CHAPTER 54 Ni hindi ko alam kung saan na ako pupunta. All I could feel is tiredness na sinabayan pa ng pagsakit ng likuran at paghilab ng tiyan ko. Bahagyang nandilim ang paningin ko pero bumalik din naman kaagad. Pinalaks ko ang loob ko sa kabila ng kirot na nadarama. I know this isn’t just a normal pain kaya gusto ko nang makalabas. Mas annlumo pa ako sa isiping hindi man lang ako sinundan ni Angelo. Napahawak ako sa gilid ng elevator door nang maramdaman kong parang nahihilo ako. Ni hindi ko na alam kung alin ang hahawakan. ‘yung puso kong nasasaktan, ‘yung likuran kong sumasakit, ‘yung ulo kong kumikirot o ‘yung tiyan kong humihilab. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang isang likidong umagos sa binti ko. Nanginginig kong yinuko ang binti kung saan naba

