CHAPTER 46 Mabigat ang ulo ko nanag magising dahil sa liwanag na nagmumula sa labas at tumatama sa salamin papunta sa mukha ko. Ni hindi ko anmalayang nakatulugan ko na ang pag-iyak. Nandito pa kaya siya? Iyan ang tanong na kaagad na naisip ko mula nang bumangon ako at gumising mula sa pagkakatulog. Pagod man at hindi maganda ang pakiramdam ay bumangon na ako. Hindi pwedeng magpabaya ako sa sarili ko ngayon gayong may binubuhay akong munting sa tiyan ko. Nang makapag-mumog at makapaghilamos ay nagsuklay lang ako at lumabas na. Sa ganoong posisyon katulad ng isang araw ay naabutan ko siyang ngakakape at nakatulala sa news. Batid kong alibi lang ang tv para hindi ito mapansing nakatulala. Peke akong umubo na nakaagaw ng pansin sa kaniya. “Morning. Have your breakfast.” A

