Kailangan pa rin pakisamahan ni Erica ang abwela ng asawa. Maganda naman ang ipinapakita nito at magiliw din naman sa kanya kaya bumaba siya ng ipatawag siya nito para magtanghalian. Alam niyang mugto ang mga mata niya. Pero nilagyan nalang niya ng concealer ‘yun para di halata. Nasasaktan pa rin siya sa mga pinagsasabi ni Ken. Pero kailangan niya pa ring harapin ang abwela nito. Bahala na! Wala siyang pakialam kung andoon ito ngayon. Basta bababa nalang siya. Pagkababa niya sa komedor ay mag-isa lang pala ang abwela. “Ano bang nangyayari sa inyo ni Dicken apo?” Anang abwela ng asawa nang siyay nakaupo na. “Ako lang mag-isa ngayon dito at ‘yung asawa mo umalis saan ba ‘yun tumungo?” Anitong may himig pagtatampo. Natahimik naman siya at nakaramdam ng lungkot para rito. Ramdam niyang m

