Nakatanga lang habang nanonood si Erica ng palabas sa tv ng araw ng linggo na yun. Mag isa lang siya at umalis na ang pinsan. Makikipagkita at date ito sa bf nito tuwing linggo. Magkasabay ng offday ang mga ito. Sana may goodnews ito pag uwi.
Nababagot siya habang nanonood ng palabas sa tv hindi niya maintindihan ang pinapanood at wala dito ang focus niya. Kaya tumayo siya at lumabas ng bahay. Maglakad lakad lang muna siya sa labas sa may gilid ng kalsada at gusto niyang magpahangin. Kaysa naman pepermi siya dito sa loob ng bahay na puros sakit sa isip lang ang sumisiksik na iisipin sa kanyang utak.
Nakakita siya ng may nagtitinda ng kwek2x sa may katapat na kalsada. Natakam siya doon at balak niyang bumili. Tatawid na sana siya nang makitang may isang sasakyan na papunta sa direksiyon niya.
Nagulat siya!sa pagkagulat niya napaatras siya agad at kitang kita niya ang nagmamaneho nitong parang may kinukuha mula sa ilalim. Nagulat din ito ng mapuna sigurong papunta sa deriksiyon niya ang sasakyan. Nakabig nito bigla at napadaan sa isang may lubak na daan na may tubig.
Splash!!!!!!!! Naramdaman nalang niyang nabasa nang tubig ang damit niya. Bumakat ang katawan niya buti nalang may bra siya at maong na maiksing short. Pati mukha niya na-splashan ng tubig.
Anak ng.....gigil na gigil siyang lumapit sa sasakyan ng napansin niyang huminto iyon.
“Hoy!buksan mo yong pinto!”, gigil niyang sigaw ng nasa may pintuan na siya ng sasakyan. Kakatok na sana siya sa bintana ng buksan ng driver ang bintana ng sasakyan na yun. At dumungaw ito.
Shit! Hindi ipagkakaila ang gwapo ng lalaking napadungaw. Para siyang nabatobalani sa angkin nitong kagwapuhan. Pinaghalong Jeric Raval at Robin Padilla ang mukha nito. Nong mga kabataan pa ang mga nabanggit na actors. Subalit naiinis siya sa nangyari sa kanya kaya iwinaksi niya ang naisipang kahangaan.
Eh ano ngayon kung gwapo ito? Tanga naman!
“Miss, pacenxa na. Hindi naman siguro kasalanan ng sasakyan kung may tanga tangang tatawid dbah?!” Sarkastikong sabi nito sabay ngisi pa.
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. “Abat-“
Hindi porke’t gwapo ito ay hindi niya papatulan ang ginawa nitong katangahan at siya pa ang binabaliktad ngayon. Kumibot kibot ang maninipis niyang labi at lumalaki ang kanyang mga mata habang nakakatitig siya dito. “Bumaba ka dito hambog. Ikaw na nga may kasalan, ikaw patong ang lakas ng loob na sinabihan akong tanga! Hoy!ikaw yung tanga hindi ako!” Nanggagalaiti niyang sabi.
Lalo itong napangisi. Lalo yata itong gumuwapo sa paningin niya habang nakatawa. Lumabas ang mga maliliit na dimples nito.
Oh My?! palatak niya sa sarili. At pinipigilan ang paghanga sa nakikitang kagwapohan nito.
“Sige Miss pasenxa ulit. At marami pa akong gagawin.” Sabay sira ng bintana ng sasakyan.
“Abat! Ang bastos din nmn talaga!” Iniumang na niya ang kanyang kamao at gusto niyang suntukin ito ngunit sinirado na nito ang bintana. Nakatanaw nalang siya sa likod ng sasakyan nitong Audi habang umaandar papalayo.
Nanggigil siya sa kabastusan nito. Kaya napilitan nalang siyang bumalik sa bahay na kanilang tinutuluyan. Maliligo nalang siya at magbibihis. Tatandaan niya talaga ang pagmumukhang yun. Pano di niya matandaan ang gwapong mukhang yun? Sa tanang buhay niya nayon lang siya nagagwapohan sa isang lalaki.
Ah basta! Gwapo sana mayabang lang!
Iwinaksi nalang niya ang dagdag kamalasan na nangyari sa kanyang buhay ngayong araw nato.
BINABAYBAY niya ang daang shortcut papuntang Makate. Naisipan niyang doon dumaan sa Quezon dahil magagahol na siya sa oras pag sa Edsa pa siya dadaan.
Habang nakatitig sa daan hindi niya mapigilang mapatingin sa isang simpleng babaeng parang ang daming iniisip at nakatanga ito habang naglalakad.
Parang pasan nito ang mundo. Ang cute pa naman nito tingnan. Naka-tshirt ito ng light blue na malaki halos dress na ito tingnan dahil sa liit ng katawan nito at nakaiksi ng short.
Wala sa isip niya na sagasahan ang tubig sa nakitang lubak. Balak niya lang sanang gulatin ito. Dadaan lang siya sa harapan nito ng dahan dahan sa pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.
Nang biglang nagring ang kanyang cp. Pagkadampot niya biglang nahulog sa sahig ng sasakyan at pilit niyang abutin iyon. At muntik ng hindi mapansin ang babaeng kaninang tinititigan na patawid na pala ito.
Biglang gulat niyo at pati narin siya kaya nakabig niya yung manibela sa sobrang taranta narin para hindi ito masagasahan. Ngunit ang tubig sa lubak na yun ang siyang nasagasahan niya kaya naman ng makita niyang nagsplash yun sa mukha ng babae.
Hindi niya alam kung matatawa siya o maawa dito. Kaya inihinto niya ang sasakyan. Alam niyang galit na galit ito sa kanya. Siyempre sino ba matutuwa?! Sa ginawa niyang kapilyuhan.
“Hoy! Buksan mo yong pinto!” Dinig niyang sigaw nito. Kita niyang kakatok na sana ito ngunit hindi na natuloy at binuksan na niya ang bintana ng sasakyan.
Nakita niyang napatitig ito sa kanya, medyo nagulat siguro?! Ngunit bumalik na naman ulit ang sambakol nitong mukha.
“Miss, pasenxa na. Hindi naman siguro kasalanan ng sasakyan kung may tanga tangang tatawid dibah?!” Aniya rito sabay ngisi.
“Abat-“, kaya kita niyang lalong nainis ang hitsura nito. Kumibot kibot ang cute nitong mga lips at nanlalaki ang mga bilog nitong mga mata. Ang cute talaga nito lalo na pagnaiinis. Kaya lalo siyang napangisi. “Bumaba ka dito hambog. Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa itong ang lakas ng loob na sinabihan akong tanga! Hoy! Ikaw yong tanga hindi ako!” Nanggagalaiti nitong sabi.
Kaya lalo siyang napangisi. Kita niyang natigilan ulit ito.
“Sige Miss pasenxa ulit. At marami pa akong gagawin.” Aniyang nagmamadaling isinara ang bintana ng maisip na malilate na siya sa meeting.
“Abat! Ang bastos naman talaga!” Dinig niyang sigaw nito. At nakita pa niyang susuntukin sana siya kung hindi niya isinirado ang bintana yari talaga ang kapilyuhan niya. Kaya mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan.
Natatawa siya at naawa sa babae kaya balak niyang dumaan ulit dito sa susunos na araw. At baka madatnan niya ulit ito. Kung hindi lang siya nagmamadali baka ayain niya munang magkape ang cute na babae.
Napapangiti siya habang nagmamaneho.
Napatigil siya sa kakaisip sa nangyari kanina ng may tumawag sa cp niya.
Ang kanyang lola ulit. Napabuntong hininga siya kaya inignora na muna ang tawag nito. Sa ilang beses na tumunog ito mayamayay tumigil. Alam niyang tatawag ulit ito sa kanya kaya napagdesisyonan muna niyang wag munang sagutin. At irarason niya ditong nagmamaneho siya. Eh sa totoo naman!
Malapit na siya sa restaurant kung saan may ka-meeting siya ng tumunog ulit ang cp niya.
Ipapark lang muna na niya ang sasakyan ng makarating na siya sa may parking area.
“Hello” aniya ng sagutin niya ang tumatawag.
“What took you so long to answer my call Dicken?” Ani ng kalmado pero puno ng ma awtoridad na boses sa kabilang linya. Ang kanyang lola.
“Hi, la. I’m so sorry I can’t answer your call just now while I’m driving.” Aniyang ini-off na ang engine ng sasakyan.
“Hmmm....akala mo siguro hindi ko alam na you everytime avoiding me.” May himig pagtatampo na ito. “You everytime busy! Ang dami mong rason hanggang sa nakalimutan mo na ako.”
“Ay ang lola ko nagtatampo na naman. Ang dami kasing pinapagawa sakin si papa la lately kaya nakakalimutan kong tumawag. But don’t you worry you always in my heart.” Pampalubag loob niya eh sa totoo din naman yun. Kahit mataray at strikta to minsan pero mahal na mahal niya parin ito.
“Sure ka apo?”anitong parang himig nahimasmasan na.
Napangiti siya kahit di niya ito nakikita. Alam niya kasing nakangiti na ito dahil nahihimigan na niya ang masayang boses nito.
“Sure na sure lola. I love you and I miss you so much kung alam mo lang.”
“Hmmm kung ganun kailan mo ko bibigyan ng apo sayo?” Ani sa malambing na natinig.
Bigla siyang napalunok ng laway. Baka mabulunan pa siya kung may kinakain siya ngayon.
Ito na naman sila, kaya minsan ayaw niyang sagutin ito. Kinukulit na siya nitong magpakasal at magkaanak para may apo na daw ito sa tuhod bago ito mawala sa mundo.
At ayaw na ayaw niyang naririnig ang mga bagay na iyon.