••• C H A P T E R [ 35. 1] Aika Mendez NARITO ako sa kwarto ko. Kakatapos ko lang tawagan si Inang at ipaalam sa kanya na ikakasal na ako kay Tyler. Isang tunay na kasal. Matagal kong pinaghandaan ang bagay na 'to dahil gusto kong alam niya ang nangyayari sa akin. And as I expected, ayaw niyang pumayag sa desisyon ko dahil alam niyang sinasaktan ako ni Tyler. Sinabi ko rin sa kanya na nagdadalawang isip ako na pakasalan si Tyler dahil nga sa mga nalaman ko at sa posisyon ngayon ni Maica. Nahihirapan na ako kaya tinawagan ko na si Inang at sinabi niyang mas piliin ko ang pamilya ko kaysa sa ibang tao na dumaan lang sa buhay ko. She really knows what should I do pero sa sarili ko. Hindi ko talaga ang gagawin ko. Matapos ang pag-uusap naming dalawa ay binuksan ko ang pintuan ng kwarto

