Chapter 3

2792 Words
Sofia "What!? Are you out of your mind, Sofi? Nakipag-one night stand ka kagabi sa isang lalaking hindi mo naman kilala?" malakas na tinig ng kaniyang kaibigan na si Loisa sa kabilang linya. Pinag-isipan niya talaga kung paano sasabihin sa kaibigan ang nangyari sa kaniya kasama ang estrangherong lalaki sa isang hotel. Dala ng samu't saring emosyon dahil sa nangyari sa kanila ng kaniyang dating nobyo kaya humantong siya sa ganoong sitwasyon. Hindi makapaniwala si Loisa sa sinabi niya. Gulat na gulat ito sa ibinalita niya sa kaibigan. Nahihiya man siyang sabihin sa kabigan ang kaniyang ginawa, hindi niya ito malilihim ng matagal. Saka kapag may nililihim siya sa kaibigan ay para bang mabigat ang nararamdaman niya. Hindi kasi sila naglilihim ng mga sikreto sa isa't isa. Open silang dalawa sa mga personal na bagay. Mahirap man para sa kaniya ang totoong nangyari sa kaniya kagabi, kailangan niyang magpakatotoo sa kaibigan kahit pa husgahan siya nito sa ginawa niya. "Oo, Lois. Ewan ko ba kung anong nangyari sa 'kin. Basta lasing na lasing ako kagabi. Alam mo na. Masyado pa ring broken hearted ang lola mo. Kaya ayun, nagpakalunod lang naman ako sa alak kagabi. Tapos nakita ako nu'ng gwapo sa bar na umiiyak. Hanggang sa 'ayun, niyaya ko siya kagabi para makalimutan na si Gerald," mahabang paliwanag niya sa kaniyang best friend na si Loisa. Alam niyang sesermunan siya nito dahil sa kagagahang ginawa niya kagabi. Kung nandito lang ang kaniyang kaibigan ngayon sa Maynila, talagang mayayari siya rito. Ngunit ayaw niya namang itago sa kaniyang matalik na kaibigan ang nangyari sa kanila ng guwapong estranghero kahit pa isa itong kahihiyan sa kaniyang part. At saka hindi niya rin kayang sarilinin ang sikretong iyon na panghabang buhay ng gugulo sa kaniyang isipan. Wala na talaga siya sa tamang huwisyo kagabi kaya kung anu-ano na lang ang pumasok sa utak niya. Sinisisi niya ang alak at ang kaniyang ex boyfriend kung bakit niya iyon nagawa. Pati na rin ang kaniyang traydor na best friend. Nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari sa kaniyang relasyon. Nahihirapan siyang tanggapin na gano'n-gano'n na lang masisira ang relasyon nila ng kaniyang long time boyfriend. Dala ng desperasyon na makalimutan ang kaniyang ex. Kaya humantong sa ganoon. Kapag pala labis na nasaktan ang isang tao, makakagawa ito ng mga bagay na hindi nito lubos aakalain na magagawa nito sa kaniyang buong buhay. Katulad ng kalokohang pinasok niya kagabi. Itinapon lang naman niya ang sarili sa lalaking hindi niya alam ang buong pagkatao. Kung sober siya kagabi, malamang rational ang pag-iisip niya. Ngunit naparami siya ng inom. At first time niya pang uminom sa buong buhay niya ng alak. Saka hard kasi ang ininom niya kagabi kaya naman malakas ang tama sa kaniya ng alak. Hindi na kasi niya napigilan ang sarili niya. She looked wasted last night. She embarrased herself in front of that man. She looked so stupid and pathetic. "Hay nako, Sofi. Malaking pagkakamali 'yang ginawa mo. Wala ka na bang respeto para sa sarili mo? Saka hindi mo kailangang maging desperada para makalimutan si Gerald. Nababaliw ka na ba? Paano kung mabuntis ka? Hindi mo naman mahahabol 'yung lalaki dahil hindi mo naman kilala." "Huwag kang mag-alala, Lois. Hindi niya ako mabubuntis dahil nagkontrol naman siya," tugon niya sa kaibigan para mapanatag ang kalooban nito. "Saka medyo okay na ako. Kahit papaano gumaan 'yung pakiramdam ko. Alam mo 'yung feeling na may concern sa 'yo kahit hindi naman kayo magkakilala? Na-feel ko sa kaniya 'yon. Saka wala naman akong pinagsisisihan sa nangyari sa 'min." "Eh, paano kung may sakit ang lalaking iyon? Eh, 'di nahawa ka na? Hay nako, Sofi. Minsan hindi ka talaga nag-iisip." Alam niyang mali ang kaniyang ginawa. Na maling ibinigay niya ang kaniyang katawan sa lalaking hindi niya naman kilala. Sobrang mali talaga ng kaniyang ginawa. Dahil hindi niya inisip ang magiging consequence no'n. Pero wala na siya sa tamang pag-iisip kagabi para isipin kung ano ba ang tama o mali. She wanted him. To erase the pain in her heart. Basta ang alam niya lang ay nasasaktan siya. At gusto niyang mabawasan 'yung sakit na dinulot ng panloloko ng kaniyang ex boyfriend. At ang pagtatraydor sa kaniya ng kaniyang childhood best friend. Sa dinami-dami ng tao sa mundo ay si Katrina pa talaga ang magtatraydor sa kaniya. Hindi lang kasi isang matalik na kaibigan ito para sa kaniya. Dahil wala siyang kapatid, itinuring niya na ito na para niyang tunay na kapatid at parang isang kakambal na rin. Dahil noong bata pa sila ay maraming nagsasabi na may hawig daw silang dalawa. Never pa silang nag-away nito. At hindi niya aakalain na masisira ang kanilang pagkakaibigan dahil sa isang lalaki. Napabuntong-hininga ang kaniyang kaibigan. Ganoon talaga si Loisa sa kaniya. Animo'y ate niya ito kung sermunan siya kapag may kagagahan siyang nagawa. "Basta tawag ka lang sa 'kin kapag may problema. Okay? I-cha-chat kita mamaya, Sofi. Tinatawag lang ako ni mudra." "Okay, Lois. Ingat ka diyan lagi. Chat na lang tayo mamaya." Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari sa kanila ng gwapong lalaking iyon na may foreign blood. Kahit naman sinong babae ay makikipagpalit sa puwesto niya kagabi. Ngunit hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Sa tingin niya kasi iyon lang ang makakapawi nang sakit ng kaniyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Mukhang may pag-aalinlangan pa nga sa gwapong lalaking iyon dahil lasing na lasing siya at ayaw nitong i-take advantage ang kaniyang kalasingan. Ngunit nagpumilit lamang siya na makasama ito kagabi. Na angkinin siya nito. She was very intoxicated last night. But the way he looked at her. It felt like something real. Like she's the best thing he had ever seen. And it sent butterflies to her stomach. He's looking at her like she's a masterpiece. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Lalo na nang mag-isa ang kanilang katawan. She thought that maybe it's not just a one-night stand to him. She felt that he genuinely cared for her. Na may ibig sabihin ang mga kilos nito kagabi. From the way, he looks at her, his gentleness towards her last night. Ugh. She can't be in love with someone she just had a one-night stand. Can she? Ang ending ay masyadong masakit ang kaniyang buong katawan. Lalo na ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Siguro naman hindi na ganoon kasakit ang kaniyang katawan bukas. Ayaw niyang may ibang tao na makapansin na hindi normal ang kaniyang kinikilos. Para itong halimaw sa kama nang tumagal. Bihasang-bihasa ito sa ginagawa nito sa kaniyang katawan. Kakaibang pakiramdam ang kaniyang naranasan kagabi sa piling ng gwapong estranghero. Unti-unti siyang nag-enjoy