NAGPAPAHINGA si Laureen sa kanilang bahay isang hapon. Wala roon ang kanyang ina dahil niyaya ito ng isang kaibigan na dumalo sa isang salusalo. Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Nagtaka siya dahil wala siyang inaasahang bisita. Nagulat siya nang mapagbuksan niya si Raphael. Napalunok siya nang mapansin ang mga mata nito. Galit at nanlilisik ang mga iyon. Pumasok ito sa loob ng bahay. Napaatras siya dahil sa takot. “A-ano ang g-ginagawa m-mo rito?” tanong niya rito. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa pagitan nila. She could feel so much anger from him. Dapat ay bukas pa sila mag-uusap tungkol sa magiging sitwasyon nila. Marahas na hinawakan siya nito sa braso. “How dare you talk to Melisa!” he thundered. Natatakot na talaga siya rito. Noon lamang niya ito na

