Jade's Point of View "Lahat ito pipirmahan ko?" gulat na tanong ko kay Noona. "Oo, na review ko na iyan pero kailangan mo ulit i-double check baka may nakaligtaan ako," sagot niya. Heto na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayokong maging President, mga tambak na papeles lang ang kaharap ko gaya ng ginagawa ni Dad. "Ang dami naman," reklamo ko. "Iyan ang trabaho ng President," sabi ni Noona. Naoatingin ako sa tumawa. "Anong tinatawa tawa niyo ah," inis na sabi ko sa Enigmatic Royalty. Pumunta sila dito para daw tignan ang pagiging President ko. "Nakakatawa ka kasi, stress na stress ka na hindi ka pa naman nagsisimula," sabi ni Skylar. "Eh ang dami," sabi ko pagkatapos binalingan ko si Noon. "Kasalan mo ito Noona, ikaw ang may gustong maging President ako." Natawa naman siya sa aki

