Sofia "Ba't ang tahimik mo ngayon?" tanong sa kaniya ni Adelle habang nanananghalian sila nito. Sinigang na baboy ang ulam na niluto para sa kanilang tanghalian. Napatingin siya rito. "Ha?" "Sabi ko ang tahimik mo kanina pa. Ang seryoso rin ng mukha mo." "Ah, wala 'to. Okay lang ako," aniya at ngumiti sa kaniyang kaibigan. Matapos nilang kumain ng lunch ay bumalik na sila sa loob para mag-duty. Mamaya kasi ang date nina Adrienne at ng pinsan niyang si Luna. Kaya kanina niya pa naiisip iyon. Ewan niya ba kung bakit siya naaapektuhan. Bakit parang ayaw niyang maging masaya ang dalawa? Nawala siya sa mood kanina nang mabasa niya ang post ng kaniyang pinsan sa social media account nito. Kilig na kailig kasi ang bruha at hindi na makapaghintay para sa date nila ni Adrienne. Gabi pa an

