••• C H A P T E R [ 37 ] Kyzer Salvador “Where is she? Ilabas niyo ang matandang ‘yun at iharap niyo siya sa akin!” Narinig ko ang malakas na sigaw ni Tyler mula sa living room. Sumunod naman ang dalawa niyang tauhan at agad hinanap ang taong hinahanap niya. Narito ako ngayon sa kusina para kumuha ng maiinom at nagtataka ako kung bakit naparito siya sa ganitong oras. Alas diyes na ng gabi at galit na galit siyang sumulpot dito sa mansiyon. Agad kong tinago ang sarili ko sa isang maliit na silid sa kusina nang makita ko ang pigura niya na papunta sa kinaroroonan ko. Kitang-kita ko sa mata niya ang panlilisik at galit na hindi ko alam kung ano’ng dahilan. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan siya sa maliit na espasyo ng pintuan sa harap ko. Ano na naman kaya ang nang

