Madaling araw na ng matapos ang selebrasyon. Napag-usapan na rin namin ang petsa ng kasal at kung saan gaganapin. As usual ang pabida kong best friend ang nagpresenta at nagplano ng lahat. Panay din ang tsansing nito kay Kuya Bryan. Nauna na akong pumanhik para makapagpahinga. Hindi pa rin kasi ako lubos na magaling. Si Greg naman hinatid sa labas ng bahay ang mga kaibigan namin. Maaga ring umuwi sina Daddy at Kuya Rex gawa ng may trabaho pa sila kinabukasan. Nasa loob ako ng walk in closet naghahanap ng maaring isuot ng may biglang yumapos sa akin mula sa likuran. Nakabalik na pala ang asawa ko ng hindi ko namamalayan. "Babe, nagbibihis pa ako!" Pilit akong kumakawala sa yakap niya. "Baby,alam mo ba, marami ka ng utang sa akin. At kapag ako naningil asahan mo may enteres yun." Bulong