sa ginagawa sa kaniya ng lalaki. Hindi niya alam na may ganitong side pala siya. Natatawa na lang siya sa kaniyang sarili. Kung hindi pa siya niloko ng kaniyang ex ay hindi niya mararanasan ang kakaibang sarap na naranasan niya kagabi. Dapat yata siyang magpasalamat sa walang-hiya niyang ex. Dahil hindi niya mararanasan ang bagay na iyon sa piling ng isang gwapong estranghero kung hindi siya niloko. Dinala siya nito sa langit. And he's insanely hot and gorgeous. Hinding-hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. May parte ng kaniyang isipan na umaasa na muli silang magkikita nito kahit mukhang imposibleng mangyari. Pakiramdam niya kasi ay hindi naman talaga nakatira rito sa bansa ang gwapong lalaking iyon. Inayos niya na ang kaniyang sarili dahil hindi na kanais-nais ang kaniyang hitsura. Habang nasa loob siya ng bathroom ay tiningnan niya ang kaniyang buong katawan sa malaking salamin sa loob ng banyo. Nandoon pa rin 'yung marka na iniwan ng lalaki sa kaniya mula sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Hindi naman siya nabahala dahil mawawala rin naman iyon. Hindi dapat malaman ng kaniyang ina ang kagagahang ginawa niya kagabi. Hindi nito dapat malaman na ang nag-iisa niyang prinsesa ay may ginawang kalokohan kasama ang lalaking hindi naman niya kilala kagabi. Paniguradong kapag nalaman nito ay magugulat ito at magiging emosyonal ito sa kaniyang harapan. Kaya naman tanging si Loisa lang ang pinagsabihan niya ng nangyari sa kaniya. Dahil bakasyon niya pa rin naman. Maghapon siyang nagtigil sa sarili niyang condo na binili ng kaniyang mommy noong siya ay first year student sa kilalang university na pinapasukan niya ngayon dito sa Maynila. Nanuod siya ng mga movie sa isang kilalang online movie platform kung saan puwedeng mapanuod ang mga latest movie ngayon. Para naman hindi siya ma-boring. Ang kaniyang mga malalapit na kaibigan sa university na kaniyang pinapasukan ngayon ay nagbabakasyon sa ibang bansa. Kaya wala siyang kaibigan na bibisita sa kaniya ngayon sa kaniyang sariling condo. Ang huling punta niya sa ibang bansa ay last year pa. Nagpunta sila ng kaniyang ina sa Hong Kong Disneyland. Sobrang memorable ang Disneyland trip nilang iyon dahil noong bata pa lang siya ay pangarap niya ng makapunta roon. Tinupad ng kaniyang ina ang pangarap niya noong bata pa siya. Her three year old self was so happy. Matagal ng OFW ang kaniyang ina sa bansang Singapore. Mababait ang amo ng kaniyang ina kaya naman nawili ito sa bansang iyon. Na-mi-miss niya na rin ang kaniyang mommy. Ang sabi nito ay ngayong taon daw ito uuwi ng bansa. Miss na miss na rin ito ng kaniyang lolo't lola. Ang kaniyang ina rin ang sumusuporta sa kaniyang lolo't lola sa pang-araw-araw na gastusin ng mga ito tulad ng pagkain at pang-maintenance na gamot. May mga kapatid naman ang kaniyang ina pero may mga pamilya na ang mga ito. At ang kaniyang ina naman ang bunso sa mga magkakapatid. Malaki ang sakripisyo ng kaniyang ina para sa kaniya at sa pamilya nito. Kaya naman kapag nakatapos siya ng pag-aaral ay patitigilin niya na sa pagtatrabaho ang kaniyang ina. Tutal wala na naman itong pag-aaralin pa dahil nag-iisang anak lang naman siya nito. Nag-chat sa kaniya ang kaniyang kaibigan na si Loisa habang nasa kalagitnaan siya ng panunuod ng Chinese drama. Loisa: Sofi, alam mo ba, official na ang dalawang traydor sa social