Kabanata 2 - Olvidarme
Akala niya'y ito na ang senyales na ginagawaran na siya ng pagkakataong mamatay, hindi pala.
Nakapulupot ang kaniyang kadena sa isang bakal sa itaas. Nasasakal siya dahil dito. Ang kadena'y hindi makikita ng mga mortal, kaya inakala ng magkakaibigan na lumutang ang dalaga.
Kinakabahan man sa di ordinaryong pangyayari, tinulungan pa rin nina Sanchez si Adelaida. Hindi naman ito umangal.
"I-Ipaliwanag mo nga sa amin ang nakita namin n-ngayon," di pa rin makapaniwalang sambit ng lalaking naka-shorts at kulay brown ang buhok. Mukha itong Koreano dahil sa singkit na mata at ang tangkad rin.
"Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo mga bata," malamig na wika ni Adelaida at tinalikuran sila. Akmang lalayo na ito nang biglang magsalita ang mapangahas na babaeng lumapit sa kaniya kanina.
"Huwag ka ngang bastos sa mga taong sumagip sayo," mataray nitong sabi, bagay na nagpataas ng sulok sa labi ni Adelaida. Hinarap niya muna ang mga dalaga't binata saka nagsalita.
"Nakikita niyo ba ang kadena?" tanong ng babae. Kumunot naman ang noo nilang anim.
"Kadena? Wala naman ah," sagot ng lalaking nakasuot ng itim na shirt.
"Oo nga," dugtong ng mahinhin na babae.
"Kung gayon ay hindi kayo ang tamang mga taong dapat kong pagsabihan ng tunay kong pagkatao," mahinahong sagot ni Adelaida. Tinignan niya ang babaeng masungit. "Hindi niyo ako sinagip, kailanman ay hindi na ako maisasalba. Sana'y hinayaan niyo ako sa kumbento. Wala naman akong magagawa kundi magdusa."
"Adelaida," sambit ng lalaking kanina pa nasa isang sulok at walang imik. Nagulantang ang pagkatao ni Adelaida nang marinig iyon.
"P-Paanong... paano mo nalaman ang aking pangalan?" di-makapaniwalang usal ng babae. Inakala niyang baka isa ring mortal na isinumpa ang lalaki ngunit nagkakamali pala siya. Iniangat ng lalaki ang isang lumang kwaderno na kapag hindi iningatan ay mapupunit agad. Puno ito ng tuyong dugo at may nakaipit pang balahibo ng manok.
"I saw this earlier at that place. I've accidentally read a few," sagot ng lalaki.
"Hoy bato! Ba't ngayon mo lang sinabi sa aming kupal ka?" inis na tanong ng babaeng maikli ang buhok, mas maikli pa sa pasensiya nito.
"It's not my story to tell," walang ganang sagot ng lalaki. Binuksan niya ang isang pahina. "And you would not believe everything written in there."
"Bakit? Anong nakasulat?"
"Akin na iyan," wika ni Adelaida at nagulat ang lahat nang lumutang ito sa ere at napadpad sa kamay ng misteryosong babae. Maingat niya itong hinawakan at hinarap sila.
"Olvidarme," sabi ni Adelaida, ito'y nangangahulugang kalimutan mo ako. "Sombras del pasado que pronto se desvanecerán del recuerdo. e olvidaras. Olvidaras mi nombre."
Shadows from the past, soon to fade from memory. You shall forget my name.
Sa isang iglap ay naglaho ang katawan ni Adelaida kasabay ng paglaho ng kanilang alaala sa babae. Nagtaka silang lahat kung anong ginagawa nila sa rooftop ng isang hospital.
"Hoy ba't nakakunot na naman ang noo mo, Sanchez?" tanong ni Fred, ang lalaking malinis ang gupit ng buhok at nakasuot ng itim na shirt. "Saka ba't ba tayo nandito?"
"Palagi namang nakakunot ang noo ni Rizal, tinatanong pa ba 'yan?" pang-aasar ni Claude, ang lalaking singkit ang mata at mukhang Koreano. "Ganiyan na 'yan simula noong iniluwal ni Tita, ikaw ba naman bigyan ng pangalan niya."
"Tumahimik kang Intsik ka ha," pagbabanta ni Sanchez, ang babaeng mataray. Nakasuot ito ng hoodie at may malaking earphones na nakasabit sa leeg niya. May tattoo rin siya sa kanang parte ng balikat niya.
"Ba't ba inaasar niyo si Sanchez eh maganda naman ang pangalan niya, ah?" nagtatakang tanong ni Franche, ang mahinhing dalagang nakasuot ng bestida. "Kapangalan niya ang pambansang bayani."
"Isa ka rin Franche, itikom mo na lang 'yang bibig mo," naiiritang sagot ni Sanchez. Luminga-linga siya sa paligid at mas kumunot ang kunot nitong noo. "Ba't parang may nakalimutan ako? Wala akong maalala maliban sa pagmamadali natin dito sa hospital. Ba't ba tayo nagmamadali?"
"We went to a creepy convent today, diba?" tanong rin ni Chloe, ang partygoer na babae. "It feels odd. Parang may kulang sa alaala ko."
"Seriously guys, we're being weird. Bumalik na nga tayo sa baba. Nagugutom na rin ako," putol na lang ni Fred sa usapan. Kahit naguguluhan sa mga pangyayari, sumunod naman ang kaniyang mga kaibigan. Napahinto si Claude nang makitang hindi sumunod ang isa.
"Hoy Bato, hali ka na, literal kang nagiging bato diyan," pang-aasar ni Claude sa tulalang kaibigan. Napansin ni Claude na nakatingin ang kaibigan sa sahig. "Anong tinititigan mo diyan?"
Hindi niya pinansin ang kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Nanatili siyang tahimik at kalmado. Nilingon niya ang kaibigan. "Mauna ka na, Claude. I'll follow you later."
"Sige, text mo na lang ako," sagot ng kaibigan saka bumaba nang makitang tumango si Stone. Kahit wala itong load at di rin dala ang phone, tumango siya dahil napapagod siyang magsalita.
Nang makitang siya na lang mag-isa sa rooftop, nilapitan niya ang kumikinang na bagay at pupulutin na sana ngunit laking gulat niya nang hindi niya ito mahawakan. Sigurado siya sa kaniyang nakikita ngunit katulad ng hangin ay hindi niya ito nahahawakan.
"Is this a link from a chain?" tanong niya sa sarili habang nakatingin sa kumikinang na bagay. Malakas ang kutob niya na kung anuman ang bagay na iyon, may kinalaman ito sa pagpunta nila sa kumbento at sa misteryong nangyari sa kanilang anim.
Nagtataka rin siya kung bakit siya lang ang nakakakita ng kawing mula sa isang kadena at hindi iyon napansin ng kasamahan niya. Sa liwanag na binibigay nito'y siguradong iyon ang una mong mapapansin kapag pinagmamasdan mo ang rooftop.
Kalaunan pa'y sumuko na siya at iniwan ang kawing sa sahig. Naguguluhan man ay nagawa niyang mag-isip ng matino at sumunod sa barkada niya.
"Hoy! Diba sabi ko'y ikaw ang gumawa ng essay ko? Ang bakla mo kasi!" rinig niyang sigaw ni Sanchez kahit nasa malayo pa. Nagdadalawang-isip siya kung lalapit o hindi dahil pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa lakas ng boses nila.
"Hoy ka rin! Si Bato ang nag-volunteer uy! Nasaan ba 'yong kumag na 'yon?" rinig niyang sagot ni Claude. Luminga-linga ito hanggang sa nakita si Stone na nakatayo lamang sa entrance ng Jollibee. "Ayon oh! Ba't ka ba nakatayo lang diyan? Gusto mong magpa-picture kay Jollibee?"
Napailing na lang siya dahil siya na ngayon ang pinagtitinginan kaya wala siyang magawa kundi lumapit sa table kung saan kumakain ng burger at fries ang mga kaibigan niya.
"Ba't ang tagal mong sumunod?" tanong ni Fred sa kaibigan. Kumuha siya ng isang fries mula sa in-order ni Franche. Hindi naman nag-reklamo ang dalaga. Bagkus, si Claude pa ang sumigaw.
"Bumili ka nga ng sarili mong fries! Kawawa naman si Franche!" inis na sigaw nito. Hindi naman siya pinansin ni Stone at ngumiti lang si Franche.
"Okay lang naman, madami 'tong in-order ko," mahinahong sagot ng babae. "Kumuha ka, Stone."
"Di mo ba ako bibigyan? Grabe, ang damot! Parang di tayo magkaibigan simula kinder ah!" reklamo ni Claude. Mabilis namang inabot ni Franche ang fries at ngumiti ng malapad si Claude. "Naks! Ang bait ah! Kaya didikit talaga ako sayo bespren!"
"Ang ingay mo, intsik. Parang di ka lalaki eh," iritang sabat ni Sanchez at kumagat sa kaniyang burger. Mahina namang tumawa si Fred.
"Ano bang ginawa mo sa rooftop, Stone?" tanong ni Chloe at pinunasan ang kamay na may mayo sa isang tissue.
"I was trying to figure out what went wrong," sagot ng lalaki at naalala na naman sa isang kawing na nakita niya doon. "Wala akong maalala matapos tayong lumabas sa kumbento. It's just weird."
"Tapos napadpad pa tayo sa rooftop ng hospital, mas weird," sabi ni Chloe. "I asked the nurses on the information desk, sabi niya may dinala raw tayo. Tapos di rin nila alam kung babae o lalaki, maging ang room number! Isn't it creepy?"
"The place was creepy, I never thought it would get creepier," komento ni Sanchez. Tinaasan niya ng kilay si Claude. "Sino bang gago ang nagdala sa atin dun?"
"Hala! Sino kaya?" pagmamaang-maangan ng lalaki kaya napabusangot si Sanchez at binatukan si Claude. Isang malutong na putangina ang isinigaw nito.
"W-Wait, why did we call my tito again?" nagtatakang tanong ni Chloe matapos tignan ang call log niya. Hindi niya alam kung bakit andun sa listahan ang kaniyang tito na isang pari.
"Ha? Yung gwapong pari?" bulalas ni Franche.
"Uh, 'yong pari nga, we called him around 8 pm," sabi ni Chloe. Pagpatak ng alas-syete ng gabi ay pumasok sila sa abandonadong kumbento. Malapit nang mag alas-nueve nang lumabas sila. Agad silang dumiretso sa hospital sa di malamang dahilan at nakatulog. Nang magising sila ay umaga na at andun pa rin sila sa hospital.
"That's it! We have to call him again!" sabi ni Fred. Huminga ng malalim si Chloe at dinial ulit ang number ng kaniyang tito. Kinakabahan sila. Tumunog ang kabilang phone ng ilang beses hanggang sa sinagot na ng kabilang linya.
"Tito! Can we ask yo—"
"Huwag na kayong pumunta sa kumbento," putol ng pari. Nagkatinginan silang lahat at ang tanging makikita sa kanilang mga mata ay kaba at takot. "Uulitin ko, Chloe, huwag na kayong pumunta. Tama ring kalimutan ang lahat."
"A-Ano pong ibig niyong sabihi—"
Napamura ang ilan nang binabaan sila. Ilang minuto ang lumipas at sila'y naging tahimik. Walang imik ang kanina'y maingay na grupo.
"I-I gotta go guys, I still have my class at 11," sabi ni Chloe at dali-daling umalis. Halatang takot ito at umiiwas.
"Ako rin," mahinang sabi ni Franche at umalis na rin.
"Kailangan ko ring pakainin ang rabbit namin," pagdadahilan rin ni Claude.
"Wala kayong rabbit, Claude."
"Ay, oo nga pala," napakamot si Claude sa sinabi ni Fred. Umalis na rin ito.
"Well, I still have some stuff to do," sabi ni Fred at tumayo na rin. Naiwan si Sanchez at si Stone.
"Wag kang gumawa ng ikapapahamak mo, Stone," pagbabanta ni Sanchez sa tahimik na kaibigan. "Keep your curiosity to yourself."
Umalis na rin si Sanchez. Nanatiling nakaupo si Stone habang iniisip kung anong dapat gawin. Tinitimbang niya ang mga maaaring mangyari sa bawat desisyong gagawin niya.
Ngunit ngayo'y buo na ang kaniyang isipan.
-