"Alam mo ba besh maraming fafa ang dadalo ngayon from different business sector?" Inaayusan na ni Max ngayon si Dana sa loob ng dressing room na itinalaga para sa kanila.
"Ayyyyy!" Tili nito.
"Diyosa!" Dagdag pa niya.
"Dapat lang! What I'm wearing is a floral summer dress na ang makapangyarihang kamay ng matalik kong kaibigan ang may gawa kaya kailangang matalbugan ko sila!" Pagmamayabang niya.
"Galingan mo beshy ha? Magandang exposure ito sa career ko kapag nagkataon. At mabibigyan tayo ng chance makapili ng bibilhing pwesto ng shop saaaaa Hawaiii." Matinis na boses ang maririnig mula sa kaibigan. Sinagot naman niya ito ng thumbs up.
"Excuse me po, pinapatawag na po ang lahat ng models sa back stage." Anunsiyo ng isang usher, dumungaw ito sa pinto nila dahil sinadya nilang iniwang bukas.
"OMG! Ito na, siya na talaga ang future ko!" Iniwan na siya ng tuluyan ng kaibigan dahil nakahanap na ito ng prospect ngayong gabi. Malanding hinawakan sa braso ang usher.
Kahit angat sa lahat ang beauty ni Dana hindi pa rin maiwasan na matain siya ng mga kapwa representatives.
"Saang bundok ka ba galing bakit ka naka paa?" Tanong ng katabi na mukhang peke ang boobs dahil sobrang bilog nito.
"Tama ka girl! Baka may bakya ka diyan, pahiramin mo nga? Hahaha!" Dagdag din ng isa pang mukhang isdang mulagat.
Sa height niyang 5'6" nagmukha pa rin siyang pandak dahil naka 6 inches stilettos ang mga kasama samantalang siya ay nakapaa. Pakana kasi iyon ng kaibigan para daw unique siya.
Wala din naman siyang angal kahit mag two piece pa siya dahil sulit naman ang bayad sa kanya ng kaibigan.
Lahat gagawin niya para sa gamutan ng Daddy niya ang kaisa isang pamilya na naiwan sa kanya. Kaya't hanggang kaya niya magtimpi gagawin niya.
Sina Greg at Winston ay nabigyan ng pagkakataon ng organizer na makapunta ng backstage dahil na din sa pakiusap ng kaibigan para daw makaliskisan ng mabuti ang mga models.
At nadatnan nila ang eksenang pinupuna ng mga kasamang modelo ang isang napakagandang babae na nakaagaw din ng pansin ni Greg.
Naka floral dress ito at nakapaa at may fresh flower crown pa na nakasuot sa ulo. Bagay na bagay ang suot sa malalabanos niyang balat at ang mahaba niyang buhok nakalugay ngunit kinulot sa dulo. But she looks familiar!
"What the f**k*ng f*ck dude! Ito na, dito na talaga ako magsesettle, siya na talaga ang itinadhana para sa akin!" Madramang wika ni Winston sa kaibigan.
"Shut up! Ganyan naman lagi ang linya mo kapag may nakikita kang bago sa paningin mo."
"She's freaking damn hot!" Mura nito.
Nakatagilid sa kanila ang babae ngunit napansin niyang kinuyom ang kamay nito habang nilalait nang mga kasamahan.
"Tara na doon sa harapan bro magsisimula na yata,gusto ko siyang makita ng malapitan." At nauna na itong lumabas kay Greg.
"Hello babe! I'm glad you came!" Sinalubong agad siya ni Lexi ng halik sa labi.
"Sinamahan ko lang ang pinsan mo." Walang gana niyang sagot.
"And please Lexi, stop doing this s**t! Bakit ba parang casual lang sayo makipaghalikan sa akin tuwing nagkikita tayo? Hindi kita girlfriend."
"Ouch masakit yun ah! Even though it is what people called one sided love okay lang sa akin. As long as walang mag eepal at agawin ka sa again, at kapag may umagaw sayo sa akin, I'm telling you I know how to kill animals." Seryoso nitong sabi.
"You're a crazy spoiled brat." Napailing nalang si Greg sa tinuran nang babae.
Nakakabinging ingay ng venue ang maririnig at paminsan minsan may sinasabi ang emcee para sa mga kalahok at mga dumalo ngunit wala doon ang atensyon ni Greg.
Hindi naman kasi siya interesado napilitan lang siya dahil narin hindi niya mahindian ang kaibigan.
"To our dear audiences as you can see there are ipods in front of you, for you to be able to ask our models some questions and I myself will ask them for you but avoid personal questions please. Just use a hashtag followed by model number then lastly your question. Ladies and gentlemen I am proud to present to you our fifteen representatives!"
At kanya kanya na silang rampa, panghuli talaga si Dana. Simula pa lang na discriminate na agad siya.
"Bro ang ganda niya, magiging maliwanag ang kinabukasan naming dalawa kasing tingkad ng kaputian niya!" Siniko na lang ni Greg ang kaibigan para tumahimik na.
Dana will definitely do her best para na rin sa karangalan ng kaibigan. Sanay naman siya noon pa sa mga ganitong pagtitipon. "Welcome to the plastic world!" Iyan lagi ang nasa isip niya sa tuwing may business gatherings silang dinadaluhan na magpamilya.
"As you can see guys our monitor is showing lots of questions. And oh Miss number fifteen seems to be the darling of the crowd. I'll just choose random questions for Miss number fifteen." At lumapit na ang emcee sa kanya.
"Hi miss gorgeous!" Saka hinalikan ang kamay ni Dana. "Will you be my forever?" Pabirong sabi ng Emcee. Napakagwapo nito sa suot na tuxedo.
"Akala ko po ba bawal ang personal questions. But since it's unintentional, maybe we can talk about that backstage sir." Nakangiting sagot ng dalaga.
"b***h". Narinig pa niyang bulong ni boobsie este ng katabi.
"I love your answer." May natawa namang audience sa biruan nila.
"Okay, let's go on..
"You standing here barefooted captures the heart of many, most especially men. How does your designer come up with this decision?"
"Wearing this casual dress makes my spirit free, this is suitable for everyday wear and women can wear this with flip flops, with sneakers, with flat shoes. I mean you can wear this without worrying what shoes would be the best. Since I can't wear those footwears all at once I decided to be here barefooted. And guys, I swear this is comfortable wear, this will be the perfect gift for your special someone."
"Wow! Just wow!" Sabi ng emcee.
Marami pang tanong ng Emcee kay Dana, pero wala na doon ang focus ni Greg. Nasa babae na lang ang attention niya.
He already recognized her.
It's her again Dana Paoline Mallari.
Hindi na niya napansin na ilang minuto na rin ang lumipas. Nakita na lang niya na may tumabi dito, si Max dahil ipinatawag ang designer ng ginamit ni Dana sa pagrampa. Bumalik si Greg sa backstage para makompronta ang babae. Kating kati na talaga siya na mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng kakambal.
Pagdating niya kausap nito ang Emcee kanina at may nakita siyang inabot dito ang lalaki. Mukhang calling card.
"Hi! I'm sorry for the rudeness earlier by the way, it's Gabriel but you can call me Gab." Saka nilahad ang kamay nito sa kanya.
"No worries, I'm Dana!" At nakipag kamay din siya.
Fucking b***h! Mahinang sabi ni Greg.
"Bakla wait moko sa kotse restroom lang ako saglit". Kailangan niya kasi magmadali dahil kailangan pa niya humabol sa shift niya bilang isang receptionist sa isang hotel dito sa Makati.
"Ok sweetie take your time."
Ng mapansin ni Greg na lumabas ang babae sinundan niya ito at nakita niya patungo ito sa restroom.
Si Dana naman parang kinikilabutan pakiramdam niya may nagmamasid sa kanya na hindi nakikita. Baka may multo sa lugar na ito. Naisip niyang bigla.
Ngunit hindi nagkamali ang instinct ni Dana, nakita niya sa sulok ng mata niya ang isang lalaki at sinusundan siya.
Pagpasok sa banyo nagtago siya sa likod nang pinto habang hawak ng mahigpit ang isang swiss army knife na regalo sa kanya ng Kuya Rex niya. Siniksik niya ito sa loob ng strapless bra na suot
At nabigla siya ng mapagmasdan ang repleksyon ng lalaki sa salamin. Bumalatay ang galit sa magandang mukha ni Dana.
"Anthony?" Bigkas niya.
Sinunggaban niya ang lalaki, tinutok ang kutsilyo sa leeg nito at hinigpitan ang braso na sakop ang leeg ni Greg at dahan dahang tinulak sa tapat ng salamin.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita ulit sa akin matapos mo akong pinaasa at pinaghintay ha!" Sigaw niya sa lalaki na ang buong akala niya ay ang dating kasintahan.
Tinaas ni Greg ang dalawang kamay na animo'y sumusuko at unti-unting humarap sa kanya. F*ck! I didn't see it coming, hindi yata tama ang pagkakadescribe ni Anthony about his girlfriend.
Pinagmasdang mabuti ni Dana ang binata. Binigyan siya ng nakakalokong ngiti. Lahat ng features ni Anthony taglay ng lalaking ito maliban sa kulay ng mata niya. The stranger's eyes are black and Anthony's eyes are brown.
"Who are you?" Bulong niya ngunit may diin ang pagbigkas ng bawat salita.
"You are not Anthony." Dismayado niyang sabi.
"Greggy baby where are you? What took you so long?" Isang maarteng tinig ng babae ang bumulabog sa kanila. Dali daling pumasok si Dana sa isa sa mga cubicles na available pagkatapos siyang itulak.
"s**t! Bad timing ka Lexi!" Napamura ng mahina si Greg dahil dumating ang pinsan ng kaibigan. Naramdaman niya ang hapdi sa leeg.
"Hop in I'll drive you home." Sabi ni Dana sa kaibigan but she is trembling. Dahil sa eksena sa banyo kanina napukaw ang galit sa dibdib. Galit na pilit ibinabaon sa limot.
"Girl balak ko sana next month magpunta ng Hawaii, I want to grab this opportunity para makapagbukas ako ng shop doon saka magbakasyon naman tayo". Lambing sa kanya ni Max.
"Thanks but no thanks beshy!"
"I'm serious Dana masaya ako ngayon dahil tayo ang napili ng organizer nitong fashion event na 'to. Ayaw ko naman na ako masaya samantalang ang beauty ng bestfriend ko dito nabibilasa na lang!" Hawak nito ang certificate at pictures nila.
Dana sighed. "Max you know already that my situations are complicated. I can't just leave my Dad alone here. Lalo na sa condition niya ngayon. Saka paano ang work ko dito?"
Tulad ng nakagawian umikot na lang ang eyeballs ng kaibigang bakla.
"Sasahuran pa rin kita in dollar currency ng bonggang bongga"
Natahimik si Dana.
"Nagsawa na ako kaka galugad ng kung saan mang sulok ng mundo noon na mayaman pa ang magulang ko 'noh! Ngayon hindi na bagay sa akin magliwaliw dahil isa na akong dukha". Natawa si Dana sa tinuran niya.
Panay ang busina niya sa kotseng nasa harapan nila dahil ilang segundo ng naka kulay berde ang stop light hindi parin ito umusad.
"That f*cking stupid, they're f*cking making out in front of us! And wasting my precious time!" Malutong na mura ang pinakawalan niya.
Yeah she's far from Dana Paoline Mallari 5 years ago. A vulnerable, sweet, carefree, spoiled brat before, now turns into a beast! Dahil sa pinagdaanan at sa mga taong nakasalamuha, she has completely changed.
"Goodnight baks! Mwuaahhh!" Paalam niya. Habang inaabot ang susi ng kotse nito.
"Good night sweet darling! Ingat sa pagmomotor mo!"
Hindi na niya pinatapos ang kaibigan pinasibad na ang scooter niya papuntang hotel. Para magtrabaho ulit.
Mabuti na lang maluwag ang kalsada dahil madaling araw na. Dahil wala sa manibela ang focus niya. Kundi doon sa mamang nakaharap kanina.