CHAPTER 50 Nagising ako nang may hindi magandang pakiramdam. Sabayan pa ng message ni Gelo na tila galit. Parang pinagsisihan ko tuloy na hiniling ko na sana kinontact ako nito. Kasi kung gan’to lang din naman… Akala ko kung ano na ‘yung 10 missed calls and 40 messages. It was all messages of him being angry. Call messages of him shouting in the other line saying I should go home or else. “Ayos ka lang?” Nag-aalalang mata ni Drea ang nakatagpo ko. Kumakain kami ng agahan pero ni hindi ko man nagagalaw ang pagkain ko. I just smiled at her at hinawakan ang kamay niyang nasa balikat ko. Naguguluhan man ay napilitan itong tumango. Anon a naman kaya ang ikinagalit niya? Natatkot tuloy akong umuwi. Napansin ko kasi sa kaniya na kapag umiinit ang ulo niya minsan ay hindi na ni

