Marriage Contract

1274 Words

Nalalapit ang araw ng outing nila. Merkules na ngayon. Oras na naman ng uwian tuwing hapon. Talagang pinagod niya ang kanyang sarili, para makatulog din naman siya ng maaga mamaya. Nag-aabang na siya ng tricycle sa labas ng building nila. At ng may mapadaan nagpaalam muna sila sa isa’t isa ng mga kasamahan niya bago siya sumakay. Pagkarating sa inuupahang bahay pagkatapos ilapag ang mga bitbit na mga gamit ay dumiritso na siya kaagad sa banyo at naghalf bath. Pagkatapos ay kaagad siyang nagbihis at mahihiga na sa kama. Talagang pagod na pagod siya ngayon kaya matutulog siya ng maaga. Kung anong oras siya magigising saka lang siya kakain. May malapit naman na 7/11 dito sa tinitirhan niya. Kaya madali lang siyang makakabili ng pagkain. Wala pang sampung minuto ay naka-idlip na siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD