Pagkatapos kumain, habang naghuhugas ng plato si Reina... Marahan ang bawat hugas ni Reina sa mga pinggan, habang ang malamig na tubig ay lumalagaslas sa lababo. Tahimik lang ang paligid, maliban sa tunog ng tubig at lagaslas ng pinggan sa plato rack. “Nasaan si Clyde?” tanong ng mama niya habang naglalagay ng tuyong basahan sa mesa. “Hindi mo ba alam?” Umiling si Reina. “Hindi ko napansin. Baka lumabas lang para magpahangin.” Tahimik ulit. Pero ilang segundo pa’y nagsalita ulit ang kanyang ina. “Alam mo, nung dumating kayo, akala ko talaga boyfriend mo ‘yung si Clyde,” sambit nito habang nakangiti. “Guwapo, may dating, at ang protective niya sa’yo kanina.” Nagulat si Reina. Napahinto siya sa paghuhugas ng isang platito at napatitig sa ina. “Ha?” gulat niyang tanong. “Si Clyde? Boyf

