Chapter 30

1748 Words
Adrienne Full support siya sa kaniyang kaibigan na si Alastair sa career nito ngayon as a commercial model. Hindi niya inaasahan na kakarerin ng kaniyang kaibigan ang pag-mo-model. Back in the States, pa-chill-chill lang ang kaniyang kaibigan. He's the most chill person he ever met. Kalmado lang ito palagi kahit na sa anong sitwasyon. Wala itong goal sa buhay noon. Ine-enjoy lang nito ang buhay single. Nightlife. Kabi-kabilang house parties. Hooking up with hot chicks. At kung anu-ano pa dahil wala itong magawa sa buhay nito. Pero naging all star athlete ito noong high school. He's very competitive in sports. Naging coach nito ang daddy nito noon. Ngunit bigla na lamang itong huminto nang ma-injured ito. Saka parang nawalan ito ng motibasyon noon. Pero kung tutuusin ay may future ang kaniyang kaibigan na maging matagumpay sa sports kung nagtuloy-tuloy lang sana ito noong gumaling ito sa tinamong injury noon. Ilang buwan matapos nitong magka-injury ay hindi na ito naglaro ng sports. Magaling ang kaniyang kaibigan sa American football, sa basketball, baseball, rugby, etc. Bata pa lang ay kinahiligan na nito ang sports tulad ng ama nito na magaling sa lahat ng sports. Sa bansang kinalakihan niya kasi ay maraming athletic at talagang passion ang sports. Kaya naging sporty din siya noon. Ngunit bigla namang nagbago ang ihip ng hangin ngayong nandito na ito sa bansa. He was willing to try new and different things. And get out of his comfort zone. Sa tingin niya naman ay nababagay sa kaibigan ang ganitong career. Marami na itong naging kaibigan sa modelling industry. Pati na rin ilang personalidad sa entertainment industry. "Ayos ba, bro?" tanong ng kaniyang kaibigan habang nanalamin ito. Nako-conscious kasi ito sa suot nitong casual attire para sa casting nito sa isang kilalang brand ng damit. "Yeah. Okay lang. Ayos na ayos nga, eh," tugon niya sa kaibigan habang pinagmamasdan niya ang ayos nito. Nakapag-shoot na ito ng ilang tv commercial para sa isang kilalang bangko sa bansa, resort, saka sa isang sikat na fast food chain sa loob lamang ng ilang linggong pananatili nito sa Pilipinas. Kahit pa wala itong karanasan sa pagmomodelo ay mabilis nitong natutunan ang tamang skills bilang isang commercial model. Willing pa itong matuto ng mga bagay na hindi pa nito nalalaman pagdating sa pagiging isang commercial model. He's a natural on tv. Marunong mag-project sa harap ng camera. Parang natural na natural lang. Na kailanman ay hindi niya kayang gawin. And he has a slender, toned body shape that fits for a male model physique. Hanga siya sa kaniyang kaibigan dahil talagang nag-e-effort itong mapangalagaan ang magandang pangangatawan nito. Saka nakatulong dito ang pagiging vegan nito. Ilang buwan ng puro gulay at prutas lang ang kinakain nito. It was hard at first for his friend. Dahil nanibago ang katawan nito. Hinahanap-hanap nito ang pagkain ng karne. Ngunit pursigido ang kaniyang kaibigan na maging vegetarian. Inuudyukan nga siya nito na maging vegan na rin tulad nito. Siya man ay hirap sa lifestyle ng kaniyang kaibigan. Hindi niya kayang puro gulay lang ang kaniyang kakainin sa buong maghapon. Baka maging kambing na siya no'n. Nasubukan na niya noon na maging vegan pero hindi naman siya naging consistent. Dahil hinahanap-hanap niya pa rin ang mga karne. Hindi niya kayang mabuhay ng walang kinakaing karne. Hinahanap-hanap pa rin ito ng kaniyang katawan. Mahirap ng baguhin ang nakasanayan na. Proud siya sa determinasyon ng kaniyang kaibigan. Hindi ito takot na subukan ang mga bagay na hindi pa nito naranasan noon. Ang sabi nga nito ay wala namang mawawala kung susubukan nito ang offer ng lalaki na pasukin nito ang modelling industry sa bansa. "Bakit hindi mo rin subukan ang pag-mo-model? I'm sure my manager would sign you up immediately," wika ng kaniyang kaibigan. "Nah, dude. Ikaw na lang," tugon niya. Hindi kailanman sumagi sa kaniyang isipan na pasukin ang modelling industry. It's a grueling process. Masyadong kumakain ng oras. Maraming proseso. Nakaka-drain ng energy. Na-witness niya ang lahat ng iyon sa pagsama-sama niya sa kaniyang kaibigan dahil wala naman siyang gagawin sa kaniyang condo. Kaya ayaw niyang pasukin ang modelling industry dahil doon. Saka ang goal niya ay makapagtapos ng pag-aaral. His English-speaking classmates doesn't giving him a hard time in class. Hindi naman siya ganoon kagaling magsalita ng Tagalog. Kapansin-pansin pa rin ang kaniyang American accent kapag nagsasalita. Ngunit wala naman siyang problema na makipag-communicate sa iba pa niyang kaklase. May mga nakilala rin siya sa kanilang university na may mga dugong banyaga tulad niya. At least he's not out of place in class. Wala siyang balak na pasukin ang modelling o ang entertainment industry dito sa bansa. It's not his thing. Hindi niya gusto ang atensiyon. Ang mag-project sa camera. Kailanman ay hindi niya iyon pinangarap. He want to stay out of the limelight. Sa pananatili niya sa bansa ay nagkaroon siya ng kapayapaan ng pag-iisip. Kapag kasi nasa L.A. siya, madalas niyang maalala ang kaniyang dating kasintahan. 'Yung mga bagay na ginagawa nila noon. Saka mas lalo siyang nalulungkot kapag bumibisita siya sa mansiyon. Dahil sa mga ala-ala niya kasama ang kaniyang lolo't lola. Wala siyang pamilyang uuwian. And that's the sad part. Mahirap mamuhay ng walang pamilyang inuuwian. Kaya naman mas pinili niyang manirahan kasama ang kaniyang mga kaibigan. Kagabi ay kausap niya ang kaniyang mga kaibigan na sina Charles at Cole. Kinukulit niya nga ang mga ito na mag-spend ng oras dito sa Pilipinas. Dahil hindi pa nakakapunta ang mga ito sa kahit na sa anong bansa dito sa Asya. Paniguradong magugustuhan ng mga ito ang bansa dahil may pagka-adventurous ang kaniyang mga kaibigan. Nangako naman ang dalawa na bibisitahin siya at si Alastair ng mga ito ngayong taon. Nagulat nga ng mga ito nang malaman na isa ng ganap na modelo ang kanilang kaibigan na si Alastair. Hindi makapaniwala ang dalawa ngunit proud ang mga ito kay Alastair. Dahil nagkaroon na ito ng purpose sa buhay. Gusto nito ang ginagawa nito. Napaka-supportive din nina Charles at Cole sa kanilang dalawa ni Alastair. Inuudyukan nga siya ng mga ito na mag-modelo na rin. Baka sa modelling industry niya raw matagpuan ang kaniyang "the one". Natawa siya sa sinabi ng mga ito. Pero katulad nga ng sinabi niya, wala siyang planong maging isang modelo. Kuntento na siya na nagkaroon siya ng opportunity na makapag-aral sa kilalang university dito sa Maynila. Matapos ang casting ng kaniyang kaibigan ay nagyaya ito sa isang bar sa BGC. Umoo naman siya. Isa sa mga dahilan kung bakit niya gustong pumunta roon ay dahil baka nagbabaka sakali siyang makikita niyang muli ang babae. Ang nag-iisang babae na naka-one night stand niya sa Maynila. Ang nag-iisang babae na pumukaw sa kaniyang atensiyon. Marami mang babae ang nagpapapansin sa kaniya dito sa Maynila, still, nothing compares to her beauty. His friend Alastair introduced him to his fellow commercial models here. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi siya nagkaroon ng interes. Ewan niya ba. