Sofia Nasa biyahe na sila papuntang Batangas. Kasama niya si Adrienne ngayon. Maaga na silang umalis ng kaniyang nobyo. Madaling araw pa lang ay bumiyahe na sila. Mga pasado alas singko ay umalis na sila ng mansiyon. Nabalitaan niya rin na namatay ang kanilang kamag-anak dahil sa kidney failure. Nag-text ang kaniyang pinsan sa kaniya. Ang pinsan niyang babae na mas bata sa kaniya ang laging nag-a-update sa kaniya ng mga balita doon sa kanilang lugar. Noong bata pa ang kaniyang pinsan ay napaka tsismosa na nito. Ganoon kasi ang environment na kinalakihan nito doon kaya naman na-adapt na nito ang ugaling 'yon. Binilhan niya rin ang pinsan niyang si Sheenalyn ng regalo dahil last week ay nag-birthday ito. Sa online shop lang siya bumili ng regalo rito. Pabango saka sling bag ang regalo ni

