Alas onse na ng gabi ng makarating ng condo nila si Erica. Wala siyang asawang nadatnan. Galing sila sa mall na mga kaibigan at kasama niya sa trabaho. Naglabas ng sama ng loob si Melissa. Matindi din pala ang dinaramdam nito. Nakita lang naman nito ang dati nitong ex na lubusang minahal at niluko. Ang masaklap pa nagkaanak ang mga ito. Nanlulumo siya ng maramdamang wala na naman itong pakialam sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi. Lasing pa ng dumating at inangkin siya. Ni text din wala. Kahit chat. Ano pa nga bang magagawa niya eh ganito talaga pag back to reality di ba. Kaya lang siya ginahasa at nagpagahasa din naman siya dahil nasaktan lang ‘yun sa sinabi niya tungkol sa pera. Namalayan nalang niya tumutulo na naman ang mga luha niyang nakahiga lang sa kama niya at hindi pa nagbi