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang magandang babaeng iyon. Ngayong nasa Pilipinas siyang muli ay hindi naman nagtatagpong muli ang kanilang landas. Kinakantiyawan na nga siya ng kaniyang kaibigan na kalimutan na ang babaeng iyon. Marami pa naman daw na magagandang chicks dito sa bansa. Ngunit gusto lamang ng mga ito na makipag-flirt sa kaniya. "Nice to meet you, Tracy," wika niya sa isang modelo na ipinakilala ni Alastair sa kaniya na nagkataong nandito rin sa bar kung saan sila naroon ng kaibigan. Model na model talaga ang itsura nito. Kahit pa simple lamang ang suot nito ngayon. Black sleeveless sando at mini denim skirt na nagpalitaw sa mahahaba nitong mga binti. "Nice to meet you too, Adrienne. You're handsome," komento nito sa kaniya. Ngumiti naman siya sa babae. "Thanks, Tracy. You're beautiful." Lumawak naman ang pagkakangiti ng babae. Maganda ang babae. She's tall and skinny. Napakaputi nito. She has a nice features, nice hair and great smile. Kabi-kabila ang billboard nito sa Edsa. Napanuod niya na rin ito sa ilang tv commercial. Isa ito sa mga naging close ng kaniyang kaibigang si Alastair. Hindi niya alam kung higit pa sa pagkakaibigan ang meron sa mga ito. But knowing his friend, marami itong friends with benefits sa L.A. Nakakuwentuhan niya ng matagal si Tracy nang iwan siya ng kaniyang kaibigan sa table kasama ang babae. She's very friendly. At may sense itong kausap. Matagal ng modelo si Tracy dito sa Pilipinas. Half British ito. Ang ama nito ay isang Briton at ang ina nito ay isang Pilipina. Marami talagang half Filipino model sa bansa. Pinasok raw nito ang pagmomodelo ng magkasakit ang ina nito. At nagkaroon ng financial problem sa pamilya nito dahil ang ina lang nito ang nagsusuporta sa pamilya nito. Naikuwento nito sa kaniya ang pinagdaanan nito bilang isang modelo sa bansa. "I attend a lot of castings in my commercial modelling career. Pero hindi lahat nakukuha ko. Rejection is a huge part of the process. The industry is fiercely competitive. Mararanasan mo talaga ang rejection. But I don't take it personally," nakangiting wika ni Tracy. Tumangu-tango siya. Hindi pala talaga ganoon kadali ang buhay sa modelling industry. Lahat ng mga modelo ay nakakaranas ng rejection araw-araw. She attends as many castings as possible. She got used to rejections. Ngunit hindi sumuko si Tracy. Dahil matindi ang pangangailangan ng pamilya nito. Her family's financial problem became worse when her mother was involved in a vehicular accident. Her mother had to undergo emergency surgeries and was hospitalized for months. Hiwalay na ang mga magulang nito kaya naman kumakayod ito para sa pamilya nito dahil ito ang panganay sa pamilya. Naka-focus ito sa pamilya nito at pag-mo-model kaya naman single pa rin ito hanggang ngayon. He admired her because she's a strong woman. 'Yung tipong gagawin ang lahat para sa pamilya kahit pa isakripisyo ang pansariling kaligayahan. "But my mom is okay now. Nagpapagaling na siya sa bahay," wika nito. "Mabuti naman kung gano'n," tugon niya. "Bakit hindi mo subukan ang modelling dito sa bansa?" tanong sa kaniya ni Tracy. "You have the looks of a model." "Ahm...I don't really want to be a model," tugon niya kay Tracy. "I'm here to study in Manila." Marami talagang nagsasabi sa kaniya na mag-modelo siya rito sa bansa. They're trying to convince him to give modelling a shot. Naniniwala ang mga ito na sisikat siya at magiging matagumpay sa modelling industry. Pero hindi pa rin siya interesado kahit ano'ng gawin nilang pangungumbinsi sa kaniya. Ipinagyayabang pa ng kaniyang kaibigan na marami itong nakikilalang naggagandahang modelo sa bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD