CHAPTER 4: ALMOST

2284 Words
Mukhang gustong isiwalat sa publiko ang mangyayari sa araw na iyon para na rin siguro isahang pakita na. Para hindi na siguro sila sasagot sa mga katanungan na ibabato sa kanila dahil maipapakita na rin naman sa media. Knowing about showbiz business. Masyado nilang pagtutuonan ng pansin lahat ng mga kilalang pamilya sa bansang ito. Sabagay, iyon ang trabaho ng iba at iyon naman din ang pinagkikitaan ng iba kaya natural na ganoon talaga. Nakakakaba lalo, knowing maraming kilalang tao ang pupunta.   "At ako rin?" tanong ko.   Natawa naman siya dahil sa naging tanong ko sa kaniya. Halatang guilty ang loko sa way ng pagtawa niya. Ang drama niya, kung alam ko lang, edi sana, hindi ako nahirapan mag-isip para saan ba talaga itong event na pinagkakaabalahan namin. Aish! Madali na sana ang lahat sa amin kung sinabi niya ng maaga. Alam ko kasi kahit papaano ang kiliti ng mother niya dahil minsan nagkukuwento ito tungkol sa kaniyang ina. Alam ko rin kasi kung paano mas pagandahin ang surprise niya sa kaniyang ina. Para mas worth it pa lalo lahat ng effort na gustong makita ng ina niya sa event na pinapagawa niya sa amin. Pinahirapan pa ako. Na-pressured tuloy ako pero okay lang para naman ito kina tita at tito naman ito eh. Kilala ko naman sila lalo na ang mama ni Xian dahil minsan ko na rin siyang nakasama sa isang set noong kasama ko rin si Xian. Mabait din naman ang ginang. Alam ko rin na hindi mahirap i-please ang mother niya. Maliliit na bagay ay naa-appreciate ng kaniyang ina.   Xian and I, nag-start ‘yung pagkakaibigan namin dahil isa ako sa naging photographer niya noong nagsho-shoot sila para sa isang sikat na magazine. Isa kasi siya sa modelo noon. He’s very friendly and approachable kaya nag-click kami. Mabait din naman kasi siyang lalaki kaya ganoon. Tapos maloko rin siya minsan which is plus talaga sa kaniya. Pero ‘yung kulit niya ay hindi iyong nakakainis. Ang cute nga niya pag nangungilit eh. Marami rin kasing nabibihag sa ganoong side ni Xian, pero hindi ako kasama roon. Hindi kami talo. Alam naman niya iyon. Besides, iba na rin ang taste ni Xian. Ayaw na niya sa tahong, doon na siya sa talong. Kidding aside, ayaw niya talaga sa isang tulad ko at same rin ako sa kaniya. Friends lang talaga ang meron sa amin. Out and proud naman din kasi ako, hindi ko naman iyon pinagkakaila sa parents ko o sa ibang taong nakakakilala sa akin. Hindi ko rin naman deni-deny kung may magtatanong. I want to be true to myself lang talaga, masarap din kasi sa pakiramdam, knowing na kilala ko talaga sarili ko.   "Hoy! Natahimik ka? Sabi ko na nga ba. Ikaw kasi mapilit ka." Rinig kong sigaw niya sa kabilang linya.   Nagbalik naman ako sa kasalukuyan dahil doon. Hindi ko nga alam na aabot kami sa ganoon. Mapili talaga ako sa kaibigan. Kaya nga si Maddie talaga ang naging friends hanggang best friend ko. Hindi sa pagiging mapili ay hindi ako friendly. Parang hindi ko feel sa college ang sinasabi nila na mga fake friend kasi wala naman. Ayoko lang din sayangin ang time ko sa ganoong klaseng tao. It is better na huwag na lang talaga.   Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko kay Xian. Nginitian ko na lang siya bago sumagot.   "Sensya naman. Nanay mo kasi ang pinag-uusapan ta’s wedding anniversary pa nila ni tito kaya kinakabahan talaga ako sa kung anong kakalabasan ng lahat, Xian."   Nag-iisip na rin kasi ako paano gawing bongga lahat, lalo na sa kukuhanan ko. Nakakahiya naman kasi. Bigatin din ang parents ni Xian. Hindi dapat basta-basta lang gagawin ang event na ‘yun. Mukhang madadadag-dagan ang efforts ko sa ginagawa ko. Gusto ko lang mapatunayan na worth it na isa ako sa kinuha nila.   "Kaya nga ayaw kong sabihin, diba? Pero mapilit ka. Iyan ang napapala mo. Pero bongga nga iyong ginagawa nating preparation eh. Worth it talaga na sa iyo ako nagpatulong kahit hindi mo naman talaga forte ang ganito,” sabi naman niya at halatang inaantok na.   “Better na rin an nalaman ko ang tungkol doon. At least aware na ako sa kung anong dapat kong gawin sa mga araw na ‘yun. You can’t blame me for acting like this, Xian.” Pag-aamin ko sa kaniya.   At least aware siya sa kung anong nararamdaman ko ngayon para hindi na siya magtaka sa actions ko o ano pinanggagalingan ko. Ayoko lang maging failure sa larangang ito. Minsan ko ng pinaglaban kaya kailangan ko talaga gawin ang best ko for this. Gusto kong maramdaman ulit na proud ako sa sarili ko dahil sa success ng event na ginawa namin. That’s a big thing for me.   “Sabagay, basta be yourself lang. I am not pressuring you, okay? Besides nahihiya na nga ako sa iyo dahil pinilit kita na gawin ito kahit may mga naunang projects ka naman na natanggap. Mas inuna mo pa ‘yung requests ko. Malaking bagay na sa akin ‘yun, Brea. Thanks a lot talaga sa iyo,” madamdaming sabi niya.   Natawa tuloy ako. Ewan ko ba bata bigla-bigla siyang gumaganito. Ang sarap din sa puso na marinig ang mga salitang ‘yun. At least nalalaman ko na worth it talaga lahat na siyang proud na proud ako.   “Baliw. Naisipan mo pang mag-drama sa kalagitnaan pa talaga nang gabi. Ewan ko na lang sa iyo, Xian. Hindi bagay.”   “Lumaki rin ulo mo. Sincere na nga ang sinasabi ko rito tapos ganiyan ka pa sa akin. You are so mean talaga, Brea. Ang mean mo talaga sa akin.” Halata na sa tono ng pananalita niya ang pagtatampo dahil sa ginagawa ko sa kaniya.   Tinawanan ko na lang siya dahil doon. Ang kulit din kasi niya.   “Ikaw ‘yung mean sa atin. Manggamit!” Pabiro kong sabi na ikinalaki ng mga singkitan niyang mata.   “How dare you! Ang kapal talaga ng mukha mo, Brea. For your information, hindi ako manggagamit. I am paying you. Ano gusto mo? Half million?” Mayabang na sabi niya.   Tinaasan pa ako ng isang kilay kaya natawa ako lalo. Nakitawa na rin siya after. Baliw na nga kaming dalawa. That’s why we clicked. Nakikisabay kasi talaga siya. Besides, we know naman kung seryoso o hindi seryoso ang isa’t isa. Madali lang for us tukuyin ang ganoong bagay. Cool, right?   Sumulyap ako sa wall clock na nasa aking harapan. Namilog ang aking mata ng makitang 2:00 in the morning na. Kaya pala panay hikab naman niya. Hindi naman din kasi nagpaalala sa oras.   "Shoot! Kailangan ko ng ibaba ang tawag. Baka mapatay ako ng dalawa lalo na ni Mads. I have to sleep na, Xian.” Pagpapaalam ko.   Naku! Magigisa talaga ako ni Maddie. Napuyat na naman kasi ako. Baka magsumbong na naman ‘yun kina mommy. Mapapagalitan talaga ako. Sunod-sunod pa naman pagpupuyat ko lately.   "Ikaw kasi. ‘Wag kang mag-alala, kakausapin ko si Maddie at mag-i-explain regarding about this para hindi ka na niya pagalitan. Alam mo naman iyang best friend mo, dinaig pa ang nanay mo. Sleep well. ‘Wag ka ng pumunta mamaya magpahinga ka muna. I can handle naman. Nandoon naman ‘yung mga kasama mo kaya no worries. Thanks talaga, Brea. Thanks talaga sa lahat ng ginawa mo para mabuo ‘yung plans ko para sa parents ko. Ginawa mo talaga siya ng maayos sa reality kaya the best ka talaga. Bye, sleep well.” Pahabol na sabi pa niya bago tuluyang pinatay ang linya.   Agad kong inayos ang gamit kong nagkalat bago matulog dahil siguradong masesermonan na naman ako ng mga iyon. Mahahalata kasi na matagal akong nakatulog dahil pati gamit ko hindi ko na naayos pa. Ganoon naman kasi talaga pag-inabutan ka ng madaling araw sa ginagawa mo. Ang tendency kasi pag ganoon ang nangyayari, hinahayaan mo na lang ang gamit mo kasi ang nasa isip mo ay matulog kasi pagod ka na, tapos paggising mo na lang aayusin. Pero dahil may amazona akong kilala, kailangan kong masigurado kung okay na ang mga gamit ko at nakalagay nang maayos sa pinaglalagyan bago pumunta sa kwarto ko rito. ‘Di naman naging disturbo sa akin ‘yung Full of Dreams kasi sound proof naman siya. ‘Di ko maririnig ang ingay sa labas pero sa gabi lang pag binubuksan na ang bar. Basta may ginawa si Maddie para hindi kami madisturbo kung dito kami sa Full of Dreams magtatrabaho. Cool nga rin kasi pag-stress pwedeng bumaba para uminom nang kunti o hindi kaya ay magpadala ng inumin dito sa opisina. After ay chill na lang ang gagawin.   Bago iyon ay pumikit muna ako para mag-pray at magpasalamat sa lahat ng nangyari sa akin ngayong araw, nag-sorry na rin sa maling nagawa ko at magagawa ko. Nang okay na ako ay hinayaan ko na ang sarili kong magpatangay sa antok at tuluyang mapadpad sa dreamland. Kailangan ko na talaga ng pahinga. Masyado na talagang napagod katawan ko sa mga pinaggagawa ko this past few days.   ***   "Hoy! Gising! Alas tres na kaya nang hapon! Gumising ka na, Brea!"   Naalimpungatan ako nang ako’y makaramdam ng makalas na paghampas sa aking mukha. Halos mabingi rin ako sa sigaw ng taong gumigising sa akin. Ang sakit. Ba’t walang awang manggising ang babaeng ito? Ramdam ko ‘yung hapdi ng mata ko talaga dahil sa late na akong nag-sleep kanina. Puyat na naman kasi ako kaya ganito na naman. Buti hindi nasisira ang aking mga mata. Umiinom din kasi ako ng vitamins tapos lagi akong dumadaan sa hospital para ipa-check ang sarili ko. Baka kasi may sakit ako na hindi ko naman pala alam. Minsan pa naman traydor ang sakit kaya it is better na gawin iyon kaysa hintayin na mangyari iyon sa akin. Baka patigilin na ako nina mommy sa gusto kong gawin. Ayoko pa namang gawin iyon. Ayoko ring dumating sa point na magsisi ako dahil napabayaan ko na pala ang aking sarili dahil lang sa mga pinaggagawa ko na for me ay nagpapasaya sa akin. I should prioritize my health too.   "Aish! Matitiris ko talaga ‘yang si Xian na iyan! Napuyat na naman kasi si Brea dahil sa kaniya. Kakasabi ko lang sa kaniya the other day na huwag muna mag-work si Brea dahil nga may lakad sila ni tita. Naku! Malalagot talaga siya sa akin. Hindi talaga siya nadala sa pag-uusap namin last time. Tigas talaga ng kanyang ulo. Baka gawin ko na talagang anim ang mata ng lalaking iyon!”   "Hayaan mo na. Bukas na ang big event, diba? At kinausap naman tayo ng tao at nag-explain na rin naman kasi. Move on na kasi, Mads. Uso kasi ‘yun. Besides, doon naman masaya si Brea. Nagkataon lang talaga na napasarap siya sa trabahong ginagawa niya. Understand her naman kasi." Rinig kong pagpapakalma ni Marga kay Maddie.   Hindi ko lang talagang magawang idilat mata ko kasi mahapdi tapos inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog. Parang lantang gulay rin katawan ko. Hindi ko na nga rin maintindihan pinagsasabi nila.   "Magtigil ka, Margarita. Baka ikaw ang tirisin ko. Kagigil ka rin. Kinukunsinti mo rin ang isang ‘yun. Gusto mong paluin ko kayong dalawa ng makita mo. Bwisit kayo ha!" Sigaw niya sa kasama at mukhang doon pa ibabaling ang inis niya.   Sige lang, Marga. Push mo pa, please? Para makatulog ako ulit. Ikaw na muna bahala sa best friend kong amazona. I need to sleep more. Mukhang nagpaparamdam na rin ang mga body pain ko. Kailangan ko na rin siguro magpa-massage after this.   "Ay grabe! Parang nagsabi lang. Sige na, bababa na ako. May titignan pa kasi ako sa inventory natin eh. Basta Maddie, easy ka lang riyan." Pag-iiba niya ng usapan.   Mukhang tatakas ang bruha kasi nakatunog ata na pag inis pa niya lalo ang amazona lagot talaga siya.   "Mabuti pa nga. Layas!"   Nakarinig na lang ako ng mahinang tawa at pagsara ng pinto. Masyadong maingay ang dalawang iyon. Sumasakit lalo ulo ko dahil sa boses nila. Kulang pa talaga ang sleep ko.   "Mads? Pwede bang pakihinaan niyang boses mo? Can't you see? I'm sleeping!" Saway ko rito nang ‘di ko matiis ang kakadada niya.   Masakit na talaga kasi ang ulo ko. Ngayon ko lang naramdaman na masama na talagang magpuyat ng sunod-sunod. Aish! Next time matutulog na ako around midnight na kasi ‘di sumasakit ulo ko pag ganoong oras ako matutulog eh. Titigil na rin sa work pag ganoong oras para ‘di ko maramdaman ‘to ulit. Dinaig ko pa ang lumaklak ng alak kagabi. Ang sakit talaga. Nanghihina rin katawan ko.   "Huwag mo akong ma-can't you see, can't you see riyan Brea!! Hinahanap ka na ni tita! Nakalimot ka na naman at 3:00 nang hapon! Kaya bangon! Ano ba kasi silbi ng alarm clock mo at hindi ka nagising? Hoy!" Malakas na sigaw niya at sobrang lapit pa sa taenga ko kaya naisipan ko na ngang bumangon. Baka mabingi pa ako sa pinaggagawa niya sa akin.   Malakas na inihampas sa pagmumukha niya ang unan ko. Ang sakit kaya ng ginawa niya. Ang sama na nga ng pakiramdam ko gumaganoon pa siya sa akin. Aished!   "Damn you, Maddie!" Inis na sigaw ko sa kaniya.   Pumikit-pikit pa ako nang biglang may naalala ako. Mabilis na inayos ang damit ko sabay sukbit ng bag ko dahil ako’y uuwi. Malalagot na naman kasi ako. Kamuntikan ko na naman kasing makalimutan na may lakad pala kami ngayon ni mommy. Buti na lang at nasabi ni Maddie kanina. Ngayon lang talaga nag-sink in sa isip ko. Naku naman kasi!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD