THIRD PERSON POV Pagkarating nila sa bahay, agad na tinulungan ni Clyde si Reina sa pagbaba ng mga pinamili mula sa tricycle. Kahit ayaw pa sanang magpabuhat ni Reina, maagap na inabot ni Clyde ang mga basket ng gulay at tinapay, at hindi na siya tinanggap pa ng pagtutol. “Akin na ‘yan, baka mabigatan ka,” wika ni Clyde habang bahagyang nakayuko sa mukha ni Reina. Tumalikod agad ito para hindi mahalata ang kaunting pamumula ng pisngi. Nasa may pintuan pa lang sila nang bumungad ang mama ni Reina, hawak ang isang basang pamunas at halatang kakagaling lang sa kusina. Napahinto ito sa kinatatayuan nang makita ang dalawa—magkatabi, nagtutulungan, at tila ba magkasangga sa iisang gawain. “Ay sus! Ang sweet niyo naman!” natatawang sambit ng mama ni Reina, sabay akyat ng kilay. “O Reina, baki

