Sofia "Bye, Sofi. Mag-iingat ka," ani Adelle sa kaniya. "Ikaw din. Hindi ka ba susunduin ni Sir Daryll?" tanong niya sa kaibigan. "Kaka-out niya lang din sa trabaho. Sabi ko huwag niya na akong sunduin," anito. Buti pa sila araw-araw magkasama. Bulong niya sa kaniyang isipan. Na-mi-miss niya na talaga si Adrienne. Napabuntong-hininga siya. Sana ay makauwi na ito ng bansa. Hindi niya kayang mahiwalay ng matagal sa kaniyang nobyo. Inaabala na nga lang niya ang kaniyang sarili para hindi siya malungkot ng husto. Pauwi na sila ngayon ni Adelle. Parehas silang nag-overtime. Straight 12 hours duty siya ngayon tutal holiday naman. Wala siyang pasok kanina sa eskuwelahan. Kaya sinamantala niya na. Saka para pag-uwi niya matutulog na lang siya. Malungkot kasi sa bahay dahil mag-isa lang siya

