Jade's Point of View Tapos na akong maligo at magbihis pero hanggang ngayon tulog pa rin si Hunter Hyung. Flashback "Jayden," tawag sa akin ni Jackson Hyung. "Bakit?" tanong ko. "May pakiusap sana ako," sabi niya. "Ano iyon?" tanong ko. "Room mate naman kayo ni Hunter pwede ba na kada umaga pakigising si Hunter, lagi kasi kaming na le-late sa kanya, tulog mantika kasi siya kaya mahirap gisingin, ayos lang ba sa'yo?" mahabang paliwanag niya. Nginitian ko naman siya. "Sure, akong bahala," sabi ko. End of Flashback Binigyan ako ng task kagabi ni Jackson Hyun kaya dapat magawa ko iyon. Lumapit ako sa kanya at niyugyug siya. "Gising na Hyung," sabi ko sa kanya pero umungol lang siya, inulit ko pa ang paggising sa kanya pero hindi siya nagigising na kinainis ko. "SABING GUMISING KA NA

