"Napaaga ata uwi mo." Napaayos naman ako ng upo dahil ngayon lang may nagsalita sa aming apat matapos mangyari ang gulatan at awkwardness kanina sa Time Zone. Nasa resto kami ngayon, kumakain ng dinner namin ngayon. Actually, kanina pa talaga ako hindi mapakali. After niyang biglang sumulpot sa kung saan ay hindi na talaga ako nagsalita. Buti na nga lang ay nakatuon ang atensyon ng bata sa mommy niya. Thanks din kay Dana dahil nagsalita rin siya. Mukhang nakaramdam siya na nagpapakiramdaman lang kami ni Dianne. "Mama? Can I have some?" Baling naman ng bata nang makitang ‘di ko na ginagalaw iyong dessert ko. Nabusog na rin naman kasi ako. Ayoko na ring kumain ng marami baka isuka ko lang. Naku-conscious din ako kasi ramdam ko rin ang tingin ni Dianne sa akin habang kumakain

