CHAPTER 28 They were both quiet. Mula sa pagsundo ni Liam sa kaniya ay hindi na niya ito pinagtuunan ng isip niya. Umagang umaga pa lang pero ‘yung isip niya kung saan-saan na nadadako. Madaming lumalaro sa isip niya pero ni walang espasyo doon para isipin pa ang sarili. Wala sa sariling nahaplos niya ang bandang tiyan niya at ngumiti ng tipid. “We are here.” Pabuntong hiningang ani ni Liam bago iminani obra ang sasakyan para maiayos sa parking lot. Ni hindi man lang niya namalayan na dinala siya nito sa mataas na bahgi ng siyudad nila. He really knows how to ease her feelings. She sighed before unbuckling her seatbelt. Nang matapos at maiayos na nito ng mabuti ang sasakyan sa parking space ay akmang bubuksan na sana niya ang pintuan ng sasakyan sa kaniyang tabi when s

