Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog kagabi. Basta nagising nalang si Erica bandang alas 4 ng umaga. Mugto ang kanyang mga mata. Napabangon siya, wala pa rin ang asawa sa loob ng kwarto. Maging sa sofa ay walang bakas ni Ken. Nasasaktan na talaga siya sa isiping hindi ito pumasok sa kwarto nila at baka sumama ito kay Alliyah. At magkasamang natulog sa isang silid. Parang sumisikip na naman ang dibdib niya sa isiping iyon. Inabot ng kaba ang kanyang dibdib ng nagpasya siyang lumabas ng silid. Gusto niyang malaman kung nasaan si Ken. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit siya umalis kagabi? Dapat sanay um-extra siya kagabi sa nagaganap sa pagitan nina Ken at Alliyah. Para hindi umabot sa isiping ganito. Asawa niya ito at may karapatan siya. Dapat pinagsasampal niya si Alliyah

