5

3241 Words
Three years later SINIGURO ni Laureen na magiging napakaganda niya. Napapalatak pa siya nang mapansin niyang nanginginig ang kamay niya habang naglalagay siya ng eye makeup. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Maganda na siya. Her hair was up in a tight bun. Manipis lamang ang makeup niya. She wore a dark blue tailored dress. Pormal na pormal ang kanyang dating. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya maitago ang kaba at takot na nababanaag niya sa kanyang mga mata. Napabuga siya ng hangin. What is wrong with you, Laureen? Hindi ka naman dating ganito. You are a confident woman. Hindi na ikaw ang dating Laureen na kilala niya. Hindi ka pa man nakakaabot sa kinaroroonan niya ngayon, hindi ka na rin kasinghirap noon. Hindi na ikaw iyon. Matagal na ring nangyari ang bagay na iyon. Kalimutan mo na kasi. Move on completely! Umupo siya sa kama. Kahit ilang beses na niyang sinabi iyon sa kanyang sarili, hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa kanyang dibdib. Ang dahilan ng pagkabalisa niya ay walang iba kundi si Raphael Dunford. Makikita at makakaharap uli niya ang lalaking hindi niya makalimutan sa nakalipas na tatlong taon. Nang umalis ito ng unibersidad nila noon ay bumalik sa dati ang buhay niya. Kahit may mga pagkakataon na matindi ang pagnanais niyang makita ito, pilit na itinuon niya ang kanyang atensiyon sa pag-aaral. Puspusan siyang nag-aral hanggang sa matupad ang pangarap nilang mag-ina na makatapos siya. Naging mabuti naman ang kapalaran sa kanya. Natanggap siya sa isang malaking kompanya bilang sekretarya. Pinagbuti niya ang kanyang trabaho hanggang sa ma-promote siya na executive secretary ng bise-presidente. Naging maginhawa ang buhay nilang mag-ina. Umalis sila ng squatters’ area at lumipat sa mas magandang apartment. Naging malusog ang kanyang ina. Hindi na uli nanganib ang buhay nito. Mula nang magkatrabaho siya ay siniguro niyang regular ang checkup nito sa doktor. Hindi niya hinayaang bumalik ito sa paglalabada. Siya na ang nagtrabaho para sa kanilang dalawa. Dahil na rin marahil sa masaya na ito at walang alalahanin kaya patuloy ang paglusog ng puso nito. Nitong mga nakaraang buwan ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kompanyang pinapasukan niya. Nagkaroon ng merger sa pagitan ng kompanya nila at ng isa pang malaking kompanya. Mula sa araw na iyon ay iba na ang kanilang presidente. Marami ang natuwa dahil mas lalago ang kanilang kompanya. Noong una ay natuwa siya hanggang sa malaman niya kung sino ang kanilang bagong presidente. It was none other than Raphael Dunford. Hindi doon natapos ang pagkagulat niya. Nag-resign na ang dating executive secretary ng presidente, at dahil maganda ang record niya, siya ang napili bilang kapalit. Ayaw sana niya noong una. Hindi niya alam kung natatakot siya na hindi niya magagawa nang maayos ang trabaho niya kung si Raphael Dunford ang kanyang magiging boss, o sadyang natatakot siyang makita uli ito. Hindi lamang niya ito basta makikita at makakasalamuha nang madalas, magiging amo niya ito. Ngunit bakit siya matatakot? Bakit niya pala-lampasin ang pagkakataon na umangat? She had worked so hard for the past few years, at ayaw niyang maging hadlang ang nakaraan nila ni Raphael sa pag-unlad niya. Baka siya lamang ang apektado at hindi pa nakakalimot. Huminga siya nang malalim at tumayo. Ipinag-patuloy niya ang pag-aayos sa kanyang sarili. Hindi na dapat siya masyadong maapektuhan. Baka nga walang saysay ang pag-iinarte niya. Baka hindi na siya nito naaalala. Sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay nito, ano lang ba siya? Isang gabi lamang ang namagitan sa kanila. Hindi iyon big deal dito. It was not as if he too, was a virgin that night. Kailangan niyang umakto at ipakita rito na nakalimutan na niya ang kabanatang iyon sa buhay niya. Magiging katawa-tawa siya kapag nalaman nitong hindi pa siya nakaka-move on. Lumabas na siya ng kanyang silid. Nadatnan niya ang kanyang ina na naghahanda ng kanilang agahan sa kusina. Binati niya ito bago siya dumulog sa mesa. Sabay na silang nag-almusal. “Galingan mo, anak, ha,” bilin nito nang magpa-alam na siya rito para pumasok. Ngiti lamang ang itinugon niya rito. Hindi talaga mawala ang kaba sa dibdib niya. Hindi rin niya maamin sa kanyang sarili na nakadarama siya ng excitement sa napipintong pagkikita nila ni Raphael. Habang sakay ng taxi ay iniisip niya kung ano ang hitsura nito ngayon. Ano-ano kaya ang mga pagbabago rito? Taglay pa rin kaya nito ang boyish charm nito? How was he as a boss? Marunong na ba itong magseryoso sa isang relasyon, o playboy pa rin ito kagaya ng dati? Pagdating niya sa opisina ay wala pa ito. Hindi na siya nagtaka dahil sinadya naman talaga niyang pumasok nang maaga. Inayos niya ang mga bagay na dapat na ayusin sa opisina nito, sinigurong nasa maayos ang lahat. Eksaktong alas-nuwebe ay dumating ito. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya maialis ang kanyang mga mata sa mukha nito. Lalong gumuwapo ito kaysa noong mga estudyante pa lamang sila. Mas naging makisig ito. Napakaganda ng pagkakalapat ng suit sa katawan nito. Tila ito modelo na pinilas mula sa pahina ng isang men’s magazine. Nahigit niya ang kanyang hininga nang ngumiti ito sa kanya. Hindi pala tuluyang nawala ang boyish charm nito. “It’s nice to see you again, Laureen,” anito. “G-good morning, S-Sir,” ang tanging nasabi niya. Naaalala pa nito ang pangalan niya! Kahit paano ay nakadama siya ng satisfaction doon. “How have you been?” masuyong tanong nito. Kahit ang mga mata nito ay puno rin ng pagsuyo. Hindi niya makuhang sumagot. Nakatulala lamang siya sa guwapong mukha nito. Hindi ganoon ang inasahan niyang scenario sa muli nilang pagkikita. She hadn’t expected him to be that nice and friendly. Ang inaasahan niya ay magiging pormal at malamig ang pagtanggap nito sa kanya. Tila hindi na rin ito nagulat na makita siya. Ibig sabihin, alam na nitong siya ang magiging executive secretary nito. Tumikhim ito nang hindi siya sumagot sa pangungumusta nito. Bigla siyang natauhan. She cleared her throat and composed herself. Bakit ba para siyang tangang nakatulala rito? Umaakto siya na tila hindi professional. Hindi iyon ang nais niyang maging impresyon sa kanya ni Raphael. “Maayos naman, Sir Raphael. Kayo? Kumusta po kayo? It’s been a long time since I last saw you,” aniya sa pormal na tinig. Nais sana niyang mas maging friendly ang boses niya ngunit sa sobrang kaba ay lumabas na stiff at pormal iyon. “Yes, matagal din tayong hindi nagkita. I’ve been in the States. Nang sabihin sa akin na ikaw ang magiging sekretarya ko, I was glad. Sana ay maging maayos ang working relationship natin.” Ngumiti siya nang matipid. Nagpapasalamat siya dahil hindi na nito inungkat ang nakaraan nila. Sana ay hindi na nila pag-usapan iyon kahit kailan. Pag-iigihan na lang niya ang trabaho at hindi na iisipin ang ibang mga bagay. Hindi na niya hahayaan na maapektuhan siya ng nakaraan. Magiging mabuting sekretarya siya rito. Magiging maayos ang pagsasama nila bilang boss at empleyado. UNTI-UNTING nawala nang mga sumunod na araw ay ang kaba at pagkailang na nararamdaman ni Laureen. Naging matiwasay ang pagtatrabaho niya kay Raphael. Hindi ito mahirap pakisamahan. Madali rin niyang nakabisa ang mga ayaw at gusto nito. Maayos ang relasyon nila. Madalas ay tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Sinisikap niyang maging mahusay sa trabaho niya upang wala itong maireklamo sa kanya. Minsan ay napakahirap mag-concentrate sa trabaho dahil madalas na natatagpuan niya ang kanyang sariling hinahangaan ito. Hindi lamang dahil mas makisig ito sa paningin niya ngayon, he was also a brilliant businessman. Hindi niya akalaing ang dating happy-go-lucky guy na nakilala niya noon ay isang napakahusay na negosyante na ngayon. May impresyon kasi siya noon na pulos lang ito good time at babae. She was seeing him differently now. Habang lumilipas ang mga araw na nakakasama niya ito ay lalo siyang humahanga rito. Lalong tumataas ang respeto niya rito. Minsan ay iniisip niya kung sumasagi man lang ba sa isip nito ang gabing pinagsaluhan nila noon. Ano kaya ang tingin nito sa kanya ngayon? Nagpapasalamat siya dahil hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap tungkol sa mga personal na buhay nila. Masyadong abala ito sa pagsasaayos ng kompanya kaya palaging tambak ang mga gawain nito. “What would you like for lunch, Sir?” magalang na tanong niya kay Raphael pagkatapos niyang mapa-pirmahan dito ang ilang mahahalagang dokumento. Sa dami ng trabaho nito, madalas ay sa opisina na lamang ito kumakain. Siya ang umo-order ng mga pagkain nito mula sa paborito nitong restaurant. Siya rin ang nag-aayos niyon bago siya bumaba sa cafeteria upang kumain. Madalas siyang yayain nito na sabayan ito sa pananghalian ngunit palagi siyang tumatanggi. Babalik lang kasi ang pagkailang niya rito. Nahihirapan siyang tumingin nang deretso sa mga mata nito kahit ilang linggo na siyang nagtatrabaho rito. “We’re going out for lunch. Be ready,” kaswal na sabi nito. Nakaharap na uli ito sa laptop nito. “We?” nagtatakang tanong niya. Siya ba ang isasama nito sa pagkain ng tanghalian sa labas, o ibang tao at nais lamang nitong magpa-reserve siya sa isang restaurant? “Us,” tugon nito, hindi pa rin tumitingin sa kanya. “Lalabas tayo ngayong tanghalian.” Nagsalubong ang mga kilay niya. Wala siyang alam na ka-meeting nito sa tanghaliang iyon. Hindi rin siya nito madalas isama tuwing may meeting ito sa labas. Magtatanong sana uli siya ngunit naunahan siya nito. “Just be ready before lunch break, okay?” anito sa tinig na tila malapit nang mawalan ng pasensiya. “Yes, Sir,” sabi na lamang niya. Inisip na lang niyang may katatagpuin itong mahalagang tao at kailangan siya nito bilang sekretarya. Bakit? May ibang dahilan pa ba upang isama siya nito sa tanghalian? Ang yabang naman niya kung mag-iisip pa siya ng iba. “AHM, SIR, may makakasama pa ba tayong iba?” Mula sa tinitingnang menu ay nag-angat ng tingin si Raphael dito. Hindi niya alam kung maa-amuse o maiinis siya kay Laureen. Nais din niyang mapailing sa nakikita niyang hitsura nito. She was too stiff and too formal. Noon pa man ay ganoon na ito ngunit lumala yata iyon sa paglipas ng mga taon. “What do you wanna eat?” kaswal na tanong niya rito at ibinalik ang kanyang tingin sa menu. “May ka-meeting po ba kayo?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Bumuntong-hininga siya. “You’re my secretary, you should know my schedule. May ka-meeting ba ako?” Lalong naging malamig ang ekspresyon ng mukha nito. “You are free this whole afternoon.” “Iyon naman pala, eh,” aniya habang hindi pa rin tumitingin dito. “Bakit po ako narito kung gayon?” Nagkibit-balikat siya. “I wanna have lunch with you. Ilang linggo na tayong magkasama sa trabaho pero ngayon lang tayo magsasalo sa tanghalian.” “Bakit?” Ibinaba niya ang menu. “‘Bakit’? Laureen, we used to be friends.” “We were never friends.” Natatawang-napailing siya. Tama ito. They were never friends. Pakiramdam lamang niya ay may koneksiyon silang dalawa pagkatapos ng nangyari sa kanila noon. “All right, we used to know each other way back in college. Ang gusto ko lang naman ay makumusta ka, Laureen. Wala akong balak gawing hindi komportable ang working relationship natin. We are okay as it is, pero masyado tayong pormal sa isa’t isa. Parang hindi tayo naging magkakilala noon. Gusto lang kitang makasama sa tanghalian. I want to get to know my secretary more. Masama ba `yon?” Hindi ito tumugon. Dinampot na lamang nito ang menu at binasa iyon. Tinawag niya ang waiter upang um-order. Hindi pa rin pala ito gaanong nagbabago. Ang totoo, hindi niya alam kung bakit ginagawa pa niya iyon. Maayos naman ang relasyon nila bilang mag-boss. She was a very efficient secretary. Hindi pa man niya naiuutos, nagawa na nito ang dapat gawin. Organisado ang lahat ng bagay sa opisina niya. Kahit kaliit-liitang paper clip ay nasa tamang lugar. Ang totoo, siya mismo ang pumili rito bilang sekretarya niya. Nang makita niya ang listahan ng pinagpipilian para maging sekretarya niya ay kaagad na pinili niya ito. Maganda ang record nito sa kompanya. Ayon sa dating boss nito ay maaasahan, masipag, at efficient daw ito. Ngayon niya aaminin sa sarili na pinili niya ito hindi base sa magandang record nito kundi dahil ito si Laureen, ang babaeng bumagabag sa kanya sa matagal na panahon. Sinikap niyang kalimutan ito. Nang magtapos siya ng kolehiyo ay nagtungo siya sa Amerika para sa kanyang training at para sa kanyang MBA. Ang akala niya noong una ay napakadali lamang gawing kalimutan ito. Sino ba ito sa buhay niya? Isang gabi lang sila nagsama. He didn’t want to pursue her. She had always been out of reach and nothing really happened between them except one night of passion. Gagawin ba niyang big deal ang nangyari sa isang gabi? Paulit-ulit na sinasabi niya sa kanyang sarili na makakalimot kaagad siya, lalo na kung may bagong babae na pupukaw ng atensiyon at damdamin niya. Ngunit naging napakahirap ng paglimot. Being away from her and not seeing her almost drove him insane. He missed her terribly. Madalas niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil dati naman ay kinaya niya. Nang mawala si Laureen sa unibersidad ay pinigil niya ang kanyang sarili na puntahan ito. Mahirap ngunit kinaya niya. Maybe it was just a matter of getting used to the situation. Nang lumaon ay naging abala na rin siya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa malaking kompanya ng lolo niya sa Amerika. Naiisip pa rin niya ito tuwing wala siyang ginagawa, ngunit hindi na katulad ng dati na halos mabaliw siya. Then he met someone special: Melisa. Mula nang dumating ito sa buhay niya ay binura na nitong lahat ang anumang kakaibang damdamin na mayroon siya para sa babaeng nakasama niya sa isang gabi. Nang magbalik siya sa Pilipinas, naisip niyang hanapin si Laureen upang kumustahin ito. Nais niyang malaman kung napabuti ba ang buhay nito. Nag-alala rin siya na baka ipinagpatuloy nito ang pagbebenta ng sarili dahil sa kahirapan. Kahit alam niyang kaya nitong magtagumpay, hindi niya maiwasang isipin paminsan-minsan na baka muling magkasakit ang ina nito at wala itong ibang mapagkuhanan ng pampagamot. Hindi niya kayang isipin na may ibang lalaki na hahalik at yayakap dito. He knew he was being silly for having those kinds of thoughts, but he couldn’t help it. Nang malaman niyang nakatapos ito ng kolehiyo at may magandang trabaho ay natuwa siya. He was proud of her. Alam niyang malayo pa ang mararating nito. He was so glad to be working with her now. Kahit hindi ito madalas kumikibo ay natutuwa pa rin siyang makita ito araw-araw. Minsan ay tinatanong niya ang sarili kung bakit ganoon siya. He was not the same man he used to be. Hindi na siya mapaglaro. Maraming mga kaibigan niya ang nagsabing nahanap na niya ang katapat niya sa katauhan ni Melisa. He loved her. Madali niyang nakita ang kanyang sarili na kasama ito hanggang sa pagtanda niya. Siguro dahil naging espesyal si Laureen sa kanya. Hindi ito kasing-espesyal ni Melisa sa puso niya, ngunit espesyal pa rin ito. Mali ito nang sabihin nito noon na mababa ang tingin niya rito. Hindi bumaba ang tingin niya rito dahil lamang ibinenta nito ang sarili nito. May matibay na dahilan ito kung bakit nito ginawa iyon. Kailangan nito ng pera para sa ina nitong nasa ospital. Kahit hindi niya inalam ang buong katotohanan noon, alam niyang hindi ito nagsisinungaling sa kanya. Hindi lamang ito umaarte o gumagawa ng kuwento. Wala iyon sa karakter nito. Hindi niya makakalimutan ang naramdaman niya noong huli silang magkausap sa library. Nanliliit siya habang nakatingin sa nagmamakaawang mga mata nito. Hindi niya alam kung paano niya ipaliliwanag dito na hindi mababa ang tingin niya rito. Nais niyang humingi ng paumanhin kung pakiramdam nito ay nabastos niya ito, ngunit hindi niya magawang magsalita. Hindi naman ito katulad ng mga babaeng nakakahalikan niya sa library. Hindi niya ito masisisi kung na-offend man ito. Hindi niya masabi rito na masyado lamang siyang nangulila rito kaya bigla niya itong hinagkan. Hindi siya aware na nasa library sila. All he wanted to do at that time was to take her in his arms and kiss her until they both ran out of breath. “How have you been?” tanong niya rito nang kumakain na sila. Hindi na niya matagalan ang pananahimik nito. Hindi niya alam kung naiilang ito sa kanya o sadyang ganoon ito sa lahat ng nakakasalamuha nito. “Okay,” tugon nito. “Life’s good.” “Can we be friends, Laureen?” tanong niya habang sinusubukang hulihin ang mga mata nito. “Hindi tayo naging magkaibigan noon para baka naman puwede na tayong maging magkaibigan ngayon?” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. “Why?” Natawa siya nang marahan. “Kailangan bang may dahilan upang maging magkaibigan ang dalawang tao?” Nais talaga niyang mapalapit dito. Hindi niya gaanong maipaliwanag kung bakit. He was just so tired of their cold and formal relationship as boss and secretary. “But you’re my boss.” “Exactly. Masyadong stiff ang working relationship natin. Mas magiging maganda ang trabaho kung hindi tayo masyadong pormal sa isa’t isa. We can be friends and stop being so formal with each other. May pinagsamahan naman tayo kahit paano. Siguro nga ay medyo nakakailang dahil may nangyari sa atin noon, pero hindi pa siguro huli ang lahat para maging magkaibigan tayo. Wala akong masamang intensiyon. Kung iniisip mong interesado pa rin ako sa `yo, I’m sorry to disappoint you, but I got over the attraction a long time ago.” Namilog ang mga mata nito. “Wala naman akong sinasabi tungkol sa nakaraan. Why bring it up all of a sudden? And for the record, I was never attracted to you.” Muntik na siyang matawa nang malakas. “Wala akong ibang ibig sabihin, Laureen. I just wanna be friends with you. Hindi ba at nagkasundo tayo noon na huwag nang magpaapekto sa nakaraan?” “Sir Raphael, maayos naman po tayo sa loob ng opisina. Ayoko po ng masyadong friendly ako sa boss ko at baka kung ano ang isipin ng ibang kasamahan ko sa trabaho. Baka sa sobrang komportable ko sa inyo ay hindi ko na malaman kung saan ako lulugar bilang sekretarya. Pero kung ang gusto mo ay magturingan tayong magkaibigan paglabas ng building ng kompanya at pagkatapos ng office hours, hindi ganoon kadali iyon. Hindi na tayo mga kindergarten na sa unang segundo ng pagkakakilala ay mag-best friends na kaagad. Kahit pa kilala na natin ang isa’t isa noong college days natin, estranghero pa rin tayo sa isa’t isa.” “Then let’s try to develop a beautiful friendship,” alok pa rin niya. Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin siya sumusuko. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nangungulit pa rin siya. Gusto talaga niyang mas mapalapit dito. Sumilay ang isang munting ngiti sa mga labi nito. Hindi niya iyon inasahan kaya napatulala siya rito. Napakaganda nito. Hindi ito nagsalita ngunit sapat na ang ngiting ibinigay nito sa kanya. May isang bahagi ng isip niya ang tila nagsasabing magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD