CHAPTER 48 Napagkasunduan namin na dumeretso na ng uwi since hindi ko naman inakalang mapapagod ako ng husto doon sa shoot. Hindi ko din nakita kanina si Andrea, asan kaya ‘yun? Iyon pa nga ang sobrang hyper at excited kapag grad pic na ang pinag-uusapan. Mabuti nalang at may taga-ayos na nandoon sa school. Mabilisang ayos lang kasi ang ginawa ko kaya pag-uwi ay may heavy make up na ako na libre. “Ganiyan ba talaga dapat ang mukha niyo kapag graduation pics?” Nakangiwing ani ni Liam habang panay ang sulyap sa akin. Currently, ay papauwi na kami. Hindi pa naman mag-gagabi pero nag-iingat nalang kami dahil may dinadala ako, siyempre. “Ano namang ganiyan? Pangit ba?” Nakngiwing tanong ko. Nahawa na sa hitsura niya. He chuckled. “Hindi, mukhang bruha lang.” “Hindi? Per

