CHAPTER 69 “Ma…” nanghihinang tawag ko kay mama na nakaupo. Habang hindi ko naman namataan si papa. Kaagad na nabaling ang paningin nito sa akin at ngumiti. Kahit na nahihirapan ay nagawa kong ngumiti. Ni hindi ko maramdaman sa katawan ko kung alin ang masakit. “Kamusta ang pakiramdam mo?” Napangiti nalang ako at napapikit sa malamyos na tinig na iyon ni mama. Tumango-tango ako dahil paakiramdam ko kapag magsasalita pa ulit ako ay may kikirot na naman. Agad na namuglat ang presensiya sa katawan ko pero sa kabila niyon ay dahan-dahang iminulat ko ang mga mata. Nailibot ko na yata ang makita kong bawat sulok sa loob ng kwartong ito pero ni hindi ko makita ang presensiya nito. Ang pag-aalala sa mga mata nitong tuwing nakikita akong nahihirapan. Mga matang alam kong kailanm

