Tahimik lang kaming dalawa ni Maddie na papasok sa unit niya. Naisipan niya kasi na rito na lang daw ako matulog after what happened kanina. Mukhang apektadong-apektado talaga siya sa mga nangyayari. Doon ko lang nalaman na matagal na pala silang wala pero ngayon lang naghabol ang asong ulol na iyon. Ngayon lang din kasi ito nakauwi kung saan man siya nanggaling. Sa lahat ng past relationship niya, mukhang itong huli ang mahirap kalimutan para sa kaniya lalo na't panay litaw naman ang ex niya sa kung saan man siya naroon. Hindi dahil sa mahal pa nito kundi lagi itong nagpapansin sa kawawang best friend ko. "Are you okay?" ’Di ko napigilang itanong sa kaniya after kong marinig ang malakas na pagbuntong hininga nito matapos umupo sa sofa. "Can you sleep beside me?" Malungkot na tanon

