin. “Bring it on.” Excited na nilapit ko sa mic ang bibig ko. "Date Balyena Girl for a month!" Agad nabura ang ngisi sa mga labi ni PJ na agad namang sinundan nang malakas na kantiyawan ng mga kaklase namin. May soft spot pala para kay Balyena Girl, ha? Tingnan natin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD