"Malapit ka nang mag-college, anong kurso ang kukunin mo?" tanong ni Lola sa akin. Nag-a-almusal kami sa dining room. Iyak ako nang iyak kagabi. Pero hindi naman nagtanong ang mga ito kung bakit mugtong-mugto ang mata ko. "Lola, gusto raw ni Kali magkaroon ng coffee shop, gusto rin n'yang maging baker." Atribidang ani ni Win sa Lola namin. Nagsalubong ang kilay ng matanda. "Inaasahan namin na gagamitin mo ang talino mo sa company, Kalila Farrah." Seryosong ani ni Lola. "Ayaw mo ba ng kursong konektado sa business?" worried na tanong ni Papa. "Well, pwede naman s'yang mag-aral ng business while pinu-pursue rin n'ya ang dream n'yang maging baker and coffeeshop owner." Singit ni Uncle. "That's right!" iyon ang gusto nila. Ang makatulong ako sa business ng mga San Sebastian. Siguro i