media. Nag-post lang naman si Katrina ng picture nilang dalawa ni Gerald na sobrang sweet sa social media account niya. Hindi na siya nagulat sa nabalitaan niya sa kaniyang kaibigan. Expected niya na naman iyon na ibabalandra na ng dalawa sa kani-kaniyang social media account ang tinatagong relasyon ng mga ito. Nandoon pa rin ang sakit na dinulot ng dalawa sa kaniya. Hindi agad-agad mawawala ang sakit na dinulot ng mga ito sa kaniya. Pero wala na siyang pakialam sa kung anu man ang gusto ng mga iyon na mangyari sa buhay ng mga ito. Basta ang gusto niya lang ay hindi na siya guguluhin ng mga ito. Nawalan man siya ng boyfriend at matalik na kaibigan, alam niyang may dahilan kung bakit iyon nangyari sa kaniya. Saka hindi na lang niya iisipin na siya ang nawalan. Dahil naging mabuti siyang girlfriend kay Gerald. At naging mabuti siyang kaibigan kay Katrina. Kahit na malaki ang kasalanang ginawa ng mga ito sa kaniya ay hindi niya isusumpa ang dalawa para makaganti siya sa ginawa ng mga ito. Sa halip, siya na lang ang lalayo at iiwas. Sofi: Si Katrina pa ba. Malamang kating-kati na ang babaeng iyon na ipangalandakan sa buong mundo na boyfriend niya na si Gerald. Saka hayaan mo na sila. Ayokong mag-aksaya ng oras sa kanila. Not worth my time. Loisa: Tama ka diyan, gurl. Hindi na dapat pinag-aaksayahan ng oras ang mga walang kwentang tao. Na-miss agad kita, Sofi. Ba't kasi umalis ka kaagad, eh. Hindi tuloy kita mayayang mag-swimming sa dagat ngayon. Sofi: Hayaan mo babawi ako sa 'yo sa susunod. Kailangan ko lang talaga munang lumayo sa kanila. Kapag kasi nandiyan ako babalik lang sa ala-ala ko 'yung mga nangyari. Alam mo naman na hindi pa ako totally nakaka-move on. Hindi naman kasi talaga ganoon kadaling mag-move on. Lalo na at tumagal din ang relasyon nila ng kaniyang ex boyfriend ng mahigit seven years. Naging komportable siya sa kanilang relasyon ni Gerald. Masyado siyang nagtiwala sa lalaki. At wala siyang kamalay-malay na matagal na siya nitong pinagtataksilan. Matapos ang nangyari ay para bang nagbago ang tingin niya sa mga lalaki ngayon. Kaya naman natatakot na siyang magtiwala at maniwala na may magmamahal pa sa kaniya ng tapat at totoo. Ayaw niya na munang sumugal muli. Masyadong magulo ang buhay pag-ibig. Maraming ups and downs. At hindi naman siya nagmamadali na palitan ang kaniyang ex sa kaniyang puso. Unti-unti niya rin itong makakalimutan. Ipagdarasal niya kay Lord na mag-heal agad ang kaniyang pusong nasaktan. Knowing God is in control of her life. Everything is in His hands. Hindi niya na muna iisipin ang mangyayari sa future. She knows that everything has a reason why some things happened. Hindi muna siya papasok sa isang relasyon hangga't hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat na iniwan sa kaniya ng kaniyang nakaraan. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay nabawasan 'yung sakit na kaniyang nararamdaman dahil nailabas niya ang kaniyang sama ng loob kay Loisa. Saka sa gwapong lalaki na nakilala niya sa bar na nagparamdam ng concern sa kaniya. Bumalik na naman sa kaniyang isipan ang itsura ng lalaki. Hindi niya talaga masabi kung may lahi ba itong Pilipino dahil hindi naman ito mukhang half. Mukha itong full blooded American na marunong lamang mag-Tagalog. Marahil ay iyon na ang language na kinalakihan nito sa ibang bansa. Kaya nasanay na ito sa pagta-Tagalog. He has deep brown eyes. His lips are so lush. Dinama niya ang kaniyang labi na halos panggigilan nito kagabi. He stands 6 ft 2 inches. Napakatangkad nito sa kaniya. He's towering everyone that night. She was just 5 ft 5 tall. He has thick dark brown hair. He has a straight nose. He has a dimple. Na mas lalong nakakaakit kapag ngumingiti ito. He has a set of perfect white teeth. He seemed mysterious and so calm. Para bang wala itong pakialam sa mundo. Na ang tanging goal lang nito noong gabing iyon ay ang paligayahin siya at pawiin ang laman ng kaniyang isipan. Pinaparamdam nito na habang nasa tabi niya ito, walang mangyayaring masama sa kaniya. Na walang pwedeng manakit sa kaniya. She felt safe and secure in his arms. Nakatulog nga siya ng mahimbing habang nakasandal ang kaniyang ulo sa balikat nito. Para bang may malalim na silang pinagsamahan kaya naman naging komportable sila sa isa't isa noong gabing iyon. Kahit na iyon lamang ang unang pagkakataon na nagtagpo ang landas nilang dalawa. Napailing siya. It was just a chance encounter. Malabo pa sa malabo na magkita silang muli nito. Kung nasaan man ngayon ang lalaki, sana ay hindi ito galit sa kaniya. Dahil hindi niya ito kayang harapin matapos na may mangyari sa kanila. Lalo pa't masyado siyang naging agresibo. Kung siguro matagal na siya nitong kakilala ay malamang pagtatawanan siya nito. Sino ba namang mag-aakala na magagawa niya ang bagay na iyon? Kilala siya sa kanilang lugar na masyadong mahinhin at hindi makabasag pinggan. She's conservative AF! Hindi siya kailanman nagsuot ng provocative na damit. Kaya magugulat ang kung sino mang kakilala niya kapag nakita ng mga ito ang transformation niya kagabi. At mas lalong masa-shock ang mga tao kapag nalaman ng mga itong nakipag-one night stand lang naman siya sa taong hindi niya kilala. Pero ibang Sofia na ang ipapakita niya sa mundo. Gusto niya ng makalimutan ng mga tao ang dating Sofia. She would wear whatever she wants to wear from now on. Hindi na siya makikinig sa mga sasabihin pa ng ibang tao. Wala na iyong halaga sa kaniya. She wants to free herself. Gusto niyang gawin ang kung ano man ang makakapagpasaya sa kaniya. Hindi na siya matatakot ma-judge dahil ganito siya. Ayaw niyang habangbuhay na lang siyang magpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao sa kaniya. Hindi naman siya pinapakain ng mga ito. She should care less about what other people think about her. Hindi naman talaga mawawala ang mga judgemental na tao sa mundo. So what kung hindi na siya pure? Hindi na naman siya magpapaka-demure. Katawan niya naman ito. And it's her life. Her choices. Ang mahalaga ay wala siyang natatapakang tao. At wala siyang sinisirang relasyon. All her life she compared herself with others. She didn't find herself attractive enough, beautiful enough, smart enough, and stuff. Ang tanging lalaking nagparamdam sa kaniya na siya ang pinakamagandang babae na nabubuhay sa mundo ay niloko lang siya. She thought that she was enough for him. That she was his everything he'd ever wanted in his life. But she was replaced in his heart that easily. Hindi niya kailanman inakala na magagawa iyon sa kaniya ni Gerald na naging parte na ng kaniyang pamilya. Her family were welcoming to him. Kahit pa mga bata pa sila noong nag-start sila ng relasyon, hindi naman ito pinagtabuyan ng kaniyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD