Ano bang meron ngayong araw na’to? It's the ‘big-day’! Ang big day kung saan matagal na namin pinaghirapang gawin. Finally, ngayon na mangyayari. Mamayang gabi na kasi iyong big event ni Xian. Ngayon ko lang din nalaman na invited din pala ang family ko at sina tita kaya pala naghahanda sila sa susuotin nila. Akala ko kasi ibang party ang dadaluhan nilang dalawa eh. Kaya pala noong time na sinamahan ko si mommy kina tita ay excited ang mga ito dahil nga sa event na mangyayari pala mamaya. Nakalimutan ko na same circle lang pala kami ni Xian kaya pala invited din sila. Pero ‘di ko alam na iyong anniversary na a-attend-dan nila ay iyong sa parents nito. Sa pagkakaalam ko kasi ay sa anniversary ng charity na tinutulungan nilang dalawa sila dadalo. Halos mabatukan nga ako nina Marga nang mala

