Dana Pinasadahan ko ang itsura ko sa vanity mirror. I really love this white dress, simple yet elegant. Pinaresan ko ng white din na gladiator. Kinulot ko nang bahagya ang buhok ko. At tulad ng nakasanayan I always wear light makeup. Pagkababa ko, nandoon na sina Greg at Kuya Dexter. "Mukhang mayroon na naman hindi makapag concentrate sa trabaho mamaya." Pang aasar ni Kuya Dexter sa asawa ko. Kaya siniko siya nito. "I take that as a compliment, Kuya Pogi." Sabi ko. Saka nginitian ito. Lalo tuloy nalukot ang mukha ni Greg. "Tara na baka mamaya may himatayin dito dahil sa selos." Hahambalusin sana ni Greg ng dalang bag niya, mabilis lang nakatakbo yong isa. "Babe hindi kapa nasanay kay Kuya Dexter." Saway ko. Hinapit niya ako sa baywang habang papalabas ng bahay. "Sanay na

