CHAPTER 65 I was looking at her now. The other half of me that I broke, few years ago. The woman I never knew the worth hanggang sa napagod na siya. Napagod na sa ‘kin. I faked a cough to get her attention. Nakaupo kasi ito sa harapan ko at nasa papatingkad na araw ang tingin. Before I could even be mesmerized and intoxicate by her beauty ay napayuko nalang ako at tinitigan ang mga daliri kong pinaglalaruan ko. I am so nervous na ang ginagawa ko noong kabataan ko na paglalaro sa mga daliri ay nanumbalik. Nahihiya ako. Nahihiya akong nakipagkita pa ako gayong alam kong malapit nang maghilom. Nahihiya akong nandito ako sa harapan niya at iniisip niyang nanggugulo ako o manggugulo. Bigla ay naalala ko nag tagpong naabutan ko. Sila na ba? “What are you doing here?”

