Sofia Abala pa rin siya sa paghahanap ng part time job ngayon. Iyong mga pinasahan niya kasi ng trabaho online ay wala pa ring paramdam sa kaniya. Wala man lang text o tawag kung kelan sila tatawag sa kaniya para sa naturang trabaho. Ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. "Bakit kasi kailangan mo pang maghanap ng part time? Eh, mayaman naman ang tito Albert mo," wika ni Kaori habang naglalakad sila papuntang canteen. "Ayoko kasing umasa sa pera niya. Gusto kong ipamukha sa anak niya na hindi ako interesado sa yaman ng pamilya nila," paliwanag niya kay Kaori. "Grabe naman 'yung anak niya. Hayaan mo, tutulungan kita sa paghahanap mo ng part time job. Baka maipasok ka ng kakilala ko sa Japanese restaurant. Kaibigan ni daddy 'yung may-ari. May branch din sila dito sa Q.C." "Tala

