Chapter 16

1668 Words
Nagising ako sa isang napakalaking kwarto. Medyo umupo ako sinapo ang ulo kung medyo sumasakit. Ano na naman bang kahibangan ang pinasok ko? Bakit ba ako sumama sa isang taong dapat ay iniiwasan ng lahat? " Aishh! Ka-ka w*****d mo yan" bulong ng mumunting tinig sa isipan ko. Pinagsawalang bahala ko nalang ang sinasabi ng utak ko. Oo, ka-ka w*****d ko talaga toh. Tumingin ako sa paligid nitong kwarto. Siguro kay Cidian toh, puro kasi panlalaki ang design, all black and grey tapos marmol pa yung sahig at mayroong tatlong hindi kalakihang chandelier na nakasabit sa itaas. Habang pinapasadahan ko ng tingin ang paligid ko nahagip ng mata ko ang bedside table may nakalagay kasi doong tatlong rosas at may parang may note pa sa ilalim. Out of curiosity I slowly pick up the roses and the note. Tangina baka hindi sakin toh. It smells so good. Mandalaine I know that you're awake right now, agapi. Nevertheless, don't go out. I'm outside of the rest house. Just wait for me to come back. I know that you're still curious right now, agapi. Don't leave the house I'll explain to you myself furthermore. And before I forgot. You're not just my secretary,agapi , you're more than that,okay? "Your mafia boss" "I'm not just his secretary?" Basa ko nakasulat. Ayy, tangina para sakin ba talaga toh? Ano naman kaya ang ibig sabihin ng agapi? Bumangon nako at nag inat ng katawan. Kung wala siya dito e sino ang kasama ko? Tangina talagang lalaki yon takot pa naman ako sa mga multo tapos gaganituhin lang ako? Dahan-dahan kung binuksan ang malaking pinto. Katahimikan ang unang sumalubong sakin,bakit ba ganito? "Wag kang mag overthink na tanginang isip ka! Maawa ka sakin" usal ko habang sinasara ang pinto." Hindi nga ako mamamatay sa bala , mamamatay naman ako sa takot . Bakit ba kasi dito nya pa ako dinala? Sa gitna ng gubat? Na ako lang ngayon ang mag isa? Ohmygodd, bless me Lord" Palingon lingon ako sa paligid habang naglalakad pababa ng hagdan. Mahirap na baka nandito pala si maria labo at ako pa ang masampulan. Habang pababa ako sa hagdan inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mamahaling mga furniture at painting sa paligid. Lagi ba syang nandito? Bakit mukhang napakalinis ng paligid? Hindi mahirap hanapin ang kusina ng bahay nato dahil malapit lang ito sa hagdan. Napaka ganda naman dito. Tumingin ako sa napakalaking glass window, kitang kita mula dito ang kagandahan ng gubat , mayroon ding talon sa hindi kalayuan at merong mga hayop na pagala-gala lang. Ang sarap namang pagmasdan ang ganitong klaseng scenery. Buhay na buhay ang gubat lalo na ang mga halaman na subrang kay gandang pagmasdan. Pagkatapos kung pagmasdan ang kagandahan ng gubat ay pumunta na ako sa kusina para maghanap ng maiinum at makakain. Wait, anong oras na ba? Nung magsimula kaming mag hike takip silim na ah. Napatingin naman ako sa relong pambisig ko. Ayyy tangina! Umaga na! "Ganon ako katagal natulog?" Di makapaniwalang tanong ko sa sarili ko habang hinahawak ang basong may lamang tubig. " Oo, grabii pinakaba mo kami ma'am Maicey, akala namin di kana magigising" biglang sabi ng kung sinong talipandas mula sa likuran ko. Sa subrang gulat ko ay nabitawan ko pa ang basong hawak ko. Sapo-sapo ko ang dibdib kung tiningnan kung sino ang nagsalita. " Sabi na sayong wag kang manggugulat e!" Sabi ni Shawn staka umalis saglit. Pagkabalik Nito ay may dala na itong panglinis. "Pweding bang sa susunod wag kang manggulat, ha? Kasi pag ako inatake sa puso at namatay , ikaw ang una-una kung ililibing ng buhay" pagbabanta ko kay Waine Agad naman nitong itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko,tsk, pasalamat kalang dahil naququtan ako sa mga amber eyes mo! Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Shawn na naglilinis ng mga bubog. " Salamat" sabi ko ng matapos syang maglinis." No problem,milady" nakangiting wika nito at umalis na naman sa kusina. Napailing iling nalang ako at tumingin sa ref kung anong pweding lutuin.Buti nalang may baboy dito at manok,gagawa nalang ako ng adobong baboy at potchero. Mukhang hindi naman marunong magluto itong si amber eyes e. Mukhang busy rin ito sa pagse-selpon kaya hinayaan ko nalang at naghanap ng mga sangkap. " Anong lulutuin mo, milady?" Biglang tanong ni Shawn na nakabalik na pala at may dala dalang laptop." Adobong baboy at potchero, kumain na ba kayo?" Tanong ko naman habang tinatali ang buhok ko. Palagi akong may dalang pangtali dahil naiinis ako sa mahaba kung buhok minsan, lalo na kapag mahangin ang panahon, nakaka hagard. Nakaka istress magkaroon ng mahabang buhok. Minsan nakakabawas ng ganda.Pero minsan nakaka hot din namang tingnan " Good choice ma'am Maicey, Hindi pa nga ako nakakakain e . Ayaw akong ipagluto ng nerd na to" wika ni Waine habang tinuturo si Shawn na may eye glasses at busy sa laptop nito. " Hindi kita obligasyon, magluto ka mag isa mong tarantado ka" sagot naman ni Shawn. Napailing iling nalang ako sa kanilang dalawa. Para silang mag jowa na nagkaroon ng tampuhan. " Si Cidian ba nakabalik na?" Kusang tanong ng bibig ko. Aba'y tarantado din to minsan kusa nalang magsasalita kahit iniisip ko palang ang sasabihin. Kailangan kona atang rendahan tong bibig ko , kung ano-ano kasi ang lumalabas. " Hindi pa, ang tagal nga nya e. Bakit miss muna asawa mo?" Nakangiting tanong nito na syang ikinangiwi ko. Oo nga pala pinakilala nga pala ako ng hinayupak nayon sa amber eyes na to bilang asawa nya. Masasakal ko talaga yon sa pagpapakalat ng mga mali-maling balita! " Pero gusto mo naman diba?" Ani ng munting tinig sa isipan ko. Kailangan kona atang mag pa check up sa doctor. Lumalala natong isipan ko. " Asawa?" Nagtatakhang tanong ni Shawn habang nakatingin kay Waine. Nginisihan nya ito " ohh diba pati ikaw hindi din alam na kasal na si boss" Naguguluhang tumingin naman sakin si Shawn. Nagtatanong ang mga mata nito. Nagkibit balikat lang ako habang sinisimulan ang pagluluto. Ang dalawa ay panay parin ang bardagulan. Kasi itong si Waine, pinipilit na kasal kami ni Cidian pero ito namang si Shawn, pinipilit na mag jowa palang kami ni Cidian. Hinayaan ko nalang sila at nag focus sa pagluluto . As far as I know,wala naman akong jowa at higit sa lahat wala akong asawa. "Milady, sabihin mo nga sa hampas lupang toh na hindi pa kayo kinakasal ni boss" naiinis na wika ni Shawn habang tinitingnan ng masama si Waine. " Ulol, kasal nga sila , diba maam Maicey?" Wika naman nitong si Waine. " Tarantado, may nakita kabang singsing sa kamay ni Maicey?!" Galit na tanong ni Shawn. Napatingin naman sa kamay ko si Waine at napakamot sa batok nito, mukhang natauhan din " Baka naman na late yung singsing?" Patanong na wika ni Waine . " Ang mga bobo nga naman, hindi na talaga mas-solusyonan. Ikaw na nga lang mag explain sa hampas lupang yan,milady" napipikang usal ni Shawn at isunuot ang headphone nito at tumingin ulit sa laptop nya. Tumingin naman sakin si Waine kaya napa buntong hininga nalang ako " hindi kami mag jowa at higit sa lahat hindi kami kasal" saad ko at bumalik sa niluluto ko. Naiwan naman silang nakanganga sa mesa. Alang naman sabihin ko sa kanila na mag jowa kami ni Cidian diba?I know where I stand . I'm just his employee and he is my employer as simple as that no need to make it more complicated. Even if he said that I'm more than enough to be his secretary, I still don't have a right, malay mo iba pala yung ibig nyang sabihin. I hate assuming things. Kaya hinayaan ko nalang iyon. Kahit sa ikalaliman ng puso ko merong umaasa na sana parehas kami ng nararamdaman. Pero tulad nga ng sinabi ko ,ayokong mag assume baka masaktan lang ako at worst ay mapahiya. Kung same feelings kami idi magic. Matapos maluto ang adobong baboy at potchero ay naghain na kami. Tinulungan ako ng dalawa sa pag aayos na lamesa. Jyos ko pag ganito ba naman ka kisig ang mga kasama kung kumain. Siguro pati kaldero susubuin ko. "All set, tara kain na tayo" masayang anyaya ko sa kanila . Ba't ganon? Kapag kasama ko si Cidian,lagi nalang akong napapa mura tapos kapag hindi ko naman siya kasama parang ang bait-bait ko. Speaking of that guy , kumain na kaya yon? " Waine , ikaw mag lead ng prayer" usal ko " Huh? Bakit ako? Kailangan ba talagang mag pray sa tuwing kakain?" " Oo , dali na mag simula kana" " Si Shawn nalang total anghel naman yan" " Tarantado! Masusunog ako kapag ako ang nag lead ng prayer" " Ikaw na bwikangsyet-----" " Mariano, mag l-lead ka o pasasabugin ko yang bungo mo?" Ani ng baritonong boses mula sa pinto ng kusina. Ang boses na yon hindi ako pweding magkamali! Tangina Kay Cidian yon! Sabay kaming tatlong napalingon sa pinto ng kusina. And there he was slightly lining on the kitchens door. s**t, bakit ba bigla-bigla nalang tumitibok ng mabilis ang puso ko? Pati ba naman puso ko may damage? " Boss " kinakabahang wika ni Waine " Start the prayer now, Mariano, my agapi don't do eating without any prayer ,get that?" Usal nito at lumapit sakin. Sa subrang kaba ko ay hindi man lang ako nakapalag ng bigla nya nalang akong yakapin, shit Tumango naman si Waine at nagsimula ng mag pray. Honestly mukhang wala syang alam about praying.Tuturuan ko nalang toh kapag may oras " How are you, agapi? I miss you" bulong nito sakin habang nag p-pray. " Shhh, tahimik mamaya nayang tanong mo" saway ko sa kanya . May plano pa atang manlandi habang nag p-pray. " Kain na tayo?" Nakangiting wika ko sa kanila ng matapos mag pray. tumango lang ang dalawa habang si Cidian naman ay ipinahugot ako ng upuan. Akalain mo yon may pagka sweet din naman pala tong animals na toh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD