Jade's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula ng mabaril ako sa paa kaya magaling na ang sugat ko at pwede ko ng ipanlakad. Sa isang buwan maraming nagbago isa na doon si Hunter Hyung, hindi ko alam kung anong nangyari pero isang araw bigla na lang siyang umiiwas sa akin. Noon ang hahaba ng mga sagot niya sa akin kapag kaming dalawa lang pero ngayon halos hindi ko na siya makausap man lang. Lagi rin siyang madaling araw umuuwi hindi gaya noon na parati siyang nasa bahay at natutulog o kaya nagbabasa ng libro. Hindi ko na rin siya kasabay pumasok kaya ako na lang nag da-drive sa sarili ko, hindi na rin namin siya halos makasama sa lunch. Kapag naman tinatanong ko kung bakit parang umiiwas siya sa amin pero palaging wala ang sinasabi niya. Sa una hinahayaan ko lang siya baka

